chapter 1

66 19 5
                                    

Angel's Point of View

October 9, 2018

Good morning Tuesday!!

Agad agad Kong tinignan Yung phone ko. Nagbabaka sakaling' may chat sya sakin. Kaso bigo ako.

'Ilang linggo na Ang lumipas, ilang linggo pa ba ang lilipas?'

Napa buntong hininga ako sa sarili Kong isipin, may kirot nanaman akong naramdaman. Kaya imbes na isipin ko pa Yun, nilibang ko nalang sarili ko. Ginising ko yung mga tao sa loob ng bahay gamit Yung component namin na hayop sa lakas.

Nagpapatugtog ako, yung  kanta ng  December avenue. Kasunod ng mga malulungkot na kanta.

"Broken hearted ka ba nak? Bakit parang namatay yang puso mo sa sobrang lungkot ng mga kanta mo?" Si mama, nakikipag biruan.

"Hihihihihi!" Yan Lang nasagot ko, Ang hirap naman Kasi mag Sabi sa parents mo diba?

Sa libro Lang kasi Yung may perfect, I mean sa libro mo Lang mababasa Yung mga anak na nag oopen sa parents. Pero sa totoong bubay? Pustahan bilang nalang sila.

***

6:58 am.

"Ma una na ako." Paalam ko kay mama. Nag bless ako sakanya tsaka kiniss sa cheek. Ganun din Kay papa.

Nagpaalam din ako sa mga kapatid ko sa pamamagitan ng paghalik sa pisnge.

Dahil walking distance Lang naman Ang bahay sa school, di na ako nag aksaya ng pera. Sayang 10 pesos hahahaha!

Yung school namin, junior tsaka senior high Lang. Walang elementary, wala din college. Highschool Lang talaga.

Nung pumasok na ako sa gate, kanya kanyang tingin at bulungan na Yan. Kanya kanya na din yung bati hahaha! Medyo madami Kasi Yung nakaka kilala sakin dito. Minsan na Kasi akong sumali sa Ms. Intramurals kaso talo ako.

Bigla bigla habang naglalakad biglang may tumakip sa mata ko.

"Alex? Jopay?!" Irita Kong Sabi Kasi sumasakit Yung Mata ko sa sobrang higpit ng pagkakahawak nya!

Nung binitawan nya, nakita ko silang dalawa. Tawa sila ng tawa, ano pa bang bago? Eh lagi naman silang ganyan.

"So kumusta yung pagpapakatanga mo kahapon? Nag message Lang ng greeting na 'happy anniversary din baby' naging tanga ka na agad?" Si Alex. Ganyan yan lagi. Sobrang prangka. May pagka boyish sya, pero babae Yan.

"Gaga! Matagal ng tanga Yan!" Si Josephine.

Nauwi sa tawanan Yung pang aasaran namin. Isa sila sa mga dahilan Kung bakit mas pinipili kong ngumiti kesa sa umiyak.

Nung narinig namin Yung bell, pumunta na kami sa mga classroom namin. Saming tatlo, ako Lang nahiwalay ng section. Classmates silang dalawa ako Lang Yung Hindi.

Habang nag lelecture yung teacher namin sa English, tutok na tutok ako sa pakikinig. Ang topic pa namin ay Yung 'Inferno' ni Dante aleigheri. (Di ko sure Kung Tama Yung spelling).

Pagkatapos ng English, sumunod Filipino.  Tas science, tsaka math. Sunod sunod Lang Yan. May recess nga 15 minutes Lang naman, edi wag nalang diba? Baka di pa ako matunawan.

Nung si sir Jojo na Yung lecturer namin, techer namin sa math. Lumipat na ako sa harap. Habang dini-discuss nya yung forming a polynomial halos lahat ng classmate ko may kanya kanya ng mundo. Ganyan na pag si sir na Yung nag tuturo. Konti Nalang interesado.

Magkakatabi kami nila Joy Ann, Grace Anne, Gretel, Catherine, at Mary Joy. Kami Lang Yung mga estudyante ni sir sa section namin na interesado makinig. Siguro may nakikinig din na iba pero masyado Lang tahimik Kaya hindi namin Alam, biglang nagkaron ng activity. Yun Yung activity na 'theirs a story behind the box'

Everything Has ChangedWhere stories live. Discover now