Chapter 5

386 108 76
                                    

Patty's POV

"Meet my new girlfriend."

"Meet my new girlfriend."

"Meet my new girlfriend."

Bwiset! Kanina pa flash back ng flash sa isipan ko yung eksena kanina. Sana panaginip lang ang lahat ng nangyari kanina, kaso hindi eh! Err! Meet my new, meet my new girlfriend ka diyan. Kung pwede ko lang itapon sa bangin o kaya itulak sa tulay yang Mikey na yan na gawa ko na eh.

"Uy, Patty!"

"Ay! Mikey!" Sa sobrang gulat ko, napasigaw tuloy ako.

"Uy, Mikey daw. Iniisip mo noh? Ayieee!" Pang aasar niya sa akin sabay sundot sa aking tagiliran.

"Che! Yun iisipin ko? Eh bakit ko naman iisipin yung ignoranteng, takteng, pangit, walang modong lalakeng yon?" Sabay irap sa kanya.

"Chill. Nag jo joke lang naman ako. 'To naman di mabiro. Fyi lang ha, halos kalahating araw ka na lutang diyan ah! Di mo ba narinig yung sabi ni sir na uwian na?" Tanong niya sa akin. Tumingin ako sa classroom, wala na ngang tao. Kaming dalawa na lang ni Kylie ang nandidito. Kalahating araw ba talaga akong tulala? At saka nagsabi na si sir na uwian na? Tinignan ko ang aking pinaka minamahal kong Gucci na wrist watch. Super fan kasi ako ni V kaya nagpabili ako kay papa ng katulad sa wrist watch niyang Gucci. Wala akong pake kung panlalake pa yun. Nang makita ko na ang oras, hala 4:30 na nga. Tama si Kylie. Kalahating araw nga akong wala sa sarili!

 Kalahating araw nga akong wala sa sarili!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Halika na labas na tayo. Tayo na lang ang taong nandito sa classroom eh." Yaya ko sa kanya.

"Sige. Tara na. Buti naman at naisipan mo pang umuwi. Ay, sabi pala ni lola dun daw tayo magdinner sa mansion nila sa Saturday." Paliwanag ni Kylie sa akin.

"Ah ganon ba." Tipid kong sagot sa kanya.

Habang naglalakad kami ni Kylie sa corridor, napansin kong ang dami nanaman ang nakatingin sa amin.....ay sa akin pala. Hay! Magtataka pa ba ako kung bakit? Alam ko namang chismosa't chismoso ang karamihang istudyante dito kaya hindi na ako magtatakang kumalat ang eksena kanina sa canteen.

"Famous ka cous ahh!"

"Che! Bwiset na Mikey yan. First day na first day ko, puro kamalasan ang nangyari!"

"Ano ka ba! Wag ka nga nega! Ay cous, una na ako ha. Nagtext na kasi yung driver namin. Nandyan na daw siya." Pamamaalam ni Kylie.

"Sige cous. Ingat!"

Naglibot libot muna ako dito sa campus. Nang mapagod ako, tumambay muna ako sa Main Building at inilabas ang aking cp para matawagan si mang Ambo.

May Forever Daw?! Wala Kasi Akong GanonWhere stories live. Discover now