Chapter 12 "NEW BEGINNING"

458 13 7
                                    

Chapter 12

“NEW BEGINNING”

(last chapter na po ito ng No boundaries.. Salamat sa lahat ng nagkaroon ng panahong basahin po ito.. At sa taong special sakin, nasan ka man, hindi man tayo ngayon, malay natin,, 5years from now.. salamat.. xoxo may book 2 pa po ito.. Hehe..

ABANGAN!!)

Umiyak magdamag si Mitch habang hawak ang sulat mula kay Michael. Sinisisi ang sarili dahil sa mga nangyari.

“Ikakasal na ako bukas. Magkakahiwalay na talaga kami.”

“Mitch, nandito na yung kotseng maghahatid satin sa venue. Ready ka naba? Nandito na din si Karen.”

Pero walang sumasagot sa Ina. Kaya minabuti na nitong buksan ang pinto at pasukin ang dalaga.

“Mitch, anak? Ok ka lang ba? Bakit mugto yang mga mata mo? what’s wrong? What happened?”

“Ma, kasalanan ko.” Mabilis na umagos ang mga luha sa mga mata ni Mitch.

Agad na niyakap ng ina ang anak. Dama nito ang hirap at sakit na pinagdaraanan dahil sa mga nangyari ilang araw bago sya ikasal.“Anak,”

“Kung hindi dahil sa katigasan ng loob ko, naiwasan sana naming ito. Kung inuunawa ko lang sya, sana kami ang ikakasal ngayon.”

“Maam, kinakailangan na po nating umalis.” Sinundan na sila ng yaya nito.

“Anak, we have to go. Are you going to continue this or---“

“Ma, I have to. Ayokong ipahiya si Calvin. Tuloy ang kasal.”

Pinunasan nito ang mga luha at saka inayos ang sarili, nagretouch at sumakay sa kotse.

Habang naglalakad sya papuntang altar ay patuloy lang sa pagtulo ang kanyang luha. Mabuti na lamang at suot nya ang kanyang belo. Habang sya’y naglalakad patungong altar na sinabayan pa ng pag awit ng choir, wala syang ibang inisip kundi ang lalaking unang minahal. Nakita na lang nito ang sariling iniimagine na si Michael ang lalaking naghihintay sa kanyang pagdating sa altar.

“Paalam Michael. Hanggang dito na lang ang lovestory nating dalawa. Ako na ang syang tatapos. Hinding-hindi kita makakalimutan. Alam ng Diyos kung gaano kita kamahal. Sana mapatawad mo din ako.”

Inabot na ni Calvin ang kamay ng dalaga at saka sabay na humarap sa altar. Batid nito ang pagtangis ni Mitch. Pero pinilit pa ding ngumiti sa harap ng madaming tao.

“Sisimulan na natin ang seremonya ng kasal.” Paunang salita ng pari. “Kung mayroon ditong tutol sa kasalang ito ay magsalita na o panghabang buhay na manahimik na lamang.” Malakas nitong tanong. Lumingon sa likod si Mitch para tingnan kung nandun ang taong minamahal. Nagbabaka sakaling pipigilan nito ang kanilang kasalan ni Calvin. Ngunit wala. “Sa pelikula at nobela mo nga lang yata talaga makikita ang mga ganoong klase ng eksena. Na darating ang taong mahal mo sa oras na kailangan mo. just in the nic of time to save you from the wrong one. So bakit pa nga ba ako umaasa? He won’t come. He never did, and never will. I shouldn’t really believed the promises he said. I guess this is really the end of the road for our story.” Kung kaya’t pinagpatuloy ng pari ang seremonyas ng kasal.

“Ikaw Michelle Santos, tinatanggap mo ba si Calvin Villa Mayor upang maging iyong asawa habambuhay?” tanong ng pari.

Gustuhin mang tumanggi ng dalaga, pero hindi na nya magawa. Kaya kasabay ng pagluha nya, ay pikit mata nya itong sinagot nya ng, “I do.”

“Ikaw Calvin Villa Mayor, tinatanggap mo ba si Michelle Santos upang maging iyong asawa habambuhay?”

Ngunit hindi kaagad nakasagot si Calvin, kaya muli itong inulit ng pari.

Book 1 No Boundaries (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon