Ika-1 Kabanata

18 1 0
                                    

~

Nandito ako ngayon sa tuktok ng bundo habang pinagmamasdan ang aking nasasakupan...ilang araw nalang ay mawawalan na sila ng pinuno...ilang araw nalang ay lilisanin ko na ang lugar na ito dahil may kinakailangan akong hanapin..

yun ay ang nawawalang parte ng aking buhay...hindi ko nakalimutan ang aking memorya o ano man..ang tinutukoy ko ay ang kukumpleto ng aking pamumuhay....dahil sa ilang daang taon kong pamamalagi dito ay tila ba may kulang parin...kaya't nagpasya akong lisanin ito..

nang makita ko ang pagsikat ng araw ay bumalik na ako sa aking kaharian...nagtungo ako sa aking silid at nagpahinga..

...

"Mahal na reyna handa na po ang pagkain ninyo"

sabi ng isang kawal sa labas ng aking silid pagkatapos nitong kumatok..Inayos ko ang aking sarili at pumunta na sa hapag kainan at nag agahan na..Nakakapagod...nakakapagod ang mabuhay ng ilang daang taon ng hindi mo tiyak kung ano ba talaga ang ginagawa mo sa mundong ito..

"Mahal na Reyna sigurado na po ba kayo sa inyong pag-alis?" tanong sa akin ng aking kanang kamay sa palasyo

"Oo ako ay siguradong sigurado na..ikaw na muna ang mamahala dito hanggat wala pa ako..at natitiyak kong pagbalik ko dito ay maayos na ang lahat..titiyakin kong mahahanap ko ang kukumpleto sa akin" mahinahon kong saad dito at nanaimik nalang ito

Nandito ako ngayon sa isang paraiso, ang lugar na ito ang aking paboritong puntahan tuwing umaga...dahil napaka tahimik ng lugar at napaka sariwa ng hangin....

Lumipas ang ilang araw ay naging maayos naman ang kaharian..at ngayong araw na ito ako lilisan sa aming lugar...gumawa na ng portal ang kanang kamay ko upang makapunta ako sa kabilang mundo..

Ang mundo namin ay puno ng mahika at iba pa, hindi tulad ng isa pang mundo kung saan walang mahika ang namumuhay roon dahil para sa mga nandoon ang mahika ay isang kalokohan lamang..iyon ang mundo ng mga mortal..

Dito ko napagpasyahang maghanap dahil halos lahat ng kaharian ay nalibot ko na ngunit ni isa ay wala akong nahanap...kaya ngayong taon ay nagpasya akong pumarito..hindi ako maaaring gumamit ng mahika kaya't sineal ko ito...Isa lamang ang kinababahala ko...ang lenggwahe nila...Iisa lang naman ang lenggwahe namin ngunit mas makaluma ang amin kaysa sa kanila....mas moderno ito..tsaka ko nalang ito aaralin kapag nakapunta na ako sa aking tutuluyan...hinanap ako ng aking kanang kamay na si Adonis ng matutuluyan at binilhan na rin niya ako ng mga gamit,damit at marami pang iba na kakailanganin ko dito...

Pagdilat ko ay naririto na ako sa loob ng tutuluyan ko..nagayos na ako ng aking mga gamit at tinignan kung ano ang mga yon....May roong isang nakapukaw ng atensyon ko...isa itong rektanggulo na bagay na umiilaw?

hinawakan ko ito at laking gulat ko nang tumunog ito...Ano ba ang bagay na ito?itinabi ko nalamang ito dahil baka ito ay delikado..di kalaunan ay nilamon na ako ng antok..



~~

Yieee 1st Chap done!! Ano nga ba ang rektanggulo na toh?

Please VOTE,LIKE,COMMENT

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 24, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Goddess Mayari de LunaWhere stories live. Discover now