EPILOGUE

2.4K 63 13
                                    

Carl POV

*TOKTOKTOK *

nandito kami ngayon sa tapat ng pinto ni tiana ilang araw na siyang nag kukulong sa loob nang kwarto niya, ilang araw na rin siyang hindi kumakain nang maayos , at ilang araw na rin siyang hindi nakakausap nang matino tanging tango at iling lang ang ginagawa niya pag tinatanong namin siya

Ilang araw na rin ang nakaraan mula nang mangyari ang trahedyang yun, masakit isipin pero. Nawalan kami ng isang kapatid at kaibigan, isinuko niya ang buhay niya para lang hindi mapahamak ang taong mahal niya

Binuksan ni marian ang pinto gamit ang spare keys, at pag pasok namin don parang dinaanan ng ilang bagyo ang kwarto niya ang mga damit niya nakakalat sa sahig , yung kama niya gulo gulo may mga basag na picture at merong nakakalat na beer in can sa sahig , nasan si tiana ?

"Nasan siya ?" Nag tatakang tanong ni arian ibinaba ko muna yung tray sa isang tabi saka hinanap si tiana hanggang sa mapadako ang tingin ko sa ilalim nang kama , humiga ako sa sahig saka sinilip ang ilalim nang kama at tama nga ang hinala ko nandon siya habang hawak hawak ang picture nila ni hank

"What the hell tiana " Hinatak ko ang kamay niya para mailabas siya don, sa una nag matigas pa siya pero sa huli nanalo ako dahil mas malakas ako sakaniya naupo siya sa isang gilid at nakatingin lang sa picture nila ni hank

"Hanggang kailan ka magiging ganiyan tiana ? Hanggang kailan ka ba aasa na buhay si hank hah ?!" Inis na tanong ko sakaniya saka ko kinuha ang picture frame na hawak hawak niya saka binato sa kung saan

"Carl ," Banggit ni marian sa pangalan ko, alam ko mali ang ginawa ko pero kasi ayokong makitang nag kakaganto ang kapatid ko. Napabuntong hininga ako saka siya hinawakan sa mag kabilang balikat nakatulala lang siya sakin "move on tiana, hes dead ! Hezekiah hank tucker is dead ! At kahit umiyak ka pa nang dugo diyan ! Kahit magpakamatay kapa hinding hindi na siya babalik! Huwag mong sirain ang buhay mo dahil sa kaniya , sinagip niya ang buhay mo hindi para maging ganto ka ! Look at yourself christiana this is not you! Paano ka makakamove on kung hindi mo matanggap ang nangyari!" Sabi ko sakaniya kumunot naman ang noo niya saka ako tinulak

"HINDI!!! buhay siya ! Hanggang hindi ko nakikita ang bangkay niya hindi ako maniniwala na patay na siya ! Buhay siya kuya nararamdaman ko dito!" Sigaw niya habang tinuturo ang puso niya muli siyang napaluhod at napahagulgol na nang iyak lumapit ako sakaniya saka ko siya niyakap

"B-buhay siya k-kuya n-nararamdaman ko b-buhay siya "

---
"Nabihisan na namin siya , nalinis na rin namin yung kwarto niya " Sabi ni marian napangiti nalang ako

"Salamat sainyo ah " Sabi ko "hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kay tiana , " Sabi ko at uminom nang kape.

"Possible kayang buhay si hank ? "Napatingin naman kami kay arian impossible dahil kitang kita nang dalawa naming mga mata kung paano sinaksak ni hank ang sarili niya gamit ang katana , at hanggang ngayon hindi parin namin mahanap ang bangkay ni hank, pagkatapos niya kasing saksakin ang sarili niya nag kagulo. May biglaang pagsabog na naganap kaya nag madali kaming lumabas nang lumang bahay

"Hayyy sana maging okay na si tiana " Sabi ni patrice sana nga bumalik na si tiana sa dati wag niyang sayangin ang tinayang buhay ni hank para sakaniya

Tiana POV

Isa lang ang gusto kong mangyari ngayon ang magpakamatay para magkasama na kami ni hank pero naisip ko na nagpakamatay si hank nang dahil sa akin, ibinuwis niya ang buhay niya para hindi niya ako makitang nahihirapan at nasasaktan. Pero katulad nang sinabi ko kanina hindi ako naniniwala na patay na si hank hanggang hindi ko nakikita ang malamig niyang bangkay

The Billionaire's daugtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon