"Hay naku Sean. Pwede mo naman sabihin saamin na nahanap mo na si Kaizar eh. Para sana di na kami nag sayang nang oras sa kakatawag sakanya." Narinig kong sabi ni May. 

Sumunod naman siya saakin. Pati na rin sila. Na sa parking lot na kami. Sasakay na sana ako sa kotse ko kaso pinigilan ako ni Sean.

"Sean, lumayo ka saakin, please." Sabi ko, di naman siya nakinig. "Kyky naman, let me explain." Sabi niya.

"I don't wanna hear your explanation right now. I'm not in the mood Mr. Terence. So please, let me go home." Seryosong sabi ko.

"Kylie, hindi kita papaalisin hangga't di mo ako hinahayaan na mag explain."

"O sige, I will give you exactly two minutes to explain. Starting now."

"Kyky, di ko naman sinasadya na hindi sabihin sainyo eh. Pumunta ako sa garden niyo. Tinawagan ko si Kaizar, sinagot niya naman ito. Sinabi niya kung nasaan siya. Kaya pinuntahan ko siya. Pero sabi niya na wag ko daw sabihin sainyo yun. Kasi kapag sinabi ko baka magalit siya at di niya sabihin saakin kung nasaan siya eh. Promise, Kyky, di ko talaga sinasadya. Sorry."

"Hay naku."

"Sorry na kasi." Pagmamakaawa niya saakin.

"Pag-iisipan ko kung papatawarin kita. Bye." Nag drive na ako pauwi.

Haysh. Nasayang talaga oras ko dun. May quiz pa naman kami sa math bukas. Di pa ako nakapag-review! Haysh!

Zero ang makukuha ko neto sa quiz eh. Haixt.

---

Friday ngayon, and dismissal na din! Finally!!!! Whoah! School is over!!!

Naglalakad ako ngayon mag-isa sa hallway.

"Kylie!" Napa-lingon ako sa likod ko nung narinig kong may tumawag sa pangalan ko.

Si Iella lang pala....

"Bakit?" Tanong ko. "Sumama ka saakin! Nag-aaway sila Faira at Maine! Dali!" Hinila niya ako. "Ano?! Bakit daw?!" Tanong ko habang tumatakbo kami.

"Di ko din alam eh! Bilisan nalang natin!" Sagot niya naman.

Na sa lockers kami ngayon. Nag-kukumpulan yung mga students, naka circle sila. Habang sila Maine at Faira, na sa gitna. Nakita ko nanonood din sila Cember, Lexi, at May.

Tumabi kami kela May.

"Alam mo, Maine, napaka fake mo! Mas kinakampihan mo pa sila Kylie!" Sigaw ni Faira, diniinan niya yung pangalan ko.

Wala naman nasabi si Maine. Biglang tumakbo si Maine papalayo. Umalis na din lahat ng students, pati na rin si Faira.

Na sa Starbucks kami ngayon nila Iella.

"Guys, fake yung nangyari kanina." Sabi ni Iella.

"Huh? What do you mean?" Tanong naming tatlo ni Lexi at Cember.

"Oo, tama si Iella, guys." Sabi naman ni May.

"How?" Tanong naming tatlo.

*FLASHBACK*

Iella's POV

Lunch na, naiihi ako kaya nag-pasama ako kay May. Since wala sila Kylie, Lexi, at Cember. May ginagawa daw kasi sila eh.

Papasok na sana kami ni May kaso narinig namin sila Faira at ang kanyang mga kaibigan na nag-uusap. Kaya di muna kami pumasok. Nag stay lang kami sa labas ng CR. Naka sara naman yung pintuan eh.

"Basta guys, ganto ang plano, mamayang dismissal, kunwari mag-aaway kami ni Maine. For sure manonood yung A5 mamaya. After nun, the next day, pupunta si Maine sa A5 and then hihingi si Maine ng tulong. Pagkatapos, magtatanong ni Maine kung pwede ba siya sumali sa A5. At kapag pumayag, lahat ng plano malalaman ni Maine for sure. And then, kapag nalaman na ni Maine lahat ng plano nila, aalis si Maine sa A5 at sisirain natin sila." Narinig naming sabi ni Faira.

Nag-tinginan naman kami ni May. Pumunta nalang kami sa ibang CR since madami namang CR dito.

*END OF FLASHBACK*

Kylie's POV

"Since gumawa sila ng plano, dapat meron din tayo. Hindi tayo magpapa-talo sakanila." Sabi ko.

Tumango naman silang lahat.

He's BackWhere stories live. Discover now