30 seconds to Eternity (Chapter 1- Second Chance for the Brave)

14.1K 346 201
                                    

Chapter 1- Second Chance for the Brave

Liwanag..

Di ko akalain na ito agad ang una kong makikita pagkamulat ng mga mata ko.. nasaan ba ako? Bakit puro liwanag lang ang nakikita ko.. at bakit ganito? Pakiramdam ko nakalutang lang ako..

Gusto ko mag-isip ng ibang bagay pero bigla na lang ako nakaramdam ng kakaibang pakiramdam..

Takot at sakit..

Tapos parang may naririnig akong ingay sa mga tenga ko at nakakakita ako ng parang kaguluhan sa mga mata ko.. nagkakagulo.. nagsisigawan ang mga tao..madaming nakadapa na at madaming umiiyak.. may hawak akong isang matanda tapos..naramdaman ko na lang na parang babagsak kami at..

Dilim..

Nagdilim ang lahat..

Kaya nga ako nagtataka kung bakit maliwanag ngayon.. pinilit kong pakalmahin ang sarili ko sa pamamagitan ng paghinga ng malalim at nang gagawin ko na yun..

Wala..as in wala.. wala akong naramdamang hininga sa lungs ko..

Ibig bang sabihin nito..

“oo patay ka na” bigla ko yun narinig at kasabay noon nagbago ang liwanag..mas nagkakulay ang lahat ng bagay at parang imbis na nakalutang ako..naramdaman kong nakatayo na ako.. kasabay ng pagkatayo ko..luminaw ang biglang pagkakaroon ng kulay sa paligid ko at nakilala ko kung nasaan ako..

Ang lumang playground sa tabi ng bahay namin.. kitang kita ko pa din ang lumang swing na pinaglalaruan ko noon at ng matalik kong kaibigan..ang kasama ko halos buong buhay ko..pati na din yung see-saw at ang bahay-bahayan namin.. di ko mapigilang ngumiti pero may iba akong nararamdaman dahil sa mga ala-alang nandun kahit na-

Ano?

“PATAY NA AKO??”

Para siyang napabuntong-hininga at dun sa konting action nya..nainggit ako..

Gusto ko ding huminga.. hindi ko alam pero yung dating bagay na pangkaraniwan sa akin gaya ng paghinga ay makakakapagbigay pala sa akin ng sobrang sakit dahil hindi ko na sya magagawa..

“oo patay ka na.. di ba ikaw si James Hendrix Fuentes?”

“oo? pangalan ko nga yun”

“o..tama ang nasa listahan ko!patay ka na!”

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko muli sa pamamagitan ng paghinga pero wala talagang nalabas.. patay na nga talaga ako

“paano ako namatay?” nakita kong tumaas ang kilay nya.. isa syang lalaki..nakasuot sya ng puting damit na may parang baluti na ginto.. ginto ang kanyang buhok at Silver ang mga mata nya..

“di mo naalala kung paano ka namatay?”

“magtatanong ba ako kung tanda ko?”

Parang narinig ko siyang bumulong ng ‘parang may kakilala akong ganyan din ang ugali’ tapos humarap siya sa akin at bigla na lang may lumabas na malaking libro sa harapan nya at isang quill?

30 seconds to EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon