CASE # 38 : Selpon

Start from the beginning
                                    

***

NASA bus na sila nang magdesisyon si Ice na buksan ang kanyang selpon. Tatawagan niya si heneral, at kukumustahin niya na rin ang kaniyang team. Mula noong dumating si Leeroy sa bahay ng kaniyang abuelo't abuela ay wala na siyang narinig pang balita sa mga ito.

Agad naman siyang napangiti ng makita ang sunod-sunod na text ng kaniyang dalawang kapatid na babae. Alam niyang nami-miss na siya ng mga ito. Hindi siya nakapagpaalam ng maayos sa mga ito, kaya hindi kataka-taka kung bakit halos isang daang mensahe ang pumapasok ngayon sa kaniyang inbox.

"Sino 'yan?" Takang tanong ni Kurt.

"Mga kapatid ko," nakangiti niyang sagot.

Hindi na muling nagsalita pa si Kurt, matapos itong tumango. Ibinaling na nito ang tingin sa labas ng bintana. Habang siya naman ay isa-isang binubuksan ang laman ng mga mensaheng galing sa kaniyang makukulit na kapatid.

"Ate, kunyari ka pa ah! Type mo rin pala si Kurt." - Charise
"Ate, totoo bang asawa mo si Kurt?" - Camille
"Ate, marami kang dapat ipaliwanag sa'min. ASAP!"

Iyon ang mga mensaheng kaniyang nabasa dahilan upang mapangiti siya sa mga kalokohang iniisip ng kaniyang mga kapatid. Jusko! Kung alam lang ng mga ito ang nangyayari sa puso niya'y baka napuno na siya ng kantyaw!

Kung saan-saan na napunta ang isipan niya nang biglang magulat sa pagtunog ng kaniyang selpon.

"Okay ka lang ba? Masyado kang nerbiyosa. Nakakagulat ka naman," relamo Kurt. Nagulat rin sa pagsigaw niya.

"Pasensya naman. Malay ko bang may biglang tatawag sa'kin. Hindi na ako nasanay sa ringtone ko ah. Tsk!" Aniya saka sinilip kung sino ang herudes na tumatawag sa kaniya ngayon.

"Sinong tumatawag sa'yo? Ang team mo ba?"

Agad na umiling si Ice, sapagkat "Pards" ang pangalang nababasa niya ngayon sa caller i.d.

Agad namang nagsalubong ang kilay ni Kurt. "Anong kailangan niya? Halatang miss na miss ka na ng isang 'yan ah!"

"Ewan ko? Malalaman ko ang sadya kapag sinagot ko 'to," pamimilosopo niyang sagot.

"Huwag mong sagutin 'yan!" Dikta ni Kurt.

"E 'di wow!" Angal niya sabay pindot ng recieved call. "Oh! Pards napatawag ka?" takang tanong niya sa kaibigan.

"Pards, kumusta ka na? Buti naman at sinagot mo na ang tawag ko. Akala ko nagtatampo ka sa'kin," anito sa kabilang linya.

"H-ha? Bakit naman ako magtatampo sa'yo? May mga kailangan lang akong asikasuhin no'ng nakaraang araw pards, kaya hindi ako masyadong naging active sa lipunan," aniya sabay lingon kay Kurt na tila nag-uusok na ang ilong sa 'di niya malamang dahilan. Agad naman niya itong inirapan.

"Hindi por que nag-kiss na tayo, Kurt ay magpapa-kontrol na lang ako sa'yo ng basta-basta. Ano ka helo!" Bulong ni Ice sa sarili.

"Ahh, gano'n ba? Tapos mo na bang asikasuhin ang lahat ng kailangan mong asikasuhin pards? Ano ba iyong mahalagang bagay na iyon? Hindi ka man lang kasi nagpaalam sa'kin," anito. Himig nagtatampo.

The Presidents SonOn viuen les histories. Descobreix ara