Pakagat din ako!

Aish! Nagiging bastos na rin yata ako. May pinagmanahan talaga! Hindi na kami kumibo pa at sumunod nalang sa kanila sa hapagkainan. Wala din namang pinagbago ang bahay namin, ganun pa rin. Kulang lang yung mga batang nagtatakbuhan noon, ako at si ate. Hahaha kahit masungit yun ay makulit pa rin naman iyon.

"Kamusta ka na Sa-sa? Anong pinagkakaabalahan mo ngayon? Atsaka ba't hindi ka na dumadayo dito sa lugar natin noong mga nakaraang araw?"

"Ma, dahan-dahan lang naman sa pagtanong"

"Hahaha namiss ko lang kasi ang nobya mo bunsoy"

"Teka nagkakamali po—"

Kaagad kong hinawakan ang kamay ni Empire para putulin ang sasabihin niya at hinarap si mama. Nakita ko rin na napatingin sila mama at papa pati na rin sa Empire sa nakahawak kong kamay sa kanya.

"Oo nga po mama eh. Busy kasi itong girlfriend ko" Naramdaman ko pa ang pagkurot niya sa kamay ko. Alam kong nagtataka siya pero hindi ko na siya hinarap pa.

Sorry baby, baka sipain tayo palabas ni mama kapag nalaman niyang hindi pa tayo nagkabalikan.

"Ganun ba? Sa sususnod dalasan niyo na ang pagdalaw sa amin ha, ayos lang ba yun sayo Sa-sa?"

"O-opo"

"At mabuti na rin itong nagkabalikan kayo. Kailan niyo ba balak magpakasal?"

"P-po?" Talagang nauutal na si Empire sa mga tanong ni mama.

Baby, baka naman mabuko tayo niyan.

"Hahaha Kailan niyo po ba gusto mama?"

"Ba't ako ang tinatanong niyo niyan? Eh kayo naman ang ikakasal. Basta gusto ko malapit na para magkaroon na ako ng apo"

Tsk! Disperada na talaga si mama magkaroon ng apo mula sakin. Baby, ano na?

Parang tood naman si Empire at hindi na gumagalaw, hindi narin siya kumikibo. Affected much baby? Wag kang mag-alala totohanin din naman natin 'to eh.

"Sige na kumain pa kayo. Bunsoy, tulungan mo si Sa-sa sa pagkain"

Napatingin naman ako sa plato ni Empire na konti lang ang laman na pagkain. Lumapit ako sa kanya para bumulong kaya lang umusog din siya na mukhang nagulat pa. Nagsimula na din siyang sumubo.

"Ang konti ng pagkain mo. You want something?"

"N-no it's okay" tipid niyang sagot.



Pagkatapos kumain ay nagyaya pa si mama na lumabas daw kami pero ako na mismo ang umayaw para makapagpahinga na rin. Mukha kasing ilag pa sakin si Empire. Siguro sa mga sinabi ko kanina. I think I have to explain.

"Sige po tita, aalis na po ako"

"Uuwi ka pa iha?"

"Opo tita malapit lang din naman po kasi dito ang bahay namin"

"Naku wag na Sa-sa. Baka mapano ka pa sa daan"

"Wag po kayong mag-alala tita. Dala naman po namin ang kotse ng kuya ko. Atsaka mababait din naman po ang tao dito sa'tin"

"Ayaw mo ba talagang matulog dito sa bahay?" Nagtatampong tanong pa ni mama.

"Hindi po sa ganun. Kaya lang baka magtampo din po si lola na hindi ako natulog doon sa bahay"

"Haaay naku! Wag mo nang alalahanin si lola Minda. Maiintindihan din naman niya. Namiss kaya kita kaya dito ka nalang matulog. Magiging masaya ang nobyo mo, diba bunsoy?"

"Ahmm!! Pagbigyan mo na si mama, baby"

Napabuntong-hininga nalang si Empire na at mukhang galit na talaga sakin. Tumango lang din naman siya pero ang mga mata niya ay nakadiretsa sakin. Patay ako nito!

Pag-akyat namin sa taas ay sumama pa si mama. Balak ko kasing doon patulugin si Empire sa kwarto noon ni ate Reign. Katabi lang din naman kasi sa kwarto ko.

"Oops! Bakit mo bubuksan yan bunsoy?"

"Dito ko po kasi patutulugin si Empire ma"

"Maalikabok yan at ang gulo pa ng kwarto niya. Sige na, sa kwarto mo nalang kayo matulog"

Pinagtulakan pa kami ni mama hanggang sa marating namin ako kwarto ko at si mama na mismo ang bumukas para samin.

"Diyan na kayo matulog dalawa para magkaroon na kaagad ako ng apo"

"Ma!!" Pagbabanta ko sa kanya dahil nakakahiya kay Empire ang sinabi niya.

"Asus! Alam kong hindi pa kayo kasal so mag warm up muna kayo hahaha"

Sinarado na niya ang pinto at napalingon ako kay Empire. Ahmm! Awkward!







~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Anong mangyayari? Anong mangyayariiiiii?????? Hahahahaha

If you like this chapter please consider giving it a vote 😘

Always Be His Baby (COMPLETED)Where stories live. Discover now