Chapter 20

1.4K 41 0
                                    

Jozh POV

Nagising ako sumunod na umaga na masakit ang ulo. Bumangon ako paupo sa kama habang sapo ang aking ulo. Parang na blangko ako at hindi ko maalala ang nangyari kagabi. Naglakad ako papuntang banyo. Napagpasyahan ko kasing maligo. Kailangan ko ng malamig na tubig. Habang nagsa-shower ako ay nahulog ako sa malalim na pag-iisip.

Nasaan nga ba ako?

Sheeeyt!!! Nandito pala ako sa bahay nila Empire. Nasa guest room nila. Ayy hindi!! Nasa banyo ng guest room pala nila. Aishhh! Bakit ako nasa guest room? Eh kagabi lang nag-iinuman kami ni kuya Seal tapos umakyat ako at tumigil sa harap ng pinto ng room ni Empire. At.... At.... Doon ako nakatulog?? Hindi ko maalala na naglakad ako papuntang guest room. Sino nagdala sakin dito??

Dali-dali kong tinapos ang pagligo at nagbihis kaagad. Pagtingin ko sa side table ng kama ay may nakita akong isang baso ng tubig, gamot, at isang pirasong papel. Una kong kinuha ang maliit na papel at binasa ang nakasulat. "Drink this"

Alam kong si Empire ang naghanda nito. Gut Instinct! Kaya walang pagdadalawang-isip na ininom ko ang gamot. Lumabas na din naman kaagad ako para hanapin si Empire. Pagkatapos ng mga nalaman ko kagabi ay mas paghihirapan kong makapasok ulit sa buhay niya. At kapag nakabalik na ako ay hinding-hindi na ulit ako muling aalis pa. Dahil hindi ko hahayaang masaktan ko ulit siya.

Ilang ulit kong kinatok ang pinto ng kwarto niya na katabi lang naman ng guest room. Nang hindi parin niya binubuksan ay pinihit ko ang doorknob pero naka-lock ito. Tulog pa siya? Imposible!! Diba nga siya ang naghanda ng gamot kanina?

"Empire?" mahina kong tawag sa kanya sabay katok.

"Wala diyan ang kapatid ko"

Lumabas si kuya Seal galing sa pinakadulong kwarto dito sa taas. Karga-karga niya ang kanyang anak. Papalapit sila sakin at first time kong makita ng malapitan ang mag-ama. Sobrang lapit. Hindi ko din naman kasi sila pinagtuunan ng pansin kagabi sa hapag. Carbon copy talaga ng anak niya ang kanyang mukha, except nga lang sa mata nito. Dahil medyo singkit ang mata nito, na nakuha siguro sa kanyang ina. Tapos yung mukha niya sobrang cute at mukhang namumula pa. Ang sarap kurutin!! Tumatalbog siguro ang mukha nito kapag tumatakbo. Hahaha. Para itong maliit na version ng papa niya medyo mataba nga lang.

Kung magkakaroon kami ng pamilya ni Empire ay gusto ko puro lalake ang anak namin. Para siya lang ang nag-iisang babae sa buhay naming lahat. Our Princess and definitely our Queen. Naku! Siguro napakababaero ng mga anak namin. Eh sa pogi ba naman ng daddy nila at sa angking ganda ng mommy nila. Eh saan pa ba magmamana ang mga anak namin?

Pero papalakihin namin sila ng maayos at may pagmamahal. Para kapag dumating ang araw na makakakita sila ng babaeng mamahalin habang buhay ay aalagaan nila ito ng mabuti. Napakaswerte siguro ng mga asawa ng mga anak namin.

Kung gusto naman ni Empire ng batang babae, why not? Kung saan siya masaya. Tapos carbon copy niya. Yung kilay, mahahabang pilik mata, yung nagkikislapang mata. Na sana makakita siya ng pag-ibig na katulad ng pagmamahalan namin ng mommy niya. At yung tangos ng ilong, yung mapupulang labi na kayang magbigay ng ngiti kahit kanino. Sana kahit ang hugis ng puso ng mommy niya ay makuha niya rin. Ang kaisa-isahang puso na bumihag sa puso ng daddy niya.

"Hoy!! Hindi ko yata gusto ang pagkakatingin mo sa anak ko? Excuse me pero hindi ko siya kailan man ipapa-adopt sayo"

Itinago pa niya ang mukha ng anak niya mula sakin. Parang tanga naman ako na biglang napakunot noo. Sa sobrang pag-iimagine ko ay hindi ko namalayan na nakangiting nakatitig na pala ako sa anak niya. Aishh!!

"Oh! I'm sorry. What were you saying again?"

"Sabi ko wala diyan ang kapatid ko" sabay tingin niya sa pinto.

"Ha? Nasa baba na ba siya? Kumakain ng breakfast?"

"Breakfast? Lunch time na nga ito eh. 11:am na pre"

Doon ko lang napansin na nakasuot siya ng business attire. At bagong ligo ang anak niya. Akala ko kasi kanina bagong gising din sila. Hindi ko naman napansin ang bihis nila.

"I mean wala na siya dito sa bahay" dagdag pa niya habang nagsimula nang maglakad papuntang hagdan. Sinundan ko din naman kaagad sila.

"So pumasok na siya sa trabaho? Sige pupuntahan ko nalang siya sa ospital"

"Hindi siya nasa ospital at wala siya dito sa manila"

"What?? Nasaan siya?" napataas ang boses ko sa gulat.

"Umuwi"

"Umuwi ng?" kunot-noo kong tanong sabay tingin sa kabuuan ng bahay nila.

"Umuwi ng probinsya"

"Sa San Juan?"

"Yep"

"Umuwi siya ng probinsya ng hindi nagpapaalam sakin?" mahina kong tanong sa sarili.

"At bakit naman magpapaalam sayo ang kapatid ko abir?"

Tiningnan ko siya ng masama pero nginisihan niya lang ako sabay lakad pababa ng hagdan.

"Don't look at me like that jozh. Kung ayaw mong maging hadlang ako sa pag-iirogan niyo ng kapatid ko hahaha"

Dahil sa sinabi niya ay napakamot nalang ako sa ulo sa kahihiyan. Nakalimutan mo yata jozh na kapatid ng babaeng mahal mo ang kinakausap mo. Nauna na akong bumaba sa kanya sabay sabing...

"Pupuntahan ko nalang siya doon sa probinsya namin"

"Oooppss!! Where are you going young man? Manananghalian na"

Nakasalubong ko ang asawa niya sa dulo ng hagdan kaya napatigil ako. Nang maabutan kami ng mag-ama niya ay kaagad niyang kinuha sa braso nito ang anak nila at hinalikan sa pisngi. What a great family in front of me. Tsk!

"Aalis kasi ako. Pupuntahan ko si Empire sa San Juan"

"Ohh! Hindi ka manananghalian? Diba nga hindi ka rin nakapag-almusal?"

"No thanks" tumalikod na ako pero bigla ding nagsalita si kuya Seal.

"Maayos na ang sasakyan mo pre?"

"Dadaanan ko pa sa talyer"

"No! Wag na. Use mine instead" sabi niya sabay bato sakin ng susi ng sasakyan.

"What about you?" kunot-noo kong tanong na nakatingin sa susi.

"Nah! I still have one" sabi niya at mukhang pinapalayas na ako.

Naglakad na ako papuntang pintuan ng bigla akong napatigil at napalingon sa kanila. Sakto ring kakatalikod palang nila sakin ng tinawag ko ulit sila.

"May I ask kung bakit nga pala nasa probinsya si Empire?"

"It's my Momma's birthday few days from now" sagot ng bata.

Wait!! What!!?? Oo nga pala. Last week na ngayon ng October. That means malapit na ang undas at ang birthday ni Empire before nito.

"Nakalimutan mo?" nang-uuyam na tanong ni kuya seal.

"Uhmm—"

"Nakalimutan mo dahil hindi naman siya ganun ka importante sayo"

Napayuko ako dahil doon. Nawala sa isip ko but that does not mean na hindi na siya importante. Because she's so d*mn important to me.

"Nga pala hindi kayo pupunta doon?" tanong ko bigla.

"Pupunta kami sa mismong kaarawan na niya" sabat ng asawa niya kaya napatango nalang ako.

"Well I gotta go. Thanks for this" pinakita ko ang susi at umalis na kaagad para puntahan si Empire.

Wait for me baby.




~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

If you like this chapter please consider giving it a vote 😘

Always Be His Baby (COMPLETED)Where stories live. Discover now