49- My Favorite Consequence!

Magsimula sa umpisa
                                    

" I know. Hindi ko naman sinabing ginagawa ko ito sa lahat. Sayo lang. Sa baby girl ko lang " napangisi naman ako ng mapansin ang pamumula ng kanyang buong mukha. Aasarin ko pa sana sya kaso biglang bumukas ng malakas ang pinto.

" Waaaahhhh!!! Kismeth!!! Im so happy dahil gising na you!!!" napatakip naman kami ng tenga ni Kismeth tsaka yung anim na nasa likuran ni Rhayn. Walang hiya. Nang istorbo na nga, may balak pa yatang mang basag ng eardrums! Tssssk

KISMETH'S POV

Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat kay Rhayn dahil sa pagliligtas nya sa akin sa kahihiyan o mainis sa balak nyang pagbasag sa tenga ko. Napakalas ng boses tarages!

" Hinaan mo nga ang boses mo! Lintek ka! " Kenjie na kinakamot pa ang tenga nya.

Ngayon ko lang napansin ang mga istura nila. Mukha silang pinalipit na dalandan. Most of them have small bruises and bandages on their arms and legs. Pero unlike kay Zachary na halata namang pinag initan.

" How are you? " napatingin naman ako kay Daikie ng magsalita sya.

" Im fine. Bala lang yun " sagot ko naman. Totoo naman e. Para ngang nakatulog lang ako magdamag. Realtalk, hindi ko maramdaman ngayon na may tama ako ng bala kung saan man. Siguro kahapon oo nung tumama. Pero ngayon, wala na. Kumbaga sa paginom ng alak, hindi nako tinatablan ng hangover.

" Lang!? Ay grabe ka. Ano ba gusto mo? Boga? Granada? " sarcastic na tanong ni Rhayn na nakatanggap naman ng sapok kay Zachary, Daikie at Tetsu. 

" Manahimik ka hoy! Baka nakakalimutan mo kung sino kausap mo! " sabi ni Tetsu dahilan para manlaki ang mata ni Rhayn at agad na lumapit sa likuran ni Zachary at yumakap dito. Pffft.

" Pero seryoso, ayos naba ang pakiramdam mo Kismeth? Ehrrrmm--- Queen Black? " Zymeth. Kinakabahan sya. Alam ko dahil halatang halata sa panginginig ng kamay nya.

" 100% . Wala lang ito sa iba pang pinagdaanan ko " sagot ko naman. Tumango tango naman sila bago umupo sa mga sofa na nakapalibot sa higaan ko. Yung totoo, bakit hindi nalang nila punuin ng sofa itong kwarto ko?

" I still cant believe it. Kaya pala ang galing mong makipag karera, humawak ng baril, makipag bangayan at higit sa lahat, makapag habulan kay kamatayan " napangisi naman ako dahil sa komento ni Aldous. I'll take that as a compliment. Lol

" Pero bakit ka nagpanggap na nerd? I mean, oo malamang para itago ang identity mo, pero bakit kailangang sa M.A pa kayo pumasok? May binabantayan ba kayo? " Kenichie

" Wala. Yun kasi ang gusto ni dad. Pinaalis nya ko sa Japan para dito sa Pilipinas ipagpatuloy ang pag aaral ko" sagot ko naman bago isandal ang likod ko sa headboard nitong higaan. Abay nakakangalay.

" Can you tell us kung paano ka napunta sa mundong to? Sa underground? Uhmmm you dont need to answer kung masyadong personal " Kenjie . Umiling lang ako sa kanya bilang protesta. Hindi naman masyado. Tutal narinig narin naman nila ang sinabi ng hayop na Marcus na yun kahapon.

" Two years ago, on my 16th birthday, everything is so perfect and magical. Until that tragic moment happened. I witnessed how my mother and my sister got killed infront of me. Wala pa akong kakayahang lumaban nung mga panahong iyon. I feel so weak and useless. Wala akong nagawa kundi panuorin ang kahayupang ginawa nila sa kapatid at nanay ko. After that night, pinalabas na normal na pagnanakaw lang ang dahilan ng aksidenteng iyon. Pero hindi ako tanga para hindi maintindihan ang mga nangyari. Hindi iyun basta basta pagnanakaw. Alam ko na they are looking for someone. At kasalanan ng taong yun kung bakit maraming pamilya ang nawalan ng kapatid, ng anak, ng mga magulang. Kasalanan ng taong iyon ang pagkamatay ng mga inosenteng sibilyan " tahimik naman silang nakikinig kayat pinagpatuloy ko ang aking kwento

That Cold Nerd is the Sexy Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon