Chapter 40

1.3K 34 0
                                    

Jozh POV

"And to give us a wonderful story of success let's all welcome, Ang valedictorian ng batch niyo, Ang isa sa pinakasuccessful sa lahat ng nandirito, At syempre Ang tagapagmana ng Ybasco group of company. Let us all welcome... Mr. Royal Joziah Ybasco"

Nagpalakpakan ang lahat pagkatapos ng pagpapakilala sakin ng aming mabait na adviser. Nang tumayo ako ay nakatingin silang lahat sakin lalong-lalo na si Empire na napalingon pa at kunot-noong pumapalakpak.

Umakyat ako sa intamblado ng gymnasium namin. Niyakap pa ako ng guro namin bago niya binigay sakin ang mikropono. Tumayo ako ngayon sa harap ng mga taong naging parte ng pagkabata ko. Lahat sila ay naghihintay sa mga sasabihin ko.

"Magandang gabi" nahihiya ko pang bigkas kaya nagtawanan sila.

"Hindi ko alam kong bakit ako ang nakatayo dito kung marami ang mas deserving sa kinatatayuan ko. I'm not really good at saying words and I think hindi na naman ninyo kailangan ng inspirational words kasi successful naman na tayong lahat. Instead, magsasalita nalang ako dito na kung saan makakarelate tayong lahat"

Tiningnan ko silang lahat bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"It's homecoming day. Kung dati ginigising tayo ng magulang natin, ngayon alarm clock na ang gumigising satin. Kung noon kaklase natin ang mga nakakasalamuha natin, ngayon mga katrabaho na. Kung noon pisara at guro ang kaharap natin, ngayon sandamakmak na trabaho na. Kung noon naglalaro tayo tuwing sabado at linggo, ngayon kahit weekend ay nagtatrabaho parin. Noon wala tayong problema, ngayon ang laki na ng responsibilidad natin. At kung dati ay tuhod lang ang nasusugatan ngayon pati puso na. Iiyak ng malakas kapag nasasaktan pero ngayon pilit na ngumingiti kahit naluluha na"

Naghiyawan silang lahat kaya napatawa ako.

"If I can be a child again then I won't hesitate. Napaka genuine natin noon na halos nakalimutan ko na kung paano. But I'm glad na nakita ko kayong lahat ngayon being a successful and respectful persons and I know there's story behind that. May sakit, sakripisyo, puyat at determinasyon. And I don't know why I become a CEO ng isang kompanya kung sa una palang ay hindi ko ito pinangarap. I simply want to become a doctor with a special girl" sabay tingin ko kay Empire na ngayon ay diretso ang tingin sakin.

"But behind all these success sana hindi natin makalimutan maging masaya. And my happiness is right there sitting with her eyes on me"

Nagtinginan silang lahat na para bang inaalam kung sino ang tinutukoy ko. Pero ang mata ko ay nakadapo lang ngayon sa babaeng hindi inaalis ang tingin sakin.

"Halos lahat satin ay may pamilya na at ang iba naman ay may natagpuan na. I just want to congratulate you all and I wish you a genuine happiness"

Nagkibit balikat muna ako sa kabang nararamdaman dahil sa kanina pang babae na nakatitig sakin. Para bang binabasa niya ang pagkatao ko. Malalim akong huminga para sa pagtatapos ng speech ko.

"San Juan Elementary school. I once again step in this campus that has become a very special part of me. This school molded us to become what god plans us to be. Even after almost 8 years of being away from this school. I can still remember the days I had spent. The tears that comes out from our eyes, The smile that builds our friendship. And even those embarrassing moments that can make us laugh. Until the day that we have to graduate and leave this place. It's so wonderful to see all those friends successful and fond of their lives. Sorry, Thank you and I love you (dumapo ang mata ko sa babaeng gusto kong sabihan ng katagang yan) You'll be in my heart from this day, now and forever"

Nagpalakpakan sila kaya nag bow muna ako bago ko binigay ang mikropono sa guro namin na ngayon ay kakaakyat palang. Niyakap niya ulit ako kaya ginantihan ko rin siya ng mahigpit na yakap.

"Proud ako na naging estudyante kita jozh"

"Thank you ma'am. Thank you dahil isa ka sa naging magulang ko sa paaralang ito. Thank you because you molded me to become a good man kahit napakakulit ko"

Tumawa si Mrs. Zarsuelo kaya niyakap ko siya ulit bago bumaba. Ngumiti silang lahat na nakakasalubong ko at nag-apir pa sakin si Louie na tumatawa.

"May pinaghuhugutan tol?"

"Hahahaha manahimik ka"

Nilagpasan ko na siya at dumiretso kay Empire. Blangko lang siyang nakatingin sakin hanggang sa nilahad ko sa harap niya ang aking kamay.

"Anong ginagawa mo?"

"Sumama ka sakin. May pupuntahan tayo"

"S-saan?"

"Kung saan tayo makakarating" kibit balikat kong bigkas.

"B-bakit?"

"Gusto kitang makausap"

Napalunok siya at napatingin sa kamay ko.

"Show the way jozh. And I'll follow"

"Not until you'll hold my hand"

Umiling siya.

"I can't take the risk of holding your hand, jozh"

"You won't take the risk alone, Empire"

"But there's something about me you need to find out" seryoso niyang wika.

"Me too. The reason why we need to talk"

Napalunok ulit siya at tumingin sa palad ko. Come on baby, hold my hand please... Hindi naman kita sasaktan eh.

"Pero hindi pa tapos ang reunion"

"Maiintindihan naman nila. Atsaka nangangawit na ang kamay ko" nakanguso kong bigkas.

Tumawa siya at walang pag-aalangang hinawakan ang kamay ko. Nagpahila siya papuntang sasakyan. Pinaandar ko ang sasakyan kahit hindi ko alam kong saan talaga kami pupunta. Ang gusto ko lang ay mag-usap na kami at para malinawan kami pareho. Ito na ang gabing pinakahihintay ko. Sana hindi mabulilyaso.

"Magbihis kaya muna tayo?"

"Wag na. Bagay din naman sayo eh" natatawa kong sabi.

"Ang sabihin mo namiss mo lang talagang suotin ang uniporme kaya ayaw mong magbihis"

Hinarap niya ako at inayos ang kwelyo ko. Wag kang ganyan Baby, mababangga tayo dahil sa kaba na nadadama ko.

Natauhan din siguro siya sa ginawa niya kaya mabilis niyang inalis ang kamay sakin at umayos ng upo at binaling ang tingin sa labas ng bintana.

Nahihiya ka baby?






~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ito na! Ito na talaga!! Hahahaha

If you like this chapter please consider giving it a vote 😘

Always Be His Baby (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum