CASE # 38 : Selpon

1.3K 37 0
                                    

Bahala na! Basta ang mahalaga'y nasa tabi kita sa mga oras na ito.

- Candice Romero

__________

"ANG bilis ng araw at ngayon na pala kayo babalik ng Maynila," malungkot na sambit ni Lola Peding.

Agad niyang niyakap ang abuela upang kahit papaano'y maibsan ang lungkot na nararamdaman nito. "La, babalik din po kami ni Kurt dito. Kaya huwag ka nang malungkot."

"Opo Lola. Don't worry kapag naayos na namin ang lahat, babalik kami dito. ASAP!" masiglang segunda pa ng binata.

Masaya siya at mukhang komportable si Kurt sa pamilya niya. Ang sarap mangarap. Kaso agad rin niyang ipinaalala sa sarili ang estado ng buhay nilang dalawa. Hindi por que nag-kiss na kayo'y mag-aassume ka na bakla!

"Pangako mo 'yan apo ah," nakangiti ngunit malungkot pa ring wika nh kaniyang abuela.

"Opo promise," anito saka nakipag-pinky finger sa mabait na abuela ni Candice.

"Parang bata." Natatawa namang bulong ng dalaga sa nasaksihang eksina. "Alam niyo para kayong magka-love team na dalawa sa isang pelikula. Iyong paaalis na si lalaking bida tapos malulungkot kunyari si babaeng bida, kaya mangangakuan sa isa't-isa. Ang cheesy niyo ah," kantyaw niya upang kahit papaano'y gumaan ang sitwasyon nila.

Sa totoo lang ay ayaw niya ng ganitong eksina. Ayaw niya 'yong pakiramdam ng nag-papaalam. Ayaw niya ng malungkot. Pero hindi niya kayang pigilan ang hindi malungkot. Nakakainis!

"Ewan ko d'yan sa'yo, Candice! Kasi kung nagkataon lang na ako'y isang dalaga't bata pa. Naku! Yari itong asawa mo sa'kin," natatawang biro ni Lola Peding.

Agad namang nagtawanan ang lahat sa sinabi ng kaniyang abuela. Agad ring napangiti si Candice, nang kaniyang makitang ngumiti ang dalawang matanda.

"Mamimiss ko kayo- kayong lahat. Samok ba uyy!" Mariin ngunit natatawa niyang wika. Gusto na kasing mag-unahan sa pagtulo ng kaniyang mga luha, kaya agad niyang tinigasan ang salita, upang pigilan ang huwag mapaiyak.

"Mag-iingat kayo sa beyahe apo at aasahan namin na tutuparin ninyo ang pangakong babalik kayo dito. Malungkot na naman ulit kasi wala na naman kayo dito. Sasaya ulit tayong lahat pagbalik niyo," bilin naman ng kaniyang abuelo na kanina pa nakatingin sa kanilang tatlo habang panay ang biruan.

Tumayo siya upang yakapin ito. "Mamimiss na naman kita lo," malungkot niyang sambit habang yakap-yakap ang abuelo.

"Ako din Candice. Ako din." Alam niyang pinipigilan lang nito ang huwag maiyak.

"Mag-iingat kayo dito ni lola ah, dapat malusog pa rin kayo sa pagbabalik namin," bilin niya.

"Sus! Kalabaw lang ang tumatanda," sagot ng kaniyang abuelo sabay halakhak ng malakas.

Kailan kaya niya muling masisilayan ang tawa ng mga ito? Matagal-tagal na panahon ulit. Tsk! Hindi niya alam kung kailan ulit siya makakabalik, lalong hindi niya alam kung malusog pa rin ba ang mga ito sa pagbabalik niya.

"I love you. Mag-ingat kayo dito," mahina niyang usal. Saka tuluyang sumampa sa kabayong kanina pa naghihintay upang maihatid sila sa Lungsod.

The Presidents SonWhere stories live. Discover now