CHAPTER 1

8 2 1
                                    

Yuniverse's POV

I harshly closed the book I've  been reading for almost 3 days. Yun lang yun? Hindi man lang nagkatuluyan ang mga bida. Well, what can I expect hindi naman lahat ng nagmamahalan magkakatuluyan talaga sa huli. Parang pinagtagpo lang pero hindi itinadhana.

Tumayo ako para kumuha ng bagong libro sa isa sa mga book shelves ko para basahin. Well, I'm inlove with books to be honest. I find them more appealing than any other things. Nang makakuha na ako ng libro ay agad naman akong humilata sa kama ko. Mas gugustuhin ko pang magkulong dito sa kwarto kesa makipag halubilo sa iba.

I start reading the first page when I was disturbed with a sudden knock on my door. Who else could it be? Pinagsabihan ko na sila na wag akong iistorbohin eh. Naiirita naman akong bumangon para buksan ang pintuan and to my surprise, I found my twin sister. And what now? Tinignan ko lang siya, hoping na magets niya yung tingin na binibigay ko sakanya. She cleared her throat.

"Nasa baba sina mommy at daddy. Pinapasabi nila na mag ayos kana kasi may pupuntahan tayo."

Before I can even protest ay wala na siya sa harapan ko. Wow, just great. Yung plano ko na magkukulong sa kwarto ng buong araw ay sira na. Saan nanaman ba kami pupunta? Napabuntong hininga nalang ako at naghanap ng maisusuot. Wala naman akong magagawa eh. What my parents want, my parents get.

Simpleng jeans at long sleeve lang ang suot ko na tinernuhan ng converse. I grab my book, cellphone, earphones  and glasses then off I go.

"What are you wearing young lady?" Tanong ni mom. Obviously mom? Damit. Hindi ba halata?

As much as I want na barahin siya ay hindi ko magawa. Papagalitan pa niya sana ako ng natuon ang tingin niya sa likod ko.

I found a girl wearing a red dress with black heels walking down the stairs. Her wavy black hair was put into a messy bun. She's almost perfect. A very opposite of me. Her creamy colored skin compliments her dress.

Binaling ko ang tingin ko kay mom. She's smiling widely while staring at her. While staring a my twin sister.

How I wish na ganun din siya sa akin. But no. She loves my sister more.
Inakbayan ako ni Dad.

"Ang ganda ganda ng prinsesa ko", He told me and pinch my cheeks. I smiled widely at him and I bet nakita niya ang dimples ko. His eyes twinkle with so much affection.

Kung si mom gustong gusto si Andromeda well, my father loves me.
Bumaling naman sakin si mom.

"Magbihis ka Yuniverse, ano ba naman yang suot mo! Tignan mo si Andromeda. You should be like her. Act like a lady!", Oh c'mon! Here we go again.

Hindi ko nalang siya pinakinggan at lumabas na para mauna sa sasakyan.
Narinig ko pa ang pa ang pagtatalo nina Mom and Dad.

"Tignan mo yang anak mo Leo! Ang bastos!"

"Elle ano ba pabayaan mo nalang ang bata. Mas komportable siya kung ganun ang suot niya."

"Kaya lumalaki ang ulo niyan eh! Lagi mong kinukunsinte!"

Padabog ko nilang sinarado ang pintuan ng sasakyan. It pains me a lot. Sinalpak ko nalang ang earphones ko at nakinig sa kanta. I closed my eyes to prevent the tears from falling.

●●●

The whole ride was boring. Aside sa pinagalitan ako ni Mama, which my sister enjoyed, wala na rin namang ibang interesadong nangyari. Hindi ko na rin lang pinakinggan ang mga pinagsasabi niya tutal kahit ipagtanggol ko sarili ko ay ako pa rin ang lalabas na mali.

The car stopped infront of a restaurant. Well, what can I say? Isa ito sa mga pinakamahal at pinakasikat na restaurant sa aming lugar. Dito madalas nagkikita kita ang mga businessmen para mag usap tungkol sa kanilang negosyo. I think my parents will meet one of the well-known businessmen. But, bakit kailangan pa kaming isama? Binuksan ko na ang pintuan ng kotse at lumabas.

"Don't embarrass me in front of them Yuniverse", malamig na pagkakasabi ni Mom at naunang pumasok sa restaurant kasama si Andromeda.

I wanted to roll my eyes but I know more than just to do that. Wala na talagang ibang makita si Mom kung hindi ang mga pagkakamali ko. 

"Don't mind your Mom prinsesa ko, madami lang siyang iniisip nitong mga nakaraang araw okay?", sambit ng Ama ko sabay akbay sa akin.

"Lagi namang ganun Dad, wala nang bago dun", mapait na sagot ko sakanya.

"Ang prinsesa ko talaga, how about this, tatakas tayo mamaya sa Mama mo", uh oh.

"Pupunta tayo sa favorite park mo at bibili tayo ng ice cream", offer niya na nakapagpangiti naman sa akin. My Dad really knows my escape.

Tumango naman ako kaagad na siyang nakapagpatawa sa Ama ko. Ganyan kami kaclose. Siya ang lagi kong kasama sa kalokohan at isa na doon ang madalas na pagtakas namin sa bahay para pumunta sa park at kumain ng ice cream na pinakaayaw ni Mom.

"Tara na at baka magalit nanaman ang Mama mo", sabi niya sabay gulo sa buhok ko. Argh my hair, not again.

Inayos ko ang buhok ko. Sinuklay ko ito gamit ang kamay just to make my self a little presentable. Mahirap na at baka mapag initan nanaman ako ni Mama.

At pumasok na kami ni Dad sa restaurant. Hinanap ng mata ko kung saan nakaupo sina Andromeda and hindi naman ako nahirapan dun dahil nag stand out din ang suot niyang red dress.

Kaagad naman kaming pumunta sa table kung nasaan sila. They are seated with two unfamiliar faces na sa tantsa ko at mag asawa.

"Oh here's your other daughter, she's very pretty", I just smile shyly at umupo sa tabi ni Dad.

"Of course, kanino pa ba yan magmamana kung hindi sa amin din naman", proud sa sabi ni Mom.

Hindi ko nalang pinansin ang mga pinag uusapan nila when suddenly may biglang humila sa upuan na nasa harapan ko.

"I'm sorry I'm late", sambit ng isang malamig na boses.








You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 14, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fallen UniverseWhere stories live. Discover now