CHAPTER 44-Delubyo-3

3.5K 127 9
                                    

Kingofhelluniversity-One step will break your heart.

THIRD PERSON's POV

KAtahimikan ang namumutawi sa apat na sulok ng silid habang pinapanuod lamang ni Xine ang ginagawa ni Supremo.

Ngunit tila naglalakbay lamang ang isip ng dalaga dahil sa katahimikan na pinamamalas nito. Ilang dipa ang layo niya sa supremo at tila balisa.

Maingat naman na nilalapag isa isa ni Supremo ang kanyang mga baraha sa lamesang nasa harapan niya, tahimik lang rin ito at tulad ng dalaga ay napakalalim rin ng iniisip.

Napukaw ng kanilang atensyon ang makailang ulit na tunog ng matinis na bagay, hudyat na may tao sa labas ng pinto.

Pinagbuksan ng supremo ang isa sa mga bantay ng lugar. Sumenyas sya rito at tumango. Muli syang bumalik sa loob upang mag paalam Sana sa dalaga pero napabuntong hininga na lamang ito ng tila wala sa sarili si Xine.

"I'll just out." Paalam niya sa dalaga pero nipag tango ay Hindi ginawa ng Dalaga.

Nang mapag isa si Xine ay d'on nya naramdaman ang matinding lungkot at pagod. Ang matagal na luhang pinipigil niya ay bigla nalang dimausdos sa kanyang pisngi na tila nag uunahan.

Walang emosyon syang nakatingin sa kawalan pero patuloy lang ang pagluha nya. Ilang saglit pa ay dumapo ang kanyang mga mata sa lamesa kung saan nakalagay ang baraha ng supremo.

Nanghihina man ay pinilit nyang tumayo. Hindi nya maintindihan kung bakit labis syang nakakaramdam ng panghihina at sakit sa katawan bukod par'on ay kumikirot ang kanyang dibdib nA syang mas lalong nagpapahina sa kanya. Gustuhin nya man Ipikit ang mga mata para makabawi ng lakas pero Hindi nya magawa, marahil ay dahil narin sa stimulant na tinurok sa kanya ilang oras lang ang nag daan.

Pilit nyang sinusuportahan ang sarili sa pamamagitan ng pagkapit sa dingding. nang makalapit na ito sa lamesa ay bigla syang napaungol sa sakit na naramdaman ng dumaan muli ang matinding kirot sa  kanyang dibdib.

Paulit ulit syang suminghap ng hangin upang pakalmahin ang dibdib nyang naninikip na. Nang tuluyan na syang makalapit ay napaupo sya sa isang mahabang sofa. Humigop muna sya ng malalim na buntong hininga bago nilingon ang mga baraha.

Dinampot nya ang isa sa mga ito. Nag taka sya ng maramdamang medyo mabigat ito Hindi katulad ng pangkaraniwang baraha. Sinuri nya itong mabuti hanggang sa may mapagtanto.

Ang bawat barahang nasa harapa nya ay Hindi pangkaraniwan tulad ng nakikita nya. Mabigat ito dahil gawa ito sa pinag halong matigas at malambot na metal, ang mga bawat gilid nito ay iisipin mo talagang tunay na baraha,Base rin sa kulay. pero isang pag kakamali mo lang na mahawakan ng marahas ang bawat gilid nito ay total na mabilis kang masusugatan dahil sa tulis na parang hinasa pa.

Napabalikwas sya ng tayo mula sa pagkakaupo ng biglang bumukas ang pinto at niluwal ang balisang si supremo. Palihim niya naman pinasok sa kanyang bulsa ang isa sa mga baraha.

"We didn't find your friends.." Anunsyo nito. Napapikit at tumango tango nilang si Xine pero labis syang nabahala dahil d'on.

"This is all my fault." Mahinang bulong ni Xine. Hindi niya maiwasan sisihin ang sarili dahil mula umpisa palang ay alam nyang sya ang kailangan ng mga ito. Pero ito sya, nag tatago habang ang mga kaibigan nyang sumubok iligtas ang buhay niya ay nawawala naman.

"I need to find them." Pinilit nyang wag mangatal at ipakitang nanghihina sya, mabilis syang lumapit sa kama at kinuha r'on ang denim jacket na suot nya simula pa nuong nakaraan araw.

King Of Hell UniversityWhere stories live. Discover now