Tula #38

144 6 0
                                    

Titulo: Buwan ng Pangloloko

ABRIL, nang ika'y aking sagutin.
Sa sagot na OO, sa akin ay sabik kamtin.
MAYO, ang una nating monthsary.
Kay dami mo pang pasorpresa, full-effort pa iyong pinakita.

HUNYO, ikaw sa akin ay nagtapat.
Gusto mong pakasalan ako agad-agad.
HULYO, sabi ko hindi pa tayo handa.
Mahal kita pero puwede bang maghinay-hinay muna?

AGOSTO, sabi mo kaya mo akong hintayin kasi ako lang ang gusto mo.
Naniwala naman ako at pinagbigyan ka sa mga plano mo.
Binigay ko lahat sapagkat akala ay ikaw na hanggang dulo.
Ang akala'y hanggang dulo ay nagsimulang maging malabo.

SETYEMBRE nang tayo'y nagpasiyang maghiwalay.
OKTUBRE nang mabalitaang kayo'y nasa iisa nang bahay.
DISYEMBRE nang malaman kong kayo'y isang taon na palang magkasintahan.
Aba'y matagal-tagal na pala akong ginagawang hangal-hangalan.

May mga tao talagang gagawin kang hangal.
Papaniwalain sa salitang ikaw lang ang mahal.
Ikaw naman si tanga, paniwalang-paniwala sa pambobola ni mahal.
Asadong-asado pa nga na totooo ang kaniyang mga usal.

Sinabi ko rati na hindi na iiyak.
ENERO na ngunit hindi ko pa rin tanggap.
Masakit ang nadarama, parang katapusan ay wala.

PEBRERO,
Buwan daw ito ng mga puso.
Natatawa ako sapagkat para sa akin.
Buwan ito ng mga wasak na puso.

MARSO,
Sabay ng pagtatapos ng taon ng pang-akademiko.
Sana matapos na rin ang kahangalan na ito.
Graduate na sa pagiging tanga.
Suma-Cum Laude pa nga award na aking nakuha.
Paalam sa mga buwan na naging tanga.
Sa pag-aaral na magmahal nang tunay, ngunit hindi nasabitan ng medalya.

---------------------------SAVAGEBLOSSOMWATTPAD2018all Rights Reserved---------------------------

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

---------------------------
SAVAGEBLOSSOM
WATTPAD2018
all Rights Reserved
---------------------------

Tula Ng SawiWhere stories live. Discover now