50- Natikman Mo Naba?

Magsimula sa umpisa
                                    

" Wow ha ako pa talaga. Sige na gumala na kayo. May aasikasuhin rin naman ako e " sagot ko naman. Lalo naman syang sumimangot na syang ikinangisi ko. Alam ko na kung pano aayos to.

" Hmmmp sino lalake mo? Tara na ihahatid na kita" tanong nya sabay iwas ng tingin. Ang cute nya

" Wala akong balak gawin yun. Sige na. Iniintay kana nila oh. And may dadaanan muna ako sa library. Nandun daw sila Sydney. Magtetext nalang ako baby boy " sagot ko. Napangiti naman sya dahil sa sinabi ko or should i say sa itinawag ko sa kanya. Tsss daig pa nya nanalo sa lotto. Ngiting wagas e

" Ok. Take care baby girl. Magbebehave po ako promise. Ikaw rin ha? " tumango naman ako bilang sagot. Hinalikan nya naman ang noo ko bago bitawan ang kamay ko at hayaan akong makaalis. Dapat lang na mag behave sya kung ayaw nyang ako ang magparusa sa kanya. Tssssk.

Paliko nako sa hagdan ng marinig ko ang boses ni Sydney. Sino kausap nito?

" Wag kang makielam " sino kaaway nya? Nakatalikod sya sa akin kayat hindi nya pa ako nakikita. Pero ang kausap nya, mukhang nakita nako dahil agad nanlaki ang mata nya. Problema nya?

" Tssss. Andyan na yung kaibigan mong nerd din. Magsama kayo. Loosers " sabi nito sabay irap bago umalis. Tumingin naman sakin si Sydney at ngumiti pero alam kong pilit lamang iyon.

" May problema ba? " tanong ko sa kanya ng makalapit ako.

" W-wala naman. N-nabunggo ko kasi si Q-queen Myrtle kaya inaway na naman ako. Tara na " aya nya sabay iwas ng tingin. Alam kong hindi iyon ang pinaguusapan nila. Hindi ako tanga.

" Asan si beks ? " tanong ko habang naglalakad kami papuntang library.

" Nag cr kami pareho e. Pero baka nauna na syang bumalik sa library " sagot naman nito. Magpapakita lang talaga ko sa kanilang dalawa pero aalis rin ako. Pupunta ko kala Charles at dun ako mambubwisit. Isa pa, may paguusapan rin kami na ayaw nilang sabihin kung ano.

" Girl! Bruha ka san kaba galing? Usapan cr lang bat mukhang sa sm kapa nag cr!? " tanong ni beks ng makalapit kami. Tinawanan lamang sya nito bago umupo sa tabi nya. Tumayo naman si beks at nakipag beso sakin bago ako yakapin. Miss na miss lang!? Umupo naman ako sa tapat nilang dalawa bago ilabas ang phone ko. Nagvibrate kasi.

From: Zachary

Baby girl andito kami sa bar ni Kenichie. Ikaw nasaan kana?

Nagreply naman ako agad at baka kung ano pa isipin nya. Sakto namang pagkasend ko ng reply ko ay nagsalita si Sydney.

" Uhmmm Kismeth, favor naman. Pwede bang pakihanap tong book nato? Habang nagsusulat pako " pinakita nya naman sakin yung title ng librong kailangan nya. Tumango nalang ako bilang sagot bago tumayo at lumakad papunta sa mga bookshelf.

Nakarating ako sa medyo dulong part ng library. Iniisa isang basahin ang mga title ng mga librong nakahilera doon. Hanggang sa makita ko ang librong kanina ko pa hinahanap. Eto lang pala. Hahatakin ko na sana yung libro ng mapansin kong parang nakatagilid ito at ano mang oras ay tutumba na sa akin. Shit. Mabilis naman akong nakatakbo paalis sa pagitan ng mga bookshelves dahil kung hindi ay paniguradong madadaganan ako noon. Napakunot naman ang noo ko ng mapansing wala namang kahit sinong studyante ang malapit sa akin dahil lahat sila ay nasa malayo at mukhang gulat na gulat sa nangyari. Nakakapag taka. Dahil kung nagkataon lang, bakit yung bookshelf na nasa mismong harapan ko lamang ang tumumba? Nilibot ko naman ang paningin ko pero wala talagang studyante dito sa mga bookshelves. Ako lang. O ako nga lang ba?

Nakabalik ako sa pwesto namin nila beks pero hanggang ngayon ay napapaisip parin ako.

" Huy girl ayos ka lang!? Tinamaan kaba? Jusko! " alalang tanong ni beks ng makaupo ako.

That Cold Nerd is the Sexy Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon