51- Kuya Ko Yun! Aish!

19.5K 563 50
                                    


KISMETH'S POV

Nagmamadali akong lumakad paliko sa lumang garden nitong school. Kanina ko pa kasi nararamdaman na may sumusunod sa akin. Anong oras palang ba? Napaka aga naman atang pakikipag habulan nito.

Mabilis akong umakyat sa sanga ng puno para magtago. Buti nalang at nasa locker pa ang mga gamit ko. Walang hassle.

" Fuck. Nasan na yun? " pamilyar ang lalaking to. Pero san ko ba sya nakita?

" Anong kailangan mo? " malamig na tanong ko sa kanya ng tumalon ako pababa sa puno. Nagulat naman sya at napaupo na syang kinuha kong tyansa upang itutok ang maliit kong punyal sa kanyang leeg. Ang ipinagtaka ko lang ay imbis na matakot ay napangiti lamang ito. Anong problema nya!?

" Wala akong kailangan sayo. Ikaw ang may kailangan sakin " sabi nya sabay ngiti. Lalo ko namang idiniin ang hawak kong punyal sa leeg nya. Alam kong nasasaktan sya pero hindi lamang nya pinapahalata.

" Talaga ba? At bakit ako magkakaron ng kailangan sayo? Ni hindi nga kita kilala " sagot ko naman. Napatawa naman sya na syang kinainis ko. Nabubwisit nako sa lalaking to ha

" Ay sorry. Nakalimutan kong hindi nga pala ako nakapag pakilala sayo nung fieldtrip. My name is Juxton " pakilala nya. Kaya pala mukhang pamilyar. Sya yung katabi ko nun na pinalitan ni Zachary

" Wala ako sa mood makipag kilalahan " taas kilay kong sagot sa kanya. Napailing naman ito at tumawa ng bahagya. Ano ba meron at parang ang saya nya? Bwisit

" Tsssk. Ang gulo mo. Hindi mo ba talaga gustong malaman yung kailangan mo? Nakasisiguro akong ako lang ang makakatulong sayo " bwisit. Sinsayang lang nya ang oras ko. Pabalibag ko naman syang tinulak bago umayos ng pagkakatayo at tumalikod para umalis sa lugar nato.

" You're wasting my time. Wala akong pake sayo " sabi ko bago nagsimulang lumakad. Malapit nakong lumiko ng marinig ko ang pagtawag nya sa pangalan ko. At ang mga binitawan nyang salita ang syang nagpabilis ng tibok ng puso ko.

" Kilala ko sila. Kilala ko ang mga taong hinahanap mo. Lahat ng may kasalanan sa pagkamatay ng nanay at kapatid mo " unti unti kong nararamdaman ang galit na bumabalot sa buong pagkatao ko ngayon. Naalala ko na naman. Humarap ako at naglakad pabalik sa pwesto nya

" Paano? " tanong ko sa kanya

" Naging isa ako sa kanila noon. Bago pa mandin mangyari ang ginawang pag atake sa inyo. Huli na ng malaman kong iligal lahat ng ginagawa nila. Sinubukan kong tumiwalag. Akala ko may awa sila dahil hinayaan nila ako. Pero paguwi ko sa bahay, patay na ang buong pamilya ko. Lahat walang ulo " mabilis naman akong napatingin sa kanya. Fuck.

" Bakit sinasabi mo sakin lahat ng ito ngayon? " tanong ko kahit mukhang alam ko na ang sagot. Pareho lang kami.

" Revenge. Gusto kong ipaghiganti ang pamilya ko. At alam kong ikaw lang ang makakatulong sa akin, Queen " nakatingin sya sa akin ngayon na tila ba nagmamakaawa. Umiwas naman ako ng tingin dahil mukhang ano mang oras ay tutulo na ang mga luha nya.

" At paano ka nakasisigurong tutulungan kita? " tanong ko sa kanya.

" Kasi pareho lang tayo ng gusto. Ang ipaghiganti ang mga mahal natin sa buhay. Para saan pa ang pinaghirapan mong pageensayo kung hindi mo rin naman sila ipaghihiganti? Tanga lang ang magsasabing wala kang balak gumanti sa mga taong kinuha ang buhay ng dalawang taong malapit sayo " hindi ko alam kung dapat ba akong mabahala dahil mukhang napakarami nyang alam. Idagdag pa kung paano nya nalamang ako si Queen.

" Tama ka. Pareho lang tayo ng gusto. Pero sa paanong paraan mo ako matutulungan? " nagliwanag naman ang mukha nya ng marinig ang sinabi ko. Tsssk.

That Cold Nerd is the Sexy Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon