"Tsssk!! Ewan ko sa'yo!!"

"Calling of flight 5J- 582 You may now go on board"

"Its our plane!" Napatingin ako sa babaeng nagsalita kaya nagkatitigan kami saglit pero nilagpasan niya lang ako.

Nandito nga pala siya.

Napalingon ako sa taong umakbay sa'kin at napakunot nalang ako ng noo na si piggy pala ito may pa taas-baba pa ng kilay niya. Agad kong tinanggal ang kamay niyang nakapulupot sa balikat ko.

"Gusto mo bang ahitin ko 'yang makapal na kilay mo ha??! Feeling close ka din ehh!"

"Chill!! Mag o-out of town pa tayo baka hindi ka makakasama samin."

Tinaasan ko siya ng kilay. "So?? Kung ikaw lang naman ang makakasama ko mas gugustuhin ko pang magpaiwan nalang." Pagtataray ko sa kanya.

Bigla nalang may humawak sa kamay ko at hinila ako papasok na ng airplane. "Are you just gonna stand there??" Natulala nalang ako na makita si TL na hinawakan ang kamay ko kahit kinaladkad niya ako. Ayeee!! She's so bittersweet! 😑

"Marsy! Dun ka naka upo sa row 8B." Sabi ni Stacy nung nakapasok na kami sa loob.

"Ganun bah? Sige." Agad kong hinanap yung seat number ko at laking gulat ko nalang ang katabi ko ay si PIGGY???? "Sigurado ka bang dyan ka nakaupo??" Galit kong sambit sa kanya.

"Oo naman! Tignan mo pa yung ticket ko. Heto ohh!" Sabi niya saka inabot sakin yung ticket niya, napaikot nalang ako ng mata at padabug na tumabi sa kanya. Mag so-sound trip na nga lang ako baka ma badtrip pa ang araw ko.

Nagsimula na kaming lumipad sa ere at nakikinig pa rin ako ng music.

May kumalabit sakin kaya tinanggal ko ang earphones ko. Tinignan ko ng masama si piggy dahil sa pang di-disturbo niya sakin.

"Kumain ka ohh! Tyak hindi ka nakapag almusal." Sabi niya saka nginitian ako. Tssk! Akala niya bagay sa kanya. Pwes hindi!!

"Seriously?? Namimigay ka ng plastic?? Kung ipalamon ko kaya sayo 'yan ng buo??" Inis kong saad sa kanya.

Pag ako hindi nakapag timpi pramis po may mag ska-sky diving dito ng libre. 🙄

"Kasi alam kong hindi ka kakain, nagbabakasali lang naman." Pagdadahilan niya. Ititaas ko ang palad ko sa mukha niya.

"Pwede ba! Wag mo akong kausapin kung hindi importante ang sasabihin mo. Kausapin mo lang ako kung naghihingalo ka na!" Inis kong saad sa kanya kaya tumahimik na siya.

Dahil inaantok ako ay hindi ko mapigilang makatulog.





"Ma'am gising na po! Nandito na po tayo sa Mactan International Airport." Dahan-dahan akong napamulat dahil may yumugyog sakin tinignan ko yung flight attendant sa tapat ng upuan ko at agad din binawi dahil nakuha ng paningin ko ang paligid na wala ng tao.

"Nasa'n na po ba yung ibang pasahero miss??"

"Bumaba na po."

"Ano??? Hindi man lang ako ginising ng loka-loka na 'yun."  Sabi ko sa sarili saka tumayo na.

Humanda ka sa'kin! Wag lang talaga kitang maabutan ng buhay.

Pagbaba ko sa eroplano ay nakita ko yung mga kasama ko na naglakad na papasok sa airport para kunin ang mga gamit. Nagmadali akong lumakad para mahabol si piggy nung malapit na siya sakin ay agad kong hinila yung damit niya sa likod.

Wrong Direction *GxG* (COMPLETED)Where stories live. Discover now