Epilogue

40 6 0
                                    

James Point of View

7 years ago...

"Our topic is all about Sum of Central Angles.. so definitely, napag aralan nyo na to, way back on your highschool days.. so copy this please.."

Nag umpisa akong mag sulat sa white board hanggang sa matapos ang klase.

"Okay class see you in next meeting.." naka ngiti Kong paalam sa mga estudyante ko.

Nag simula ng magsitayuan Ang mga estudyante ko, ng maka alis sila ako naman ang nag ayos ng mga gamit ko.

Ng nasa pintuan na ako, nakita kong naka abang dun si Jane.

"Busy much?" Naka ngiti nyang tanong, nang aasar.

"Tsk!" Ngisi ko pa sakanya tsaka nag tuloy tuloy sa paglalakad

"Hoy, Hurtado! Co-worker mo ko dito!! Ano ba! Hintayin mo nga ako!"

Sigaw nya sa likod ko pero tuloy pa din Ang lalad ko, palihim ko syang tinatawanan, nung naabutan nya along binatukan nya agad ako ng malakas!

"Aray! Ano ba?!" Pambawi ko sa sigaw nya!

"Aaarray!" Usal nya habang humahawak pa sa tenga nya! "Ang sakit mo sa eardrums, lam mo Yun?" Pang aasar nya pa ulit!

"Ewan ko sayo.." nasabi ko nalang sakanya at muli nanamang naglakad.

Sa pagkakataong ito, hinayaan ko na syang sumabay sakin.

"San ka magbabakasyon?" Tanong nya, mahinahon.

"Sa bahay namin." Sagot ko, tinutukoy iyong bahay na pinatayo ko.

"Sa bahay nyo ni Jelay?"

"Mmm."

"Edi pupunta ka pang Binmaley?"

Tumango Lang ako sakanya. Iyong bahay na tinutukoy namin, Yun yung bahay na pinatayo ko. Bahay na para Sana samin ni jelay pag kinasal na kami, kaso ayun nga. Namatay sya.

"Kailan ka bibiyahe?" Tanong ulit nya. Hindi naman makulit pero sapat na para mairita ka.

"Mamaya." Tipid kong sagot.

Binilisan ko nalang ulit Yung lakad ko, ngayon, Hindi nya na ako hinabol pero nadinig ko iyung binulong nya.

"Sungit."

"Pakyu, dinig Kita!"

***

Nasa biyahe na ako, napapangiti ako tuwing naiisip ko yung ginagawa kong pagbibiyahe noon para mapasyalan ko si Jelay.

Pagdating ko sa Binmaley, pinuntahan ko pa Yung mga lugar Kung San kami laging pumupunta ni Jelay. Miss ko na sya.

Alastres palang Naman ng hapon, bumili ako ng paaalubong para sa mga parents ni jelay, ginagawa ko din it dati.

Bumiyahe ulit ako papunta sa bahay nila Jelay, kumatok ako. Bumungad sakin ay isang babae. Dalagita, may pagkaka hawid kay Jelay. Siya na siguro si iya. Bunsong kapatid ni Jelay.

"Iya?" Naka ngiting tawag ko sakanya. Kinunutan nya ako ng noo gaya ng laging ginagawa nila Jelay sakin noon. Sabay nila akong kinukunutan pag may sinabi akong hindi nila nagustahan.

"Sino ka?" Si iya.

"Kuya James mo." Naka ngiti ko pa ding Sabi.

"Hindi Kita kilala." Masungit nyang sagot na syang ikinatawa ko.

"Sila tita ba andyan?" Pag iiba ko nalang ng usapan.

"Ma!!! May nag hahanap po sainyo!" Sigaw nya.

Everything Has ChangedWhere stories live. Discover now