Kabanata 21

2.8K 79 6
                                    

Carl Pov

"ano hindi niyo parin ma contact yung dalawa? " tanong ko kila regan, paano ba naman kasi dapat talaga kanina pa nakauwe yung dalawang yun dahil wala naman kaming shoot at taping ngayong araw, nag aalala na ako masama ang kutob ko baka kung ano na ang nangyari sa dalawang yun, hanggang kasama ni hank si tiana malaki ang nakakasigurado ko na ligtas sila

"yung phone ni tiana ring lang nang ring ganun din yung sa driver, yung kay hank naman nakapatay " napaupo naman ako sa sofa at napasabunot nang buhok nasan na yung dalawang yun? bakit naman hindi sinasagot ni tiana yung tawag? eh sa pag kakaalam ko hinding hindi niya binibitawan ang cellphone niya ganun din si hank, pati yung driver haist

"baka naman nag date na yung dalawa, o di kaya nag tanan na " sabi naman ni regan

"tanga ka ba? ni hindi nga mag kaaminan nang nararamdaman para sa isa't-isa mag da-date at mag tatanan pa " sabi naman sakaniya ni kennedy

"track mo nga yung cellphone ni tiana " sabi ko, agad naman siyang sumunod napahilamos nalang ako nang mukha.. naramdaman ko naman ang pag upo ni marian sa tabi ko

"wag kang mag alala magiging okay din sila, lalo na't kasama ni tiana si hank sigurado akong ligtas sila, saka kilala natin si tiana parang tigre yun eh "sabi sakin ni marian nginitian ko nalang siya

"sana nga okay lang sila dahil hindi ko alam ang gagawin ko sa sarili ko sa oras na napahamak si tiana nangako ako kay mommy na aalagaan at pro-protektahan ko siya " sabi ko haist nasan kana ba kasi tiana ,

"carl na track ko na kung nasan sila " sabi ni kennedy habang nakatingin sa laptop. " hindi kalayuan kaya pwede nating puntahan " sabi nito, napatingin naman ako kay regan

"regan maiwan ka dito bantayan mo sila marian, sa oras na may nangyaring masama sakanila alam mo na ang kalalagyan mo mark my words " maawtoridad na sabi ko nakita ko pa ang pag kalunok niya saka mabilis na tumango tumingin naman ako kay marian

"dito lang kayo, wag niyong bubuksan ang pinto hanggang wala akong tawag okay " sabi ko sakaniya saka ko hinawakan ang mag kabilang pisngi niya saka ko siya hinalikan sa noo

"i love you "sabi ko saka lumabas na nang bahay ,

-

CHRISTIANA POV

"bilisan na natin hank bago pa nila tayo tuluyang mahabol " sabi ko kay hank nakaalalay siya sakin ngayon dahil may tama siya nang bala sa tagiliran niya, ako dapat ang tatamaan nang bala, pero hinarang niya ang katawan niya kaya siya ang natamaan . naawa na ako sa kalagayan ni hank saaming dalawa siya ang mas napuruhan . at marami narin ang dugong nawawala sakaniya kaya dapat makabalik na kami kila kuya pero paano peste naman kasi tong mga lalaking to , eh

"ayon sila!" agad naman kaming na alerto ni hank nang makarinig kami nang bosses. takbo lang kami nang takbo mabuti na lang at medyo malayo pa sila samin hindi nila kami mahuhuli kaagad, takbo lang kami nang takbo ni hank hanggang sa wala na kaming matakbuhan dahil bangin nato, napatingin naman ako sa bangin tubig naman ang babagsakan naming dalawa pag tumalon kami yun nga lang masyadong mataas. saka di namin alam kung mababaw o malalim ba ang babagsakan namin argg!! paano na to ? !! wala kaming choice

The Billionaire's daugtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon