Chapter 6 "GOODBYE"

236 16 0
                                    

Chapter 6

“GOODBYE”

“Siz, hindi naman nya gustong gawin sayo yun. Patawarin mo na sya.”

“Patatawarin ko sya? E kasali ka nga dun. Niloko nyo ako.” Dama pa dina ng galit sa tinig ng dalaga. Ang ayaw nya kasi sa lahat ay ang pinagtataguan sya at pinagsisinungalingan . mula noong naghiwalay ang mga magulang nya, iyon na ang natatak sa isipan nya.

“Anak, pangako, huling alis ko na to. Pagbalik ko, aayusin natin ng Mama mo ang pamilya natin.”

“Pangako Daddy? Hindi ka na ulit magaabroad pag balik mo? last na to? Huh?”

“Pangako baby. Be good huh. Gusto ko pagbalik ko, honor student ka pa din.”

“Promise Daddy.”

“At no boys muna huh. Dahil pag may nanliligaw na sayo, babalik ako agad-agad kahit hindi pa tapos ang kontrata ko para lang makilatis ang mga lalaking umaaligid sa baby girl ko.” Pinahid pa nito ang mga luha na patuloy pa rin sa pagbasa sa pisngi ng anak.

Dahil sa mga tinuran ng ama, nagsimula ng lumiwanag ang mukha ng dalagita.

“Ayan. That’s better.”

All passengers for flight EK number 334 going to Dubai, UAE, please proceed to terminal 1. All passengers for flight EK number 334 going to Dubai, UAE, please proceed to terminal 1.

“I have to go now. Bye for now baby. Take good care of your Mommy while I am away.” Hinalikan nito ang noo ng anak at saka tumalikod at pumasok sa loob ng airport. Hindi na ito lumingon kahit na panay ang pagtangis at sigaw ng anak.

Pinanghawakan ng dalagita ang pangakong binitawan sa kanya ng kanyang ama. Pero lumipas ang isa, dalawa, tatlo, lima, anim na taon, walang amang nagbalik. Hindi narin nila nagawang ma-contatct pa ang matandang lalaki. Ang halik sa kanya sa noo ng kanyang ama pala ang huli na nitong halik sa kanya. Ang dami nyang tanong sa biglaan na lamang na pagkawala nito. Pero hindi nya mahanap ang mga sagot sa lahat ng ito. Nagsimulang mapuno ng galit at pagkamuhi ang puso ng dalaga.

“Kahit kelan, hinding-hindi na ako maniniwala pa sa sino mang mangangako sakin. At sino mang tao ang magsinungaling sakin o mang-iwan, hinding-hindi ko na pagkakatiwalaan pa.” Lumuluhang wika ni Mitch habang isa-isang sinusunog ang mga birthday cards na bigay sa kanya ng kanyang ama.

Matagal bago nito matanggap na hindi na talaga mabubuo ang pamilya nya. Pero, isa rin marahil iyon sa mga dahilan kung bakit sya naging ganito katatag at katapang na tao. Ang tingin kasi sa kanya ng lahat ay taong hindi kayang patumbahin ng ano mang problema. Ang hindi nila alam, isa syang malaking fake. Magaling lang syang magtago at magaling gumamit ng defense mechanism.

“Gusto nya kasing sya ang magsabi sayo. Ayaw nyang sa ibang tao pa manggaling dahil siguradong pag nalaman mo, magagalit ka.”

“Niloko nyo pa din ako. At hindi na mababago yun.”

“Pero Mitch, hindi din naman nya kasalanan na umalis. Ang totoo nyan ayaw nya talgang umalis. Alam mo naman kung gaanu ka kamahal ng tao. Pero kinakailangan, para din sa future nya yun. Gusto nyang---“

“Future nya lang? Pano yung samin? Yung future naming?”

“Mitch naman.”

“Karen, babalik na ako sa loob. Madami akong pasyente ngayon. Magkita na lang tayo mamayang uwian. Mauna na ako.”

