Chapter Twelve

89 0 0
                                    

Ahrirang

CHAPTER 12 <part I>: 

Pinagsuot ako nila ako ng white pink na gown na may makinatab na gold sa baba at malilit na borda ng pink roses . Nakaipit naman ng buo ang buhok ko at may nakatusok na pink rose dito. 

"Zap ikaw ng bahala kay Strawberry ." Tumango naman si Zap kay Zues .

" Pag yan nasugatan lagot ka sa akin. " siko naman saad ni Zorren. 

Nauna na ang iba sa party while kami ni Zap ay pupunta palang . Cheneck muna nito kong nasa akin pa ang singsing niya at niyakap ako.

"PRINSESA WAG KANG BIBITAW SA AKIN." Text nito sa akin at hinawakan na ang kamay ko na sumakay sa kotse. May halong kaba at takot ang pagpunta ko sa party na iyon. Unang kinakabahan ko ay ang buhay ko, pangalawa ang makaharap ang buong angkan ng mga Xiu at ang mga kalaban ng mga ito. 

Nakarating ako at agad ineskortan ni Zap lahat ng tao ay nakatingin sa akin na parang ako ang bida sa kasayahan na iyon. Ngunit iba ang mga tingin nila hindi iyon tingin ng mabubuting tao . 
Mayamaya lumipat ang mga tingin ng mga tao sa spotlight na nagpunta sa taas ng hagdan at isang matanda at isang lalaking medyo matanda kay na Zap ang nasa taas nito. Halata sa mga ito ang kakisigan at karangyaan at kahit matanda na ay napakagandang lalaki ng mga ito. Nag salita muna ito ng medyo matagal at nag umpisa na ang kasiyahan .

" PRINSESA PAKIKILALA KITA KAY LOLO AT TITO ZYNX." text sa akin ni Zap na tumango naman ako at sumunod dito. Kita ko sina Zeus na nakapila sa secondfloor malapit sa hagdan at masayang nakatanaw sa akin. 

" Siya na ba ang Curse Princess?" Tumango naman si Zap dito.

" Maganda ka , maari ba kitang maisayaw?" Ngumiti ako dito at tumango. 

Agad naman akong dinala nito sa bulwagan at sumayaw. 

" Patawad sa tradition ng pamilya namin Princess , ito ay tradition na matagal na naming iniingatan. " saad nito sa akin.

" naiintindihan ko po. " ngumiti ito sa akin.

"Gusto mo ba maglaro?" Ngiti muli nito .

"La-laro?" Tumango ito at inalalayan akong umakyat sa hagdan .

" We will play our traditional game which is Chase the Bait." Nagpalakpakan ang lahat samantalang natulala naman ang labing tatlo.

"Our bait will be Miss Crossian ! " at tinuro nito ako. 

"This is the policy of the game , hahanapin, huhulihin at papatayin niyo ang bait hanggat di pa ito nakakarating sa beranda ng kwarto ko kung saan naroroon ang prize. " napalunok naman ako sa sinabi ng matanda .

" Ang makapatay sa bait ang magkakamit ng sampong milyong piso at kung makarating naman ito sa beranda nasa kahon ang prize niya ." Pagpapatuloy nito na dahilan para maghiyawan lalo ang mga tao. Karamihan sa kalahok ay lalaki at kinakabahan ako sa suot ko. Malamang sa malamang mamamatay na ako.

" Ihja ! You'll just run and hide hanggang sa mapuntahan mo ang beranda ng kwarto ko na nasa tuktok ng bahay na ito. So goodluck " at pinaputok na nito ang airgun . Agad akong hinabol ng lahat ng kalahok , at pinag babaril subalit nakailag naman ako . Dahil sa hirap kong tumakbo ay inalis ko ang heels ko at itinapon sa humahabol sa akin. Di ko makita si Zap kaya naman naiiyak na ako . Dahil sa bagal ng takbo ko ay pinunit ko ang gown ko at naging maikling palda na ito at muli itong itinapon sa mga humahabol. Liliko palang ako ng may nakabantay sa dulo ng hallway at pag baling ko ay hinahanap ako ng iba pa . Ngunit may biglang humigit sa akin sa isa sa mga kwarto. Sisikohin ko na sana ito ng marinig ko ang boses nito. 

The 13th (Completed) #PHtimes2019 #RainbowSA2k19Where stories live. Discover now