TST - Chapter 13: Dating 102

Depuis le début
                                    

        *Present*

        *toktok*

        Pagbukas ko ng pinto bumungad sakin ang isang inis na inis na si Jesse. Halos magsalubong ang kilay nito dahil nakakunot ang noo niya. Walang anu-ano’y pumasok siya sa opisina ko.

        “Ano ba ‘tong – “ natigilan siya ng mahawi niya ang itim na telang nagkukubli sa isang sulok ng opisina ko.

        “Woah~ ano ‘to?” lumigid ang mata niya. Hanggang sa makita niya ang gitna na may mesa at upuan.

        “You like it? So, ready ka na Jesse?” I smiled sweetly at her.

        “Psh. Pasalamat ka at si Max my loves ang nakiusap sa akin, kung hindi lang…” bumalik sa pagkakaismid ang mukha niya tulad kanina nung pumasok siya ng office ko.

        Lalong lumapad ang ngiti ko.

        And yes, tama kayo. Si Max ang nagugustuhan ng maganda kong kaibigan.

        Ewan ko ba dito, maganda naman siya, mabait, matalino, lahat pwedeng magkagusto sa kanya, pero sa dinami-dami ng lalaki sa mundo, sa isang lalaki na lalaki rin ang hanap siya na-inlove. Weird. Pag naman tinatanong ko siya ang sinasagot niya lang lagi sa akin…

        “’Cause he’s the right guy for me.” Sabay kindat.

 

        “Ano ba kasing gagawin natin dito at may ganito pa?” Nakakunot ang noo niya habang nagtatanong. At nakaismid pa rin.

        “I’ve told you a million times right? I just need you to sit there, relax and act like you are on a date.” Itinuro ko ang table set up sa gitna ng office ko. Ako pa mismo ang nagset up nun.

        It’s a table for two na may mga pagkain at kandila pa sa ibabaw ng lamesa. Pang-date talaga ang vibe.

        “Huh? Bakit ba kasi? Sino bang makakadate ko? Si Max my loves ba?” excited niyang sabi. Umiling lang ako.

        “Then who?” naptaas ang kilay niya.

        *tok tok*

 

        “Andyan na yung kadate mo. Upo ka na dun.” Tinulak ko siya ng bahagya at lumabas ng office.

        Sinara ko kaagad ang pinto at hinarap ang bagong dating.

        “Oh Selena! Hindi ba tayo papasok sa office mo?” naguguluhan niyang tanong.

        “Papasok. Pero wait! Dala mo ba yung pinapadala ko?” Inilabas niya naman ang isang boquet ng red roses at isang box na chocolate.

The Sex TeacherOù les histoires vivent. Découvrez maintenant