Chapter 79

405 19 9
                                    

Jax POV

' Nagimbal kami sa nasaksihan naming lahat !! Nagawang  basagin ng kapangyarihan ni Lux ang Black Pearl ?? Na alam naman naming merong napakalakas na kapangyarihan , kung ganun , mas malakas si Lux kesa sa itim na Perlas ... !!

Maya maya ay..

Biglang nagsabog yun ng ibat ibang mga kulay , at nagkalat yun sa buong Arezona ,
Yung ibang kulay ay saming mga taong Lobo , napunta !!

Naginit ang katawan ko nung tamaan ako nun,at naramdaman Kong tila may kung anung dumaloy , sa sistema ko , at ramdam kong lumakas ako ......... Tila bumalik na ang kapangyarihan ko , ng tuluyan sakin !!

' Umilaw ang marka ko sa braso , at ganun din ang nangyari saking mga kasama , unti unti ay nagbalik nadin ang kanilang kapangyarihan !!!
Sinubukan Kong pakilusin ang lupa , pinataas ko yun , bilang panangga sa mga pasugod na kalaban !! At nagawa ko na nga yun ng walang palya !!
Bumalik na nga ang aming mga kapangyarihan !!

Isa isang nag anyong lobo ang mga kasama ko , at kanya kanyang sumugod nadin sa mga kalaban !! Nagdulot yun ng pag kawasak ng husto at pag kapino ng mga halimaw ni Asmodeous , ! Madami man sila ay wala padin silang laban ! Wala kasi silang alam kundi pumatay !! At wala din silang sariling mga isip at puso !!

Nakita Kong hinarap ni Lux si Zeyus ,
Susugurin nya na sana si Zeyus,
Pero sa di ko malamang dahilan , unti unti ,, ay naglalaho sa paningin naming lahat , si Zeyus , tumatakas ba sya ??

' Wag mo akong takasan !! Galit na sambit ni Lux , pero ....

Biglang lumitaw mula sa dilim yung tyanak na alalay ni Zeyus. .. ! Dala yung sanggol na anak ni Belle at Lux ,lumuhod yung tyanak nayun. .  at yumuko sa harap ni Lux .

' aking kamahalan....  Ang lahat ng kapangyarihan ng aking Panginoong Zeyus ay nagmula sa kanyang mga magulang ...  Inensayo sya ng kanyang ama at INA .. Para protektahan ang dalawang mundo ... Ang mundo ng Arezona at ang mundo ng mga bampira .. Sya ang pinaka malakas sa kanyang Henerasyon... Sapagkat sya ay anak ng Alpha ... Na sugo ng mga Taga Arezona , at ng supremo na sugo naman ng mga bampira ..  Dalawang pinaka malalakas na nilalang sa kani kanilang mga mundo ...  Sambit nung tyanak .. Kaya nagimbal kaming lahat !!

' kung ganun?? Si Zeyus ay......

Hindi maituloy ni Lux Ang sa sabihin nya... Dahil sinagot na sya nung tyanak..

' Sya din ang sanggol na ito , limang daang taon mula ngayon, ang aking Panginoong Zeyus , ay ang nagiisa nyong anak. ..  Aking kamahalan ..  Sambit nung tyanak..

Kaya dahan dahanng nilingon ni Lux ulit si Zeyus!! ...

' Walang kamatayan si Asmodeous. .pero meron syang kinatatakutan ,, ' Ang banal na tubig , mula sa mundo ng mga tao .. Kapag nanghina na sya ng husto , kelangang isaboy nyo na yun sa kanya , para MA hiwalay ang kaluluwa nya sa katawang yan !! Sabi ni Zeyus kay Lux bago tuluyang naglaho ..

Oo Nga pala, espiritu lang si Asmodeous. At si Yonzi talaga ang tunay na may ari ng katawang gamit ni asmodeous.

Bahagyang napangiti naman si Lux , nung mawala na si Zeyus..

' ngayon alam ko na kung bakit kinailangan nyang basagin ang puting perlas....
Kung ganun Hindi nya yun sinadyang basagin para kalabanin ako , Binasag nya ang puting perlas para tumalab naman sakin ang itim na perlas ., dahil walang bisa ang itim na perlas sa twing nandyan ang puti,kaya naisipan ni Zeyus na basagin yun. At.. Alam nya ding Hindi kakayanin