Tula #51

60 1 0
                                    

Titulo: Pagdungaw

Pagdungaw sa natitirang alaala.
Pagdungaw sa matang umaasa.
Pagdungaw sa sikip ng dibdib na hanggang ngayon ay tinatamasa.
Pagdungaw sa mga nakaraan na unti-unti nang nawawala.

Muli kong sinariwa ang sugat.
Humihilom na pala ang bigat.
Kaunting marka ng sakit ng nagdaan.
Na dati ay akala ko'y walang hanggan.

Kung naaalala pa kita.
Ito ay dahil may kaunti pang natitira.
Mga sugat na hindi na ikaw ang kagalingan.
At mga tanong na hindi na ikaw ang kasagutan.

Sa pagdungaw ko sa mga natitirang pag-asa.
Hindi ko na mahanap ang sarili kong kasama ka pa.
Hindi ko na makita ang sarili kong masaya kapaling ka.
Naglaho na ang pag-asa na tayong muli ay magkakaroon pa ng isang pahina.

Dumungaw ang matang mapanglaw.
Mula sa mga mata na laging hanap ay ikaw.
Sa kasalukuyan na dumudungaw,
Ang mga mata na masaya na sa kinabukasan ng balang araw.

Ang balang araw ay hindi na ikaw.
Mga mata na naghahanap na ng ilaw.
Ang puso na walang kumot sa sobrang ginaw.
Mga gabi na nasanay na katabi ay 'di na ikaw.

---------------------------SAVAGEBLOSSOMWattpad2018All Rights Reserved--------------------------

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.

---------------------------
SAVAGEBLOSSOM
Wattpad2018
All Rights Reserved
--------------------------

Tula Ng SawiNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