|48|

2.3K 51 12
                                    

Pa langoy-langoy kami dun sa Ogtong Cave at medyo nakaramdam na ako ng lamig since malamig din ang tubig dun. Mayamaya lang ay pumunta kami dun sa sulok nila Stacy, Betty at Bakla. May kadiliman dito at parang ang creepy baka kasi may lalabas na sea creature pero since sila ang kasama ko katumbas na din yung makikita mong nilalang 😂 sa pagmumukha nila. Traydor!

"Ahhhhhh!!!!! Ahhhhhhh!!! Ahhhhhhh!!!" Pag sisigaw ko kasi may humila sa paa ko dun sa ilalim.

"Bwahahahahaha!"

BOGSH!!!

Sinuntok ko yung taong humila sa paa ko at ang swerte kasi si piggy pala 😂 buti nga sa'yo!

"Hoy!! E ahon nyo!! Nalulunod!! Nalulunod!!" Sigaw ni Stacy kaya tinulungan nilang e ahon si piggy. Tssk!

"Bakit mo naman ginawa 'yun bitch?!" Inis na sambit ni Stacy.

"Siya kaya ang nauna! Buti nga sa kanya." Sabi ko at turo kay Piggy. Napahilamus siya sa mukha niya at binasa ito ng tubig.

"Ang sakit nun ha!! Bakit tinutuhanan mo??" Inis niyang sabi.

"Sino kayang nauna? Gusto ko bang ilunod kita sa susunod?!"

"Okay lang basta't e mouth to mouth mo 'ko with tongue." Malandi niyang saad. Napangiwi naman ako.

"Ewww! Tanggalin ko 'yang tongue mo dyan ehh!"

"Guys punta daw tayo dun sa Sta. Fe para mag cliff diving." Sigaw ni Peter samin.

"Yay!! Tara na!" Pagyaya ni Stacy.

Agad kaming lumangoy at umahon na para makapunta dun sa sinasabi ni Peter. Naghanap kami ng tricycle para masakyan naming lahat. Buti nalang at marami dito kaya madali lang kami nakasakay.

Ilang minuto ng byahe namin ay nakarating kami dun sa cliff diving spot. Nakaramdam ako ng kaba kasi ayoko talaga sa malalalim na tubig. Baka may shark dyan. Huhuhu.

"Sinong gustong mauna??" Sabi ni Ruru.

"Ako!" Sigaw nung lalakeng kasama niya.

Isa-isa silang nag dive at ilan nalang ang natira.

"Betty! Tumalon ka na!" Sabi ni Stacy.

"Ikaw na mauna Stace! Natatakot ako ehh!"

"Ano kaba hindi ka nga natakot sa mukha mo for 22 years of existence, ito pa kaya?" Pang aasar ni Stacy at natawa nalang kaming lahat dito.

"Ang sama mo!!" Pagmamaktol ni Betty.

"Beshy!! Talon ka na!" Sabi ni bakla sakin.

"Ayoko nga!! Ikaw nalang! Gusto ko pang mabuhay nuh!"

Lumapit si Rome sakin at napamewang pa. Tsk! "Gusto mo bang sabay tayong tumalon?" Malambing niyang pagyaya.

"Ayoko nga!! Feeling ko mas safe na tumalon mag isa kesa sumabay sa'yo."

"Sige nga itulak kita!!" Sabi niya na tila naiinis. Inisnaban ko lang siya dahil nakakainis.

"Next!! Ikaw na Rome!" Tawag ni Ruru kaya agad din siyang umalis at tumalon na walang pagdadalawang isip.

"Next.."

In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit.

"Go Raymark!! Kaya mo 'yan!"

"Ahhhhhhh!!!!" Tili ni bakla bago siya tumalon.

Bakit ang tapang nila?? 😰 huhuhu babalik nalang ako sa resort.

Wrong Direction *GxG* (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum