CHAPTER 28

3.8K 159 5
                                    


THIS IS IT PANSIT! Hahah .
Malalaman na natin kung sino nga ba si Xine^_^ .

Thankyou sa ilan na nanghula kung sino nga ba sya.

_______

---XINE's POV--

"Who are you?.." ilang ulit akong napapalunok habang nakatingala sa kanila. Lahat sila ay nakatayo sa harapan ko habang ako ay nakaupo at hindi makapag salita.Para akong nasa isang pag lilitis at hirap na hirap akong mag salita.

Nakabalik na kami Sa dorm ng walang kibuan pero pagkapasok na pagkapasok ko ay inupo agad nila ako at paulit ulit tinanong kung sino ako.

Eto na talaga.akala ko maitatago ko ang tunay na ako.ngunit sadyang walang sekretong hindi na uungkat.

"A-ano bang sinasabi nyo?" Kabadong tanong ko.natawa naman si ArkSie bahagyang umiling iling pa.

"Sino kaba talaga bakit kakaiba ka kung gumalaw?" Usisa ni Sally "nakita ko kung paano mo kalabanin ang grupo ng kalalakihan kanina"

"K-katulad nyo rin ako..m-marunong makipag laban"pag dadahilan kopa.

"Pero bakit pakiramdam namin kakaiba ka?" Biglang sabi ni ArkSie kunot na kunot ang kanyang nuo. "Nakita ko kung paano tumalsik ang mga kalaban mo ng sabay sabay silang sumugod sayo.." biglang dumagundong ang dibdib ko sa kaba "paano mo nagagawa'yon?"

"H-hindi ko alam" sinsero kong sagot tsaka napayuko.binalikan ko yung mga oras na pinalilibutan ako ng maraming kalalakihan kung saan may mga dala silang kutsilyo at malalaking kahoy pero hindi manlang ako nakarammdam nang takot ng mga oras na 'yon.Pakiramdam ko ay natutuwa pa ako habang nakikita kong marami sila ,hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko 'non basta ang alam ko lang ay kailangan kong lumaban at pumatay.
Ang mga pag talsik nila ng sabay sabay silang sumugod sakin ay hindi ko alam kung paano nangyari 'yon.ang alam ko lamang ay inangat ko lamang ang dalawa kong braso at pwersahang itulak sila.ngunit hindi inaakalang makakaya kong gawin 'yon ng walang kahirap hirap.

Hindi na'yon bago sakin dahil minsan narin akong nagtaka sa sarili ko nung mga oras na mababangga nako ng sasakyan dahil tumawid ako ng hindi ko napansin ang paparating na sasakyan.iniharang ko lamang ang aking kamay.Laging gulat ko ng tumigil Ito at may yupi sa harapan.

Isa ito sa mga dahilan kung bakit gusto kong itago ang Nakaraan ko.

"Sino ka?" Tanong nanaman ni Sally.

Okay eto na talaga.wala ka ng kawala Xine.

Huminga ako ng malalim tsaka nag angat ng tingin.lahat sila ay nag hihintay ng sagot sa mga tanong nila. Napalunok ako bago mag salita "Natuto akong mag Martial arts nu'ng ako ay sumali sa isang grupo" paliwanag ko na sa malayo na katingin at inaalala ang mga oras na'yon "Itinuro nila saakin kung paano lumaban araw araw nila 'yon itinuturo sakin hanggang sa matuto ako sa lahat pero hindi ko inaakalang may kapalit 'yon" napalunok ako tsaka hinawi ang bohok ko papunta sa likod at ibinaba ng konti ang aking t-shirt "S-sinali nila ko sa grupo nila at ginawang kaisa. Ayoko man pero pinilit nila ko.madumi ang kanilang grupo k-kaya nilang pumatay makuha lang ang gusto"

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Bricks.

"Kasali ako sa Malaking Mafia sa ating bansa"

"I knew it!" Maaksyong sabi ni Bricks.naguguluhan akong nilingon sya "Scorpion. Yung drawing mong Scorpion? Yun ba yung grupong sinasabi mo?"
Tumango ako.

"Tinuro din ba nila kung paano ka maging malakas?" Natatawa pang sabi ni Sally.alam kong hindi parin sya naniniwala kung paano ko nagawa'yon.

King Of Hell UniversityWhere stories live. Discover now