At nagpaalam na sya. Talagang nasaktan si Mitch sa nangyari. Maging sa kaibigan ay nagtatampo pa rin ito. Pero ang kasintahan ay hindi na talaga nya kinakausap. Palagi itong naghihintay sa labas ng ospital, sa bahay at madalas ding tumatawag. Pero pinapatayan lang sya nito ng telepono at iniiwasan. Kahit anong gawing paghingi ng tawad ay mukang hindi na sya nito magagawang mapagbigyan.

“Yaya, andyan na po ba si Mitch?”

“Wala pa po sir eh. Baka po magovertime sa trabaho.”

“Ah, ganun ba? Sige, pakibigay na lang po itong bulakalak at sulat sa kanya.”

“Sige po Sir.” Matapos maghintay ng magdamag sa labas ng bahay nila Mitch, ay umuwi itong nanlulumo at puno ng lungkot ang mga mata.

“Maam, kanina pa po sya naghihintay sainyo dyan. Ilang gabi na din po syang nagbabantay dyan sa labas kahit umuulan. Hindi nyo po ba talaga sya lalabasin man lang?”

“Yaya, hindi na kami dapat magusap. Tapos na samin ang lahat.”

“Eto nga po pala, pinabibigay nya.”

Pagkakita ay parang ayaw pa nitong kunin o ni hawakan man lang pero kinuha padin nya ito at saka umakyat sa kwarto.

“White Roses? And so what? Akala ba nya e magkakabalikan kami ng dahil lang dito. Tse.” At saka nya binuksan ang sulat, nang biglang may mahulog mula dito.

“Singsing ko to ha.” Nagsimulang mag-unahan sa pagbagsak ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata.

Hon,

            Alam kong galit ka pa rin sa akin at parang imposibleng mapatawad mo pa ako. Pero maniwala ka, hindi ko gustong lokohin ka. Sana matagpuan mo sa puso mo na mapatawad mo ako pagdating ng panahon. Babalik ako, pangako. Sana pag nangyari na yun, handa ka paring tanggapin ako.

            Mahal na mahal kita. Tandaan mo yan. Babalik ako. Pangako.

Love,

Michael

Hindi na tumigil sa kakaiyak magdamag si Mitch. Pero hindi parin nya magawang mapatawad ang dating kasintahan. Halos hindi na ito nakatulog.

“Siz, ngayon ang flight ni Michael. Hindi mo man lang ba sya kakusapin o patatawarin? Pwede namang kayo pa rin kahit nandun na sya e.”

“Bakit? Kayo ba ni Patrick, nagawa nyo bang kayanin ang long-distance relationship? Alam ko sa sarili kong hindi ko talaga kaya ang ganun. Kaya mabuti na yun ganito. Walang sisihan. Magkaron man sya ng bago dun, wala kaming problema. Saka lalaki lang yun.” Pero batid padin sa muka ang kalungkutan.

“Siz---“

“Okay lang ako. Pasensya ka na ha.”

“Sigurado ka na ba dyan?”

“Oo.” Pagkatapos ay binago ang ekspresyo ng muka para hindi magalala ang kaibigan. “Tara na. Baka mapagalitan pa tayo.”

“Hay, sige. Basta pag kailangan mo ng makakausap, you know how and where to contact me. Okay?”

Kasabay ng malakas na ulan ng gabi ng alis ni Michael ang pagiyak ni Mitch. Mag isag naglakad sa  ulan ng gabing iyon. Parang wala sa sarili dahil sa mga nangyari.

‘Mahal kita pero ikaw ang may gusto nito. Bakit? Bakit? Bakit?’

Ilang gabi din syang umiiyak tuwing gabi. Walang ganang kumain at matamlay. Pero hindi nya hinayaang maging miserable ang buhay nya. Kung minsan ay nagaaya syang lumabas o gumala kasama ang mga kaibigan. Pinipilit nyang libangin ang kanyang sarili. Mahirap man pero kinakaya nya ito.Inalis na nya ang mga bagay na makakapagpaalala sa kanya ng pinagsamahan nila ni Michael. Nakatulong naman ito dahil hindi na kagaya ng dati, naibabalik na nya ang sarili sa dating si Mitch.

 (wag kalimutan ang magvote at comment..)

Book 1 No Boundaries (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon