"Waaaah!!! Sir ako available!!"

"Sir ako na lang!!!"

At umulan na naman nang ingay ang classroom. Isang tikhim lang ni President ay nagsitahimik silang lahat.

"Hindi na mga bata. Meron na kasi tayong representative. At oo, merong competition ang mga banda."

"Sino naman Sir?"

"Sayang naman."

Tumayo si Aize sa kanyang upuan at nagpunta sa unahan. Naghalukipkip ako at sumandal sa aking inuupuan. Lagot talaga sya sakin kapag hindi nya naibalik ang sombrero ko. They were very precious to me! Susugudin ko talaga sya sa bahay nila kapag nagkataon. Akala nya ba wala akong alam sa kanya? Kung hindi nya ibabalik iyon sa akin lagot talaga sakin ang pinaka mamahal nyang mini library.

Tumingin ako sa kaliwa kung nasaan ang bintana.

May event na naman. Parang ayoko nang sumama. Ano naman ang gagawin ko? Para mag cheer? Hindi nga ako marunong nun. Mas gugustuhin ko pang matulog maghapon kay sa maubos ang boses ko kakasigaw.

"And also attendance is a must. Its required to participate."

Nagpanting ang aking tainga at tumingin sa unahan. Nagtama ang paningin namin at nginisian nya ako. What kind of a cousin is he?! His so cruel! Tumaas ako ng kamay na nakakuha ng attention ni Sir Ryan.

"Oh Lex? May problema ba?" Tanong nya sakin. Umiling ako. "I just need to go outside sir."

"Oh okay. Babalik ka ah?"

"Of course sir."

Kinuha ko ang sombrero ko sa ilalim ng desk. Nang mapadaan ako sa harap ni Aize ay sinamaan ko sya ng tingin at lumabas na ako ng classroom.

Tsk! He reminded me of Kuya Eren. Pareho silang pang asar.

Wala naman akong planong pumunta kung saan, gusto ko lang na makaalis ng classroom ko.

Pumunta ako sa garden kung saan dun lagi ako tumatambay. Umakyat ako sa puno at umupo sa makapal na sanga. Minsan kapag vacant kami at walang klase ay napunta ako dito at natutulog. Gigising lang ako kapag may klase na uli.

"Hayst! Ayoko ko talagang pumunta." Bad trip naman kasi yung lalaking yun. Alam naman nya na ayaw ko sa mga ganung klase ng event. May pa-required required pang nalalaman. Isinandal ko lang sarili ko sa puno. Mag stay muna ako ng ten minutes at babalik na rin ako sa classroom.

"Cutting?"

Napatingin ako sa ibaba ng puno at nasorpresa ako sa nakita ko.

"Clytard."

Kumunot ang noo nya ng binanggit ko ang pangalan nya.

"Would you stop mixing my name with an unpleasant word?" Nag Indian seat sya kung saan sya nakatayo at nag cross arm habang nakatingin sakin. I looked down on him and smirk. "What? I like it. It is your description after all."

"And what are you? Tomboy?" Tanong nya habang nakangis sakin.

"Believe what do you want to believe. I don't care whatever names you called me anyway." Tumayo ako sa sanga na kinalaki ng mata nya. Napatayo sya sa kanyang kinauupuan. "W-What do you think your doing?" Tanong nya. Nginisian ko sya at tumalon kung nasaan sya. Aantras sana sya ng matakid sya sa sarili nyang paa. Napahiga sya sa pagkakatakid nya.

Hindi lang Clytard, Clymsy pa. (Clyde-Clumsy)

I landed my two feet besides his knees and he rolls away.

"Pipisain mo ba ako?!" Sigaw nya sakin. Hindi ko na lang ito pinansin at lumakad papuntang building.

Well, that Clytard has the magic to vanished my annoyance.

He's In love With A TomboyWhere stories live. Discover now