Chapter Nine

75 1 0
                                    

Ahrirang

"I'll make your life worse." Saad ni Zorren bago kami pumasok sa mansyon .
Seryuso lang kaming tiningnan ng lahat. Nakahawak lamang ito sa kamay ko at agad ngiting tumingin kay Zues at ipinakita ang sing sing na suot ko. Naikuyom naman ni Zues ang kanyang kamao habang ang iba ay tulala na nakatingin sa akin.

"Her lips is soft like a marshmallow ." Sarkastiko nitong sabi . Yumuko lang naman si Zues at hinayaan itong umalis .

"Zues mag papaliwana-" di ko na ito naituloy ng tumalikod siya sa akin at iwasan ako . Tahimik lang naman ang ilan na maging si Zig ay di makausap o kaya si Zib.

"Uuwi na ako. " yumuko lang ako at umalis na sa bahay na iyon . Di ko alam na ganun pala ka valuable ang singsing .

Kinabukasan ay dali-dali akong gumising at sumilip sa bintana upang eh check si Zeus ngunit wala ito sa may gate ng bahay namin . Kaya naman mag isa nalang akong pumasok. Di din naman ako sinundo ni Zorren.

Tahimik lang akong pumasok sa gate ng school namin ng mabangga ko si Zeus kasama si Zig at Zap . Ngumiti ako dito ngunit ang lamlam ng mga mata nito parang malungkot na galit.

Agad niya akong sinampal na nakapagpatumba sa akin. Napatingin lahat ng istudyante sa campus ganun din si Zig sa ginawa na iyon ni Zeus .

"Zeu-s" naiiyak kong sabi ng hakawan ko ang namamanhid kong pisnge .

"Mabuti pa umalis ka na sa harapan ko or I'll assasinate you." Di nalang ako nakaimik at agad tumakbo papalayo dito .

Si Zib , Zab at Zi naman ay nilaglagan ako ng malamig na tubig na may maliliit at matatalas na bubog sa katawan ko na nagsanhi ng pagkakaroon ko ng maliliit na sugat . Kaya naman nagtago nalamang ako sa locker ko at umiyak.

"Cross , pumunta ka sa canteen. " text sa akin ni Zorren . Agad naman akong pumunta dun at nagbabakasali na naroroon siya at mailigtas ako. Ngunit tanging si Zeus , Zarun at ang ilan sa kanila ang naroroon kaya naman bago pa nila ako pagtangkaan ay umalis na ako.
Agad kong tinawagan si Zoreen ngunit di ito sumasagot kaya naman minabuti ko nalang pumunta sa room. Ang ilan sa mga kaklase ko ay pinag uusapan ako kaya yumuko ako sa hiya .

"Masyado kasing nagmamataas ." Ngiting saad ni Susane ang cheerleader ng school at top six ng klase .

Hinila niya ang buhok ko paataas upang makita niya ang muhka ko.

"Wag ka kasing feeling prinsesa ni Zeus . May Zeus ka na nga tapos nakipaglandian ka pa kay Zig at Zorren aba? Balak mo ba tuhugin ang mga Xiu ." Di nalang ako nagsalita ngunit iniumpog niya ang ulo ko sa lamesa ng armchair ko. Gawa sa bakal ang upuan namin kaya naman agad dumugo ang noo ko.

"Yan! Ng magising ka sa katotohanan na hampas lupa ka lang sa school na to. "

"Ano ba Susane tama na yan ." Sigaw ni Roland na kakadating lang galing sa gym.

"Okay ka lang ba Pres?" Tumango lamang ako dito saktong dumating naman na sina Zues at nakita nitong dumudugo ang noo ko.

"Halika sa Clinic ." Tumango lamang ako dito at umalis na .

Di na ako pumasok ng buong maghapon at nagpahinga nalamang sa clinic . Hindi ko pa rin lubos maisip na sasaktan ako ni Zeus ng ganun . Gusto na tanggalin ang singsing ngunit ito lang ang tanging paraan upang makapasok ako ng ligtas sa mansyon ng mga Xiu .

Mag hahapon na kaya naman napagpasyahan ko na din umuwi . Tinaon ko talaga na ako nalang ang natitira sa school kasama ang mga janitor at janitress .

Naglalakad ako pauwi ng matamaan ako ng air gun sa braso na agad naman nagdugo . Nakita ko si Zeus ang may hawak nito at kasama nito si Zux agad akong nagtatakbo papalayo. Iba ang itsura ni Zeus pero sure ako di na ako bubuhayin noon.

The 13th (Completed) #PHtimes2019 #RainbowSA2k19Where stories live. Discover now