Chapter 3

2 1 0
                                    


Yoooo—It's been a long time~

***

"Sigurado ka dyan?" Jairah asked after I told her my plan on making my bruhang step mother and payasong step sister's pathetic life unhappy while papa's not here. Since yun din naman ang binabalak nung dalawa sakin, aba uunahan ko na sila no! And it should be on my terms. Hindi naman pwedeng ako ang kawawa sa sarili kong storya diba?

"Of course. Doubting me now?" I said while eating fries.

Ako na ang pumili ng meeting place namin, baka mamaya kasi mapadpad nanaman kami sa coffee shop na dinadayo pa ng pinsan kong to masilayan lang ang emo na crush niya. Well, okay lang naman, kaso hindi ko makakausap ng ganto to kung palagi lang niyang titingnan at pagpapantasyahan yung emo na lalaki na yun diba? Mas mabuti nang sakin lang muna nakatuon ang buong atensyon niya.

"No! I'm not doubting you, I know how vicious you can be. Ikaw pa? Eh palaban ka lagi lalo sa dalawang yon, but—"

"But means doubting, Jai."

"The thing I'm worried about is—what if tito finds out? Ikaw pa ang maba-bad shot sakanya. You realize that don't you?"

"Tingin mo ba sinong mas paniniwalaan niya sa'min ng bruhang yon? The daughter whom he sees as his innocent little princess or his good for nothing wife who only knows how to shop and spend every cent he earns? Between that bruha and I, I'm pretty sure that papa will always believe me. So don't worry."

"Well you kinda have a point. I'm just saying lang is "what if". Eh nung sinabi mo nga kay Tito na ayaw mo sa madrasta mo hindi naman niya hiniwalayan diba?"

"Hindi naman yung ganon kadali noon eh. Basta komplikado, ang magagawa ko lang ngayon protektahan ang sarili ko sa mga pangaalipustang binabalak nila. Hindi ako dapat yung laging nakakawawa."

"Eh what now?"

"For now, observe muna. Hindi ako pwedeng magpadalus-dalos sa mga kilos ko, Those two aren't that dumb. Especially bruhang step-mother. Mahilig magplano ang babaeng yon, kaya nga niya nakuha ang loob ni papa eh. May masteral degree at doctorate sa manipulation yun."

"Ikaw bahala. Basta ako alam mo naka-support lang."

"Noted. Maiba tayo, what happened with that 'hot chinito guy'?"

"Well," she sighs heavily. "Ayun, palpak ang nangyaring introduction ko kahapon kay destiny ko. It was a disaster!"

"Why? What happened?!"

"Super nakakahiya! And I don't want anyone to know about it so you better not tell it to anyone especially mom or kuya ha."

"Of course I woudn't. Spill it."

"Nung umalis ka I tried to approach him but before I do, nakabangga ako ng isang manong na mukang takas sa selda na may hawak na frappe on both hands and since nabangga ko siya, sa'kin sumaboy yung laman."

All I can say is, "Wow."

"Exactly! I was a mess! My dress was ruined. I looked horrible. I was humiliated. I didn't get the chance to introduce myself to that hot chinito guy dahil sa itsura kong nakakadiri. The jerk who got me all drenched just ran off to somewhere I don't know 'cause he just vanished after saying a half assed sorry then gave me some cash. Can you believe that? Umalis siya ng ganon ganon nalang? Leaving me standing there?! And worse timing pa, empty battery na yung phone ko and I forgot my car key inside the car. Just great! Lahat na yata ng kamalasan nangyari na sakin!"

I laughed. "May lihim ka bang balat sa pwet?"

Sinamaan niya 'ko ng tingin.

Tinaas ko ang dalawa kong kamay. "Okay, okay! I'm just kidding. Nakakaloka naman kasi yung nangyari sayo!"

"It's not funny. Hindi ka ba naaawa sa sinapit ng maganda mong pinsan? Sobrang nakakahiya! Mabuti nalang talaga at hindi ko din naiwan yung wallet ko kundi uuwi akong maglalakad."

"Yeah, I know!—pero seryosong tanong talaga Jai, wala ka talagang balat sa pwet?"

This time hinagisan na niya ko ng fries na may ketchup. Good thing, hindi ako tinamaan dahil sa reflexes ko. Bad news is—sa lalaking naka-pwesto sa kabilang table ang natamaan niya.

Nanlalaki ang mga mata ni Jairah habang tinititigan niya ko. "Bakit ka umilag?!"

Aba! Seryoso talaga siyang tanungin ako nyan?

"Edi sa'kin napunta 'yon kung hindi ako umilag? Jai naman ang common sense gamitin minsan."

"Sino nagbato sa'kin nito?!" sabi nung lalaking minalas na ma-landing-an nung fries with ketchup ni Jairah.

Napatingin kami ni Jai sakanya. Holy heavens! Mukhang sanggano si Kuya!

"OH EM!" Jairah gasped, eyes widened.

To my surprise, bigla nalang nagsalita si Jai. Nanlilisik ang mga matang nakatingin sa lalaki. "Ako ang naghagis nyan." Then she crossed her arms.

I nudged Jairah at pasimpleng bumulong sakanya. "What the hell, Jai? Nanghahamon ka ba ng away?"

Lumapit 'yung lalaki samin. Sa takot ko naman napapunta ko sa likod ni Jairah. Kinakabahan talaga 'ko! A-tapang-a-tao ba naman kasi 'tong lukaret na babaeng 'to mukha pa atang gangster 'yung nahagisan niya.

Tumalim bigla ang tingin nung lalaki kay Jairah. "Miss, ano bang problema mo at nambabato ka ng ibang tao?" Tinuro pa niya 'yung t-shirt niyang may pulang mantsa. "Palitan mo o bayaran mo to."

I was about to tell him that it was an accident but Jairah cut me—at walang takot niyang pinandilatan ng mata yung lalaki sabay sabing;

"The f*ck, you kidding me? Eh kung ikaw nga kapag nakatapon ka ng kape sa ibang tao hindi mo pinalitan yung damit nila eh. And you just left with a half assed sorry. Tapos ngayon magdedemand ka? F*ck you!" Matapang na sagot ng nababaliw na atang si Jairah.

And here I am, shocked. Hindi ma-process ng utak ko ang nangyayari. 

Napatingin nalang ako sa reaksyon nung lalaki at magkasalubong ang kilay niya habang nakatingin samin.

Kinurot ko si Jairah sa likod. "Baliw ka ba?" I whispered.

Napansin ko na ring pinagtitinginan na kami dito, kahit hindi marami ang tao pero shempre nakakahiya pa rin diba?

Nilingon ako ni Jairah. "Natatandaan mo ba 'yung pesteng manong kahapon na dahilan ng pagkasira ng buong araw ko? 'Yung dinescribe kong mukhang kriminal?" bulong niya sakin.

I gave her a confused look. "Uh-huh? Was it him?" I whispered back.

She rolled her eyes at me. "Duh?! Di pa ba obvious?"

"Yeah? No kidding!" napaturo ako ng daliri ko kay kuyang mukang sanggano. "He's that guy?" I think I might've said that louder than intended.

Napatingin ulit ako kay kuyang mukang sanggano at nakita kong lalong kumunot ang noo niya, still confused and clueless.

"Kia, tingin mo ba malilimutan ng mga mata kong to yung pagmumuka ng taong yan?"

Well...? I dunno?

"What the hell are you two talking about?" singit niya samin. "I don't have all the time in the world miss. May mas importanteng appointment pa 'kong dapat asikasuhin. Palitan mo tong shirt ko."

And now he's walking closer to us. OH EM!

Jairah crossed her arms. "Ayoko nga! Matapos akong mapahiya nang dahil sa'yo?" she pointed her finger at him. "You listen carefully, lalaking mukhang sanggano, takas ng selda or whatever the hell you are—I will never ever apologize to you! MANIGAS KA!"

Those are the last lines na binitawan ng amazona kong kasama sa lalaking nahagisan niya ng fries na may ketchup. Pagkatapos kasi 'non ay agaran naman niya 'kong hinila palabas ng McDo.

Shems, may natirang fries pa ko sa table.


***

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 27, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Modern Day CinderellaWhere stories live. Discover now