chapter 6:

39 12 2
                                    

Alex Point of View

Good morning world!

November 01, 2018

Hindi pa ako nakakatayo sa higaan ng maalala ko yung kaibigan ko.

Halloween na, Hindi nanaman natuloy yung plinano namin.

' date tayo sa Halloween Alex, tayo lang ha? KKB!'

Napangiti ako nung Sandaling maalala yung sinabi nya..

"Hayyss... Jelay ka talaga! Lagi kang talkshit." Nangingiti kunwaring bulong ko sa sarili.

Muli akong humiga sa kama at tumitig sa kisame.

*flashback*

Sabay kaming kumakain ni jelay every lunch. Kasulukuyan kaming nasa training center (session hall) taekwondo player kasi ako. Training namin kaya nandito ako, nakaka flattered kasi kahit saan suportado ako ni jelay. Training lang to pero kita nyo naman kasama ko sya hanggang dito. Sabay pa kaming kumakain.

Habang kumakain kinuha ni Jelay yung phone ko, binuksan nya yung webtoon ko tsaka sya nagbasa ng story dun.

"Hoy! Kumain ka nga muna. Cellphone ka ng cellphone!" Suway ko sakanya.

"Opo inay." Biro nya kunwari tsaka nilapag yung phone ko. "Alex.." Tawag nya sakin, mahina pero may konting lambing.

"Mmm?"

"Pag namatay ba ako iiyak ka ba?" Mahinang tanong nya, Hindi sya naka tingin sakin, naka yuko sya sa kinakain nya.

"Bakit mo naman natanong?" Kunwaring walang pakelam na tanong ko.

"Wala lang, gusto ko lang malaman. So iiyak ka nga?" Dun lang sya nag angat ng tingin sakin, naka ngiti sya pero malungkot ang mga mata nya.

"Stop asking me stupid things." Masungit Kong sabi sakanya.

"Okay.." naka nguso nyang usal.

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon