Simula

4 1 0
                                    

MARIING ipinikit ni Maddie ang kanyang mga mata nang makita niyang bukas ang maliit na bintana sa may kusina. Isang tao lang naman ang naiisip niyang papasok sa hindi mo inaasahang lugar. Him.

"What the fuck are you doing here?" nanggigigil na tanong niya sa lalaking tahimik na kumakain habang nakasalampak sa sahig. Naningkit ang mga mata niya nang mapansing napakaputik ng nasa paligid nito. "At bakit napakaputik ng paa mo? Naglakad ka na naman ba ng nakapaa?"

Kumuha ng isang malinis na bimpo si Maddie saka iyon binasa. Pagkapiga ay ibinato niya 'yon sa lalaking nasa sahig. "Magpunas ka. Naaalibadbaran ako sa itsura mo."

"Baby Maddie ko, hindi mo man lang ba ako kakamustahin? Hindi kaya tayo nagkita ng anim na buwan," nakangusong wika nito habang ngumunguya.

"Baby? Gago ka ba? Kailan mo pa 'ko naging anak? At pwede ba? Kilabutan ka naman!"

Sumandal si Maddie sa counter saka humalukipkip. "Bakit ba ang sungit-sungit mo? At akala mo ba hindi ko nahahalata? Kanina mo pa 'ko minumura ah. Akala ko ba mabait ka?"

"Ikaw ang may kasalanan nito. Magmula nang makilala kita, pinapakulo mo ang dugo ko kaya napapamura ako." Naglakad si Maddie patungo sa ref para kuhanan ng maiinom ang bwisita niya. Ngunit bigla nalang nitong ipinulupot ang mga braso nito sa katawan niya. "Lubayan mo 'ko. Baka mapatay kita."

"Hindi mo na 'ko kailangan pang patayin." Biglang dumampi ang labi nito sa pisngi niya na nagpahinto sa mga rational thoughts sa isip niya. "Dahil matagal-tagal na akong patay na patay sa'yo."

The next thing Maddie knows, he was lying unconscious on the floor.

Mabuti nalang talaga at may malapit na kawali sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 14, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You're Under ArrestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon