"If you can't take it anymore, inject a few anesthesia directly in your heart and it will go numb."  Sa inis ay kinurot ko sa tagiliran si Eron. Ayaw tumahimik na lang eh.

"Aw!! That huts!"

"Ikaw kaya turukan ko dyan ng sampung beses?!"

"Pffft... easy. I was just kidding."

"Kahit gaano kagwapo ang isang yan, hindi ko yan magugustohan."

"Ate Crish, wala naman kaming sinasabi na gusto mo sya."

"Defensive masyado, diba Seath?" Tumango si Seath sa sinabi ni Eron. Ako defensive? Nagsasabi lang kaya ako ng totoo. Hindi ko nga alam kung bakit may nagkakagusto dyan, gwapo nga masama naman ang ugali.

"Hindi ako defensive. Tsaka ang ayaw ko sa lahat ay playboy. Maraming naging babae. Ang gusto ko kasi, yung ako lang. Ako ang kanyang una at huli. Parang si Daddy lang, gusto ko yung katulad nya. Stick to one."

"Wala nang katulad si Tito Peter. Pero pwede ako, kaso hindi ako pumapatol sa puerile." Kinurot ko sya sa tagiliran. Kakainis na eh, kanina pa nang aasar.

"Aray! Nakakailan ka na!"

"Puerile ka dyan!"

"Joke lang yun ano ka ba? Tsaka hindi ako pumapatol sa..."

"Sa ano?"

"Wala. Punta ka na nga dun! Maglalaro na kayo!"

"At talagang pinapalayas mo na ako?! Wala pa oh!" Sabi ko sabay turo sa baba kung saan naglalaro ang sepak takraw at table tennis ang mga lalaki.

"Seath!!!"

Napalingon kaming tatlo sa baba kung nasaan ang Black D. at Queens. Nakalingon sila samin, tumaas pa ang kilay ng mga Queens sakin habang ang lima naman ay nakatitig samin. Napansin kong nakakunot ang noo ni Rav. Nang mapansin ito ni Eron ay kinuha nito ang aking kaliwang kamay at pinagsaklop, lalong nangunot ang noo nya. Tumingin ako kay Eron na may pagtataka.

He's In love With A TomboyOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz