'You wouldn't go away this time my beloved Xyn. Once I find you, no one can separate us.'

Clyde's PoV

"Pwede bang itigil mo na yan?" Kanina pa ako naiinis dahil panay ang buntong hininga ni Jaeidy. Bumuntong hininga uli sya habang nakatingin sakin. Nang iinis ba ang isang ito?

"Tama na nga yan." Umupo sa pagitan namin si Kioji at pareho kaming inakbayan. "Chill lang kayo mga dude, magpa gwapo na lang tayo para naman makahabol kayo sa kagwapuhan ko." Tinanggal ko ang pagkakaakbay nya sa akin at sinamaan sya ng tingin.

"Wag nyo namang painitin ang ulo ni Clyde, may Red Alert na naman kasi ang isang yan kaya moody." Isa pa itong si Rav. Kapag hindi pa sila tumigil talagang makakatikim sila sakin.

Tumayo ako sa aking upuan at lumapit kay Gyliard na kaharap ang laptop nya. Walang tigil sa pag tipa ang kanyang mga daliri. Kumuha ako ng upuan at piniwesto sa likod para makita ko kung ano ang ginagawa nya. Habang nagtitipa sya ay may lumabas na logo sa monitor. Hindi lang basta logo kundi logo ng isang school.

"What's that?" Tanong ko sa kanya. Tumigil sya sa kanyang ginagawa at tumingin sakin.

"Its Lex previous school. Wingston University."

Matapos nyang sabihin iyon ay napaupo ako ng ayos. Pati yung tatlo na nag aasaran ay tumigil at napatingin sa amin.

"Sa mga nakakarinig ng sasabihin ko. Pagkabilang ko ng tatlo, lahat kayo magsialis sa kwartong ito."

Lahat ng mga kaklase namin ay nagsialisan kahit na hindi pa ako nagsisimulang mag bilang. Napailing na lang si Gyliard samantalang yung tatlo ay lumapit sa amin.

"Geez, nakahanap ka na ba ng information sa States?" Tanong ni Jaeidy ng makalapit sila sa amin.

"Its weird though. When I went in to their system it had a lot of difficulties to break in. But when I search the information it was easy. Its strange."

I don't care if it is strange or not. Basta may information about Lex Castillejo its enough for me.

"Okay, here's the info."

Nagbrowse ang isang file at doon nakita ang ibang information as kanya.

"Eazhel Castillejo. The only daughter of the Castillejo's. She has a three siblings. Luin Eroll Xsord Castillejo, Lanz Eron Xyd Castillejo and Lev Eren Xav Castillejo. They didn't have the chance to be with one another since Eazhel grow up in US. Her brothers persuade her to live in the Philippines but she won't. When that accident happen, it scar her for life. Living only herself at the States with her personal butler. Years has passed, and finally this year. Eazhel was migrated at the Philippines." Basa ng malakas ni Gyliard. So that's explains why he was always with Lex. At tsaka Eazhel? Is that her real name? Ang gulo naman ng tomboy na yun, ang daming pangalan.

"Woah! Kapatid nya sina Eroll?!"

"Kung titingnan mo sila ng maigi talagang magkakamukha sila. Why didn't I notice it before?"

"Bakit tinatago nina Eron na may kapatid pa pala sila?"

"Gago ka pala eh. Nakikinig ka ba? Lumaki sa States si Lex malamang sila lang ang nakakaalam nun. Tsaka wala naman tayong karapatan na alamin yun."

"What's your plan now Clyde? Now that you've known Lex's identity, what is your plan? Itutuloy mo pa ba ang kalokohan mo? Not to mention, mas makapangyarihan sya kaysa sayo."

That's impossible. Si Lex? Anak ng pinakamayamang tao sa buong mundo? Alam ko naman ang tungkol kay na Eroll pero hindi  ko inaasahan na kapatid pala nila si Lex. Papaanong nangyari yun? Kaya ba sinabi ni Lex na hindi nya pwedeng lumayo kay Eron dahil nakatira sila sa iisang bahay? Pero saan naman sila nakatira?

Hayst! I think I need to find it out to myself.

"Dude ano na? Wala pala tayong gawa kay Lexano ipagpapatuloy pa ba ang kalokohan?" Napapikit ako ng mariin sa tanong ni Kioji. As much as I want to I think we can't do it anymore. Matapos malaman na kung sino ba talaga si Lex gagawa pa ba ako ng kalokohan na pwedeng ikasama ko?

Lagot ako kay Tito Liabrar kapag nalaman nyang pinagtitripan ko ang anak nya. Kaya pala kailangan nya agad umuwi sa bahay nila dahil kay Lex. At si Lex pala ang tinutukoy na 'princess' ni Tito. I just heard him talk to dad before using that word.

'Oh... Sorry Clarke. I need to go home early today since my princess was now living with us. You know that she's very difficult to handle sometimes. '

'Alam ko Liab. She doesn't change does she?'

'Not even a little.'

Nung mga oras na iyon, si Lex pala ang pinaguusapan nila. Bakit hindi ko nahalata iyon?

Napabuntong hininga ako at nakita ko silang nakatingin sakin at iniintay ang magiging sagot ko.

"Kahit naman siguro anak sya ni Tito Liabrar hindi naman masama na pag tripan sya minsan." Tanging sabi ko kaya napatawa sila.

"Ewan ko sayo Clyde, ayaw kong mabatukan ni Tito."

"Ako din."

"Mas lalo ako!"

"Me either."

Mga duwag. Pagtitripan lang eh. -_-

He's In love With A TomboyWhere stories live. Discover now