Chapter 24: Birthday Celebration

30 3 3
                                    

Mikey's POV

Nakakainis naman oh!! Ako sana yung maghahatid kay Patty ngayon, pero bigla namang sumingit yang Daryll na 'yan! Panira sa plano ko tsk!

"Hoy Mikey! Kanina ka pa naka busangot diyan! It's your birthday!! Kaya 'wag ka ng sumimangot. Ang pangit naman kung yung birthday boy namin ay galit diba?" Sabi ni Kylie. Ehh sino ba namang hindi maiinis dun sa nakita ko kanina? May pa hawak- hawak pang nalalaman si Daryll sa baywang ni Patty.

"Ehh sino ba naman kasi yung 'di magagalit doon sa nakita natin kanina diba?!" Halos pasigaw kong sabi sa kanya. Pero siya deadma lang.

"Oh come on! Aksidente lang yung nangyari! You choose, mas gugustuhin mo bang sumemplang si Patty at 'di na makapunta sa party mo at di na kayo magkakaroon ng 'sweet moments' or masalo siya ni Daryll at makapunta sa party mo at magkaroon ng 'sweet moments'? Sagooott!" Sabay batok niya sa akin.

"Oo na tsk!" Hinawakan ko naman yung likod na bahagi ng ulo ko, kung saan niya ako binatukan. Ang bigat ng kamay amp!

"Anong oo? Yung sinabi ko nung una o yung pangalawa?" Sabi niya kasabay ng pagtaas ng kilay niya. Taray amp..

"Oo na! Mas pipiliin kong masalo siya ng Daryll na yun para 'di siya sumemplang! Pero mas maganda kung ako yung makakasalo sa kanya!!"

"Hay nako! Masyado kang seloso. Ano, possessive much lang?" Agad namang nagkaroon ng ngiti yung mataray niyang  mukha. "Don't worry mah boy! Kilala ko yun, matagal na kaming magkasama ehh! Alam ko namang ikaw ang gusto niya. Kahit ikulong silang dalawa ni Daryll sa iisang kwarto—"

"HOY! ANONG MAKULONG SA IISANG KWARTO KA DIYAN?! DAPAT AKO LANG YUNG KASAMA NIYA KAPAG NANGYARI YUN NOH!" Nagulat ako sa sinabi niya kaya nagsalita ako kaagad!! Kwarto?! Di ba pwedeng...uhm..ahh...basta! Basta 'wag sa kwarto!

"Saglit lang kasi! Wag ka kasing mag isip ng kung ano ano! As I was saying, kahit makulong sila sa iisang kwarto ng ilang buwan, ikaw pa rin gusto nun. Kahit ialay pa ni Daryll yung buong mundo sa kanya, ikaw pa din naman ang laman ng puso nun noh? Kaya kumalma ka na diyan birthday boy.....okay?"

"Tss..fine." Tumunganga na lang ako sa bintana para marelax relax naman ako.

'Come on birthday boy! Smileee!!'

Pero kahit papaano, natuwa ako doon sa sinabi ni Kylie na ako yung gusto ni Patty. Wala lang, nakakatuwa lang sa tenga. Sarap pakinggan. Pero, mas masarap pakinggan yung mga salitang binitawan ni Patty kagabi. Hehehehe...

"Sir Mikey nandito na po tayo." Anunsiyo ni Mang Delfin. Napatingin ako sa gate namin. Napansin kong marami rami na rin yung guests na naandito. Agad akong bumaba sa kotse para alalayan si Kylie bumaba.

Sakto naman pagkababa namin, ay dumating na rin yung kotse nila Daryll. Pinanood ko itong pumarada hanggang sa magbukas ang pinto. Unang bumababa si Daryll. Nilahad niya yung kamay niya para alalayan si Patty sa pagbaba. Kinuha naman ni Patty yung kamay niya at bumaba. Nakita kong bumulong si Daryll sa tenga ni Patty at bahagya namang natawa si Patty. Tsk! Yung ngiti ni Patty!! Dapat ako lang ang lalaking magpapakingiti sa kanya ng ganyan!! Padabog akong pumasok sa gate namin habang nakabusangot pa rin yung mukha ko. Nakkainis ehh!!

"Oh kambal! Buti nandito ka na! Kanina ka pa namin hinahanap ni mom. Marami rami na rin yung guests na naghahanap sayo." Hindi ako nagsalita pabalik. Tumingin siya sa akin ng napaka seryoso. "Now tell me, what's wrong?" 'Di na lang ako sumagot at naglakad papasok sa bahay.

Ng makita ako ni mom, agad siyang pumunta sa harap ko na para bang alalang alala. "Babyyy!! Saan ka ba pumunta? Nag alala kami ng kuya mo sayo! Tsaka bakit mo iniwan yung cellphone mo? Hindi ka tuloy namin macontact!" Sermon niya sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 07, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

May Forever Daw?! Wala Kasi Akong GanonWhere stories live. Discover now