CHAPTER 1

12.3K 276 24
                                    

Marie's POV

Nagmamadali akong pumasok dahil 5 minutes na lang ay mag-uumpisa na ang klase, terror teacher pa naman ang first teacher namin sa umaga at saka Math pa ang tinuturo niya. Lalaki siya, pero ubod ng sungit at ewan ko ba parang laging dinadatnan eh. Hindi ko pa nga nakitang nakangiti 'yon basta pagkapasok niya sa room salubong ang kilay, nakabusangot ang mukha, at nag-uusok ang kaniyang ilong lalo na kapag nakikita niya ang mukha ko.

Pangit na nga ako eh, swerte niya nga at lalaki siya, ano pa kaya kapag babaeng buntis siya tapos pinaglilihian niya pa itong pangit kong mukha at baka kapag nanganak na siya hindi na ako magtataka kung bakit pangit rin ang magiging anak niya. Ang lakas kasi ng saltik ng guro naming iyon, masama siguro ang gising kapag umaga kaya ganoon na lang siya.

Halos matalo ko na si Flash sa bilis ng pagtakbo ko. Kahit marami akong dalang mga libro at isama mo itong bag kong puno rin ng notebooks at mga kailangan pa sa school tuloy parin ako sa pagtakbo para lang hindi ako malate.

Nang makarating ako sa corridor nakahinga naman ako ng maluwag nang hindi pa sarado ang pinto, pero naasar parin ako. Hindi na nga ako nakapag-almusal eh, tapos wala pa palang teacher. Diyos ko! hingal na hingal akong pumasok sa room at papunta na sana ako sa upuan ko ng may pumatid sa aking lalaki at naghari ang tawanan sa loob ng room.

Nahulog lahat sa sahig ang mga dala ko at kasama na ako do'n, masakit ang tuhod ko habang tumatayo. Pinulot ko isa-isa ang mga libro at inayos ang malaking salamin saka dumiretso sa aking upuan. Hindi parin sila tumitigil sa pagtawa, pati nga mga babae ay pinagtatawanan na ako.

Pero sanay na ako, saka sila rin naman ang mapapagod at hindi ako. Nagsasayang lang sila na mga mababahong laway nila sa kakadada at kakatawa.

Hindi naman matatapos ang araw na ito hanggang walang kamalasang dumadating sa akin. 4th year high school na ako. Newbie lang ako dito last year pero wala masyadong pumapansin sa akin.

Binuklat ko muna ang libro ko at nagbasa dahil wala pa naman si Prof. Sungit. Iyan ang tawag ko sa kaniya pero hindi ko sinasabi kapag kaharap ko siya baka ano pang magawa nun at baka masaktan pa ako at hindi rin ako magdadalawang-isip na gantihan rin siya.

Hanggang sa dumating na nga siya and as usual parang papel na nalukot-lukot nanaman ang kaniyang mukha,  hindi ko tuloy maiwasang matawa.

"Hoy ikaw! Anong ngingiti-ngiti mo diyan ha?" sigaw niya sakin kaya nagulat ako.

'Tss!  Pakielemero!' bulong ko

"Wala naman sir." sagot ko sa tanong niya. I'm trying my best just to be nice to him.

"Tsk!" palasak niya. Nagsimula na rin siyang magturo at magsulat ng kung ano-ano sa white board.

Magaling siyang magturo pero yung ugali niyang bulok, iyon ang diperensya sa kaniya. Kapag kaharap niya ang adviser namin, sobrang bait niya, pero kapag nakatalikod kulang ang salitang demonyo para ipaliwanag ang ugali niya. Nakakaasar nga, daig pa ang babae kung dinadatnan.

Ako lang daw kasi ang dahilan kung bakit lagi siyang masungit. Tss! Bakit niya kasi ako tinitignan? Pwede namang sa iba na lang siya tumingin eh at saka kung wala e di magfocus na lang sana siya sa tinu-----

"Miss Maconda, you are not paying attention! If you're not willing to listen, then the door is widely open for you to leave my class." gigil na saad ng propesor namin.

I rolled my eyes heavenward.

"Come and answer this one!"

Bagot na tumayo ako.

THE CAMPUS NERD Where stories live. Discover now