Chapter 8 "THE RING"

242 9 0
                                    

Chapter 8

“THE RING”

“Mitch, pasensya na hindi kita masusundo mamaya. May operation kasi ako sa ibang ospital eh. Okay lang ba?”

“Sweetie, ok lang, ano ka ba. Unahin mo yan. Sabay na lang kami ni Karen pauwi. Ok?”

“Sigurado ka?”

“opo DOC.”

“Sige. Babawi na lang ako sa pinakamamahal kong Nurse ha.i love you. Bye.”

“Kahit wag na. Sige na. I love you too.” Malungkot  nitong ibinaba ang telepono.

“Si Yummylicious Papa Calvin ba yun?” kinikilig na tanong ni Karen.

“Oo.”

“Eh bakit ka naman dyan lungkot-lungkutan? Dahil di ka nya hahatid? O dahil nakalimutan  nyang 2nd anniversary nyo?”

“pareho. Ilang beses na kasi nyang nakakalimutan ang monthsary namin e. Ngayon, itong pinakamahalaga pa ang nakalimutan nya. Hay. Pero naiintindihan ko naman sya. Reasonable naman sya palagi. At okay lang sakin yun. Doctor sya. At bago pa man din naging kami, ay ganun na ang buhay nya. Dapat lang na unahin nya ang buhay ng mga tao. Hindi ako dapat na makipagkumpetensya sa mga taong nangangailangan ng serbisyo nya.”

“Naku, magselos daw ba sa mga pasyente? Malay mo naman bukas, lumabas kayo diba?”

“Sabagay. Okay lang naman talaga sa akin yun. Teka nga, e kamusta na ba kayo ng mahal mo? Ano ng balita sakanya?” pagiiba nito sa usapan.

“Ayun, buti hindi nakakalimot tumawag at magparamdam. Alam naman nyang aabutin sya sa akin ng sandamakmak na sermon at away na umaatikabo pag nakalimutan nya yun e.” panandalian syang huminto. “oh bakit siz?”

“wala. Siz, pano nyo nakayanan ni Benjie ang lahat na ito. I mean how do you survive a long distance relationship?”

“Constant communication lang. Saka, tanggap ko kasi yun. Alam ko namang babalik sya e.”

“ah.”

“Naaalala mo pa din sya noh? Tama ba ako?”

“Naisip ko lang. sinabi nya kasi 2 taon lang sya dun. Pero 3 taon na. buti na lang hindi ako umasa sa mga pangako nyang iyon.”

“Okay lang yan.”

“I know, saka masaya na ako ngayon.” Pinilit nitong magbigay ng isang pilit na ngiti.

“Tama. Jackpot ka kay Yummylicious noh?”

“Naku, oo na. Tara na nga.”

Sabay nga silang umuwi kagaya ng nakagawian na nila. Malungkot man, ay naging masaya na rin sya dahil ngayon na lang ulit ito nagawa. Girl bonding ika nga nila. Madalas kasi ay hinahatid sila ni Calvin. Ngayon, kumain muna sila sa isang mamihan na madalas nilang gawin nung sila’y college pa lang. pagkatapos ay nagkwentuhan ng kaunti at pagkatapos ay nagaya na pawi dahil lumalalim na ang gabi.

“Boogie, nandito na ako.” Bigla syang natigilan. “somethings wrong. Baka nanakawan na din kami kagaya ng mga kapitbahay namin.” Akamang tatawag na sya ng pulis ng biglang bumukas ang ilaw sa loob ng bahay. Agad syang pumasok para makita kung ano nga bang nangyari. “Yaya. Boggie?”

Gulat syang lumapit sa papasok ng bahay habang nilalakaran ang puting mga petals ng rosas at mga kandilang nakalagay sa ibaba. Puno ng kulay rosas na kurtina na maganda ang pagkakaayus sa itaas . may mga lobong pusong pula at puti. Sa gitna ay ang mas marami pang bulaklak na nakahugis puso kung saan nakatayo ang isang imahen ng pamilyar na lalaki.

Book 1 No Boundaries (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon