Tula #50

57 1 0
                                    

Titulo: Panahong bumabalik

Ganitong mga panahon.
Malakas ang buhos ng ulan.
Kasabay ng patak ng matang luhaan.
Naalimpungatan tuwing sasapit ang tag-ulan.

Sinubok ihawi ang kurtina.
Tinitignan kung madilim na ba.
Wala na ang sikat ng araw.
Naglaho na parang ikaw.

Pakiwari ng mga matang naninimdim.
Mga puso na humahangos sa dilim.
Pinupukaw ang gunitang parating nawawala.
Bumabalik sa dating hikahos at pangungulila.

Itong panahon na bumabalik.
Pabago-bago ihip ng hangin na humahalik.
Minsan ay wala,
Madalas ay hanap-hanap ka.

Minsan ay wala, Madalas ay hanap-hanap ka

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


-SAVAGEBLOSSOM

Tula Ng SawiWhere stories live. Discover now