8-3rd Day of Welcome Party

34.1K 1.1K 29
                                    


Kismeth 's POV

"Young Lady sigurado po ba kayong papasok pa kayo ngayon? May mga namumulang part pa po ng balat nyo " Mr. Yan

"Yeah" sagot ko sa kanya bago sinarado ang pinto ng kwarto ko. Tatlong beses na kong tinatanong ni Mr. Yan kung papasok daw ba ko ngayon at kanina ko pa sinasabi sa kanyang oo.

"Aish" kanina pa din ako naiinis kapapahid ng concealer. Kulay brown na nga tong ginagamit ko pero halata pa din ang pamumula ng balat ko! Tsk! Idagdag nyo pa na amoy chocolate ako!

Bumaba na ko at inabutang naghihintay sa akin si Mr. Yan. Kung hindi lang ako umabsent ng dalawang araw last week! Pwedeng pwede akong umabsent!!

"Young --"

"My decision is final Mr. Yan, I'll attend my classes today. Let's go. I don't want to be late  " di ko na sya pinatapos dahil alam kong yun na naman ang itatanong nya

"If that's what you want Young Lady Kismeth" Mr. Yan sabay bow

Lumabas na kami ng bahay at pinagbukasan naman ako ng pintuan ng kotse ni Mr. Yan. Haaaay miss ko na ang gang ko. Matawagan nga mamaya tss

"Young Lady pinatatanong nga po pala ni Master Martin kung ayos lang daw po ba kayo.Pinapasabi nya din po na don't hesitate to call him if you need something. May pinadala din po pala syang mga motor kanina. Nakalimutan ko lang pong sabihin '' nice. Buti naisipan ni dad ipadala ang mga motor ko.

"How about my cars? '' tanong ko na inaayos ang pagkakabraid ng buhok ko. Oo nagbebraid pa ko kaya di talaga ako madaling makilala bilang Queen Black. Hindi naman kasi kami gumagamit ng maskara. Unang-unang dahilan ay dahil MAINIT. Lame excuse diba? Tssss

"Sa susunod na daw po. Andito na po tayo Young Lady. Tawagan nyo lang po ako pag may kailangan kayo " tumango naman ako sa kanya bago bumaba ng kotse. Kinuha ko din yung bag ko na ang laman ay iPad at mga shurikens. Hindi gumagamit ang school ng books at notebook. Ebook na ang gamit. High-tech eh. Bukod sa mga bigbikes at sports car, mahilig din akong mangolekta ng shurikens at baril. Ewan ko basta feeling ko pag hawak ko sila masaya ko.

Pinapasok na ko ng guard na hindi makatingin sakin ng diretso. Sya yung guard kahapon. Dinaanan ko nalang sya at dumiretso na sa room. Di tulad kahapon, may mangilanngilan na estudyante akong nakakasalubong at nakakasabay.

"Ang pangit talaga!!! ''
"Oh please!! Bat kasi tinanggap yan!! "
"Siguro nagmakaawa sa may ari! Haha "
"Baka nga! Look at her skin!! Eeeeew!! May rashes ata!! "
"Di siguro naghihilod kaya nagkaganyan!! Ang itim oh!! "

Sikat talaga ko. Talk of the town. Yung tipong pag nadadaan ka sa harap nila sinusundan ka pa  ng tingin. Yung pinaguusapan ka nila. Yung naririnig mo yung mga pinagsasasabi nila. Ang saya ha. Lalo na kung puro panlalait. Nakakatouch!!! Tssssk.

Dirediretso lang ako sa paglalakad at hindi sila pinapansin. Sumakay na ko ng elevator dahil excited na kong makita ang mga mababait kong kaklase. Ano kaya ang surprise nila sakin ngayon? Kaexcite naman! Tsss

*ting!!! *

Elevator yan. Nandito na ko sa floor namin. Pagbukas na pagbukas ng pinto ng elevator, nakita ko pang nagmamadaling pumasok sa loob ng room ang isa kong kaklaseng lalake. Inaabangan talaga nila ang pagdating ko ah

Naglakad nako para malaman kung ano nga ang surprise sakin ng mga kaklase ko. Di na ko makapaghintay. Nasa labas na ako ng pinto pero katulad kahapon tahimik sila. Pinakiramdaman ko muna ang paligid bago buksan ang pinto.

"Hello Kismeth! Good Morning!!! Ayun oh sa likod upo ka na. Walang katabi si Sydney oh " turo nung lalakeng nakita ko kanina na tumakbo. Napatingin naman ako kay Sydney pero nakayuko sya. Kumpleto na kami kaya lang wala pa yung walong hari na nakaupo sa likod namin. Buti naman. Bawas sakit ulo

That Cold Nerd is the Sexy Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon