Chapter 1 - Sweet BFF

52 2 0
                                    

**Kring**

Yes! Sa wakas! Dumating din ang favorite kong subject, ang uwian. Madalas nauwi agad ako pagkagaling ng school. Nakakatamad naman kasing gumala pa dahil sa tindi ng sikat ng araw. Nakakaantok. Ayan nga si Haring Araw e. Kumakaway sa akin.

"BFF," sigaw sakin ng classmate/bestfriend ko.

"Oh, bakit?" Tanong ko.

 "Tara naman gumala. Sa SM lang. Friday naman ngayon e. Plith?" Pa-baby na sabi nito sa akin.

 "E tinatamad ako e. ang init kasi."

"Bakit hindi naman tayo magbababad sa araw sa SM e." papilosopo niyang tugon sakin.

 Minsan ganito kami e. Pilosopohan pero hindi nagkakapikunan. Ayon nga, wala akong nagawa kundi ang samahan siya. BFF e. Love na love ko to e. Siya si Mysh Punzalan. Siya ang una kong naging close nung first day of school namin sa college. Yah! You heard it right! College na kami. First year to be specific. Magkapatid na ang turingan namin.

"Ikaw babae nag iinarte ka pa. Sasama ka rin pala." Asar niya sakin habang papasok sa entrance ng mall.

"E di uuwi na ko." Biro ko habang patalikod na sana.

 "Joke lang naman BFF. To naman, i love you na." Habang hawak ang kamay ko at pinigil ako sa pagtalikod.

Ganyan yan si Mysh. Super sweet. Kahit sa mga friends nya. Kaya nga ang daming nagccrush sa kanya sa school e. Pero taken na yan, 6 months na sila.

 "Tingnan mo to, ang ganda ng dress, bagay sakin to Janine." Sabay turo sa dress na nakasuot sa manikin.

"Alam mo naman na hindi ko type ang mga ganyang damit e. T-shirt at pants okay na ko." Komento ko.

"Ito namang si Janina, hindi ko naman sinabi na para sayo. Sabi ko nga diba bagay sakin." Patawa niyang sinabi.

Aba nakakailan na to sakin e. Malapit na to bumingo. As what you heard or read, I'm Janina Michelli De Guzman. Ayoko na tinatawag akong Janina or Janine. Gusto ko Mitch, bakit? Kasi wala lang. Feeling cool mas cool.

Nag-aya naman ito sa X-Site. For what? Para kumanta dun sa live. Ang dami niyang tokens na binili. Humingi lang ako sa kanya. Iniwan ko muna siya habang nakanta siya sa gitna. Ang daming taong nakatingin. Bongga ang confidence ni BFF. Bumalik ako nang maubos ang tokens ko. Umupo ako sa mahabang upuan malapit sa kanya. Nagsimula na ulit siyang kumanta.

 I always thought you were the best

I guess I always will.

 I always felt that you were blessed,

And I feel the way, still.

Aba, ganda talagang boses ni BFF. Halos lahat ng mga napasok sa X-Site ay napapahinto para pakinggan siya. Mga estudyante, may mga lalaki pa nga na titig na titig sa kanya e. Ikaw na BFF!

 Sometimes we took the hard road,

But we always saw it through.

If I had only one friend left,

 I want it to be you.

Gusto kong sumigaw ng Best friend ko yan! Kaso ayaw ko naman gumawa ng eksena. Pinanonood ko lang siya habang nakanta. Ang sarap sigurong magkaroon ng ganyang kagandang boses. Mahilig ako kumanta pero hindi kagandahan ang boses ko. Hanggang banyo lang ako.

 Sometimes the world was on our side;

Sometimes it wasn't fair.

Sometimes it gave a helping hand;

Sometimes we didn't care.

May mga estudyante na galing sa ibang school na gustong lapitan si Mysh kaso nahihiya. Panay naman ang udyok ng mga kasama nito. "Lapitan mo na kasi." Sabi ng mga kasama niya. Si Kuya naman hindi mo malaman kong lalapit ba o hindi. Mahiyain. Marami na kasing tao.

'Cause when we were together,

 It made the dream come true.

 If I had only one friend left,

I'd want it to be you.

Nakatingin na sakin si Mysh habang kumakanta. Nahihiya ako. Hihi. Feel na feel nito ang pagkanta niya. Maya-maya ay pinapalapit niya ako sa kanya. Hindi ko alam kung lalapit ako o ano. Tumingin muna ko sa paligid at napansin kong nakatingin sila sakin. Nakangiti. Ene be yen! Mysh naman. Ayoko na umeksena. Moment mo yan e.

 Someone who understands me,

And knows me inside out.

 And helps keep me together,

And believes without a doubt,

 Hindi pa rin ako nalapit sa kanya. Si Mysh naman ito, siya na ang lumapit sakin. Hinawakan niya ko sa braso. Pinapatayo na ko. Napatingin naman ako sa mga taong nanonood lahat sila nakangiti, yung iba halatang nasisweetan sa ginagawa ni Mysh. Tumayo ako. Bumalik kami sa gitna. Hawa-hawak niya ang kamay ko at swinay ito.

That I could move a mountain:

Someone to tell it to.

If I had only one friend left,

I'd want it to be you.

"This song is for you best friend!" Sabi nito sa mic. Napa-aw naman ang mga nanonood samin. Hinawakan niya ang kamay ko at swinay ito. Kinikilig ako sa ginagawa ni bff first time niya kasing ginawa sakin to. Ang sweet talaga ni best friend. I'm so lucky.

'Cause when we were together,

 It made the dream come true.

If I had only one friend left,

 I'd want it to be you.

 Panay naman ang hiyawan ng mga nanonood samin. Wow ha! Parang magjowa lang kami. Gumawa kami ng ganitong eksena. Nakakatuwa. Yung ibang staff nga ng amusement ay nanood na rin samin. Wooow! Thank you, thank you. Hahaha.

Someone who understands me,

And knows me inside out.

And helps keep me together,

And believes without a doubt,

Sa last stanza ng kanta ay itinapat ni Mysh ang mic sa pagitan ng mukha namin. Sabay raw kami. Nyeee. Nakakahiya. Sige na nga. Grabe! First time ko tong gagawin. Only for my BFF.

That I could move a mountain:

 Someone to tell it to.

If I had only one friend left,

I'd want it to be you.

100. Yehey! Perfect! Amazing! Naghive-five naman kami ni BFF. Syempre nagpakpakan ang mga nanonood. Daming fans! Haha.

Love at First TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon