Kabanata 32

2.2K 74 7
                                    

Christiana POV

"may problema ba kayo ni hank ? " tanong sakin ni arian, nag kibit balikat nalang ako sakaniya saka pinag patuloy ang pag lalaro nang helix jump sa phone ko dalawang araw na pala mula nang bumalik kami dito sa pinas, ang akala ko pag balik namin dito puro saya na lang ang iisipin namin pero nag kamali pala ako, dalawang araw ko na kasing iniiwasan si hank, at sa dalawang araw na yun nandito siya sa bahay, nakikipag laro lang siya kay ellyn at nakikipag kwentuhan kay kuya, ngayon completo kami nandito kami sa pool side, at ramdam ko ang pag tingin sakin ni hank, gusto ko siyang titigan pabalik kaso may nag sasabi sakin na 'wag' dahil pag tumingin nanaman ako sa mga mata niya lalambot nanaman ako

"wala" sabi ko nalang habang naka focus ako sa paglalaro nang helix jump, nagulat na lang ako nang biglang dumating si pat saka si marian kinuha ni pat yung phone ko saka niya yun tinago at tumabi sakin

"wala ka diyan , hindi mo kami malilinlang tiana alam namin na may problema kayo ni hank " sabi ni patrice, umirap nalang ako sa kawalan saka ko sila hinarap napasulyap nalang ako sa gawi nila hank, at habang kinakausap siya nila kuya yung mata niya nakatitig lang sakin nag tagpo ang mata namin pero agad akong umiwas

"oo na, sige na may problema kami ni hank " pagsuko ko sakanila. alam ko naman na hindi nila ako titigilan pag hindi ako nag sabi nang totoo sakanila

"so ano nga ? " tanong naman ni marian , napabuntong hininga naman ako

"hindi naman ako galit sakaniya eh, sadyang naiinis at nag tatampo lang ako biruin niyo hah , ako ang kasama niya, ako yung nasa tabi niya pero yung isip niya nasa ibang babae, ikaw arian kung si kennedy maging ganun sayo ano nalang ang mararamdaman mo diba ? oo sige hindi pa kami ni hank at wala pa akong karapatan mag selos na parang girlfriend niya, pero sana naisip niya muna na nasasaktan ako, alam niya naman na mahal ko siya eh tas ganun pa yung topic niya sakin " sabi ko nalang, tama naman ako diba ? miski ikaw pag kasama mo yung boyfriend mo tas yung bukang bunganga niya puro babae magagalit at maiinis karin katulad ko,

"siguro nakita niya lang ang similarities niyo ni irene "What?! nahihibang na ba si pat ? mas maputi lang sakin si irene nang konti pero mas maganda ako kaysa sakaniya noh, maputi lang siya maganda ako tandaan niya yun noh psh

"tsk ano ka ba pat ang layo ah mas maganda si tiana kaysa kay irene " sabi naman ni arian, correct ka diyan arian

"ang pinag kaiba lang nila ay ang ugali itong si tiana may pag ka brat si irene naman mabait "mabait ba yun ? baka naman nag babait baitan lang siya dahil nasa paligid niya si hank, akala niya ba di ko siya nakikita sa taping na palagi niyang sinusulyap sulyapan si hank tsk . habang nag uusap usap kami ay biglang may nag fake cough sa likuran namin, sabay sabay naman kaming napatingin sa likod namin at don namin nakita ang boys na nakatayo pinagigitnaan nila si hank, tinaasan ko naman sila nang kilay ano namang kailangan nila ?

"ahh marian halika may pag uusapan tayo " sabi ni kuya saka niya hinila si marian patayo

"hah? teka " tuluyan na siyang hinila ni kuya papasok sa loob , lumapit si kennedy kay arian saka niya binuhat si arian na pang bagong kasal

"YAH!!!!!! " sigaw ni arian , tumakbo nasi kennedy papasok habang buhat buhat niya si arian eh ? anong nangyayari sa mga lalaking to ?

"gagawa lang kami ni pat nang meryenda " sabi naman ni ashter saka niya rin hinila si pat patayo okay ? anong nangyayari ? ang akward naiwan na lang kami ni hank dito sa labas at parang wala pang gustong mag salita samin

The Billionaire's daugtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon