Chapter Eleven

75 1 0
                                    

Ahrirang

Doon ako natulog sa bahay ng mga Xui , si mama tuwang tuwa dahil di na daw ako mag mamadre . I really don't know kung bakit ayaw niya akong mag madre . Ayaw niya noon may anak siyang banal . 

Doon nila ako pinatulog sa guest room na okay naman full air con at malambot yung kama super lambot actually nag tatalon nga ako dun kahit may benda pa braso ko. Sumilip ako sa beranda ng ng kwarto at nakita ang maliwanag na buwan . Maganda ang view dito at medyo malamig. Sana ganito nalang kapayapa . 

"PRINCESS MATULOG KA NA NG GUMALING KA NA ." text sa akin ni Zap na di ko namalayan na nasa likuran ko lang pala . Natawa pa ko dito dahil ang cute niya .

"Oo matutulog na ako ikaw din. " at hinalikan ko ito sa noo na nakita naman ni Zeus at Zi . 

" Tsk!" Irap ni Zeus. 

" MAGPAPAALAM NA AKO GALIT NA ANG BOYFRIEND MO. " muling text sa akin ni Zap . 

"Di ko siya boyfriend ." Mariing kong tanggi dahil totoo naman di ko yun boyfriend . 

" By the way Zap salamat sa lahat ." Ngumiti ito at kasama ni Zi ay lumabas na sa kwarto . 

" Bakit di ka pa tumutulog?" Inis nitong tanong .

" Eh ikaw bakit di ka pa natutulog?" 

" A-ano ang ingay niyo kasi ni Zap." 

" Anong maingay ? Bukod sa sound proof ang bahay , pangatlong pinto pa ang kwarto mo bago sa amin at isa pa di nag sasalita si Zap ako lang ." 

"Bahala ka nga jan makatulog na nga lang ." At bago lumabas ay hinalikan niya ako sa noo. 

Ilang oras na ang nakakalipas ngunit di pa din ako makatulog kaya naman . Lumabas muna ako ,ngunit nag lalakad ako sa hagdan ng makita kong sugatan si Zorren na pumasok ng bahay kaya naman agad akong tumakbo papalapit sa kanya at inalalayan ito. 

" Anong nangyari?" Alalang alala kong tanong dito. 

" Wala kang pakealam pwede ba bitawan mo na ako." 

"Sure ka?" Sinamaan lang niya ako ng tingin kaya binitawanan ko ito na dahilan upang matumba ito. 

" Ay puta bakit mo ako binitawan alam mong di ako makalakad ng maayos diba?" Galit nitong sabi. 

" Ikaw kaya ang nagsabi sa akin na bitawan kita . " agad ko itong iniupo sa sofa at kinuha ang medicine kit sa medicine cabinet. 

" Bakit kasi ang hilig mo sa gulo akala mo naman ang lakas mo. " 

" Hoy babae wag mo nga akong pakialaman ! A-Aray masakit." Saad nito habang dinadampi ko ang basang towel sa sugat nito. 

" Feeling Goku ka kasi na akala mo kapag kumain ka ng magic beans lalakas ka ulit at mag hihilom ang mga sugat mo. "

" Alam mo para ka naman si Che che ." 

"Bakit naman?" Naiinis kong tanong dito. 

" Ang bongangera mo ." At inirapan ako nito. 

" Sandali kukuha kita ng damit sa kwarto mo . " 

"Wag kang papasok sa kwarto ko pag ako gumaling gugulpihin talaga kita. " inirapan ko lang ito. 

" Ang dumi kaya ng damit mo sira sira pa." 

"Hayaan mo na kumot nalang . " napahilamos nalang ako dito at hinubaran ito . Lord patawarin niyo po ang mata ko dahil sa mga hot na katawan na to. Agad kong binalutan ang katawan niya ng kumot na di nagagalaw ang sugat sa braso at sa tyan ng tumunog ang tyan nito sanhi ng gutom na ito. Tumawa ako dito at galit na galit lamang niya akong tinungnan . 

The 13th (Completed) #PHtimes2019 #RainbowSA2k19Where stories live. Discover now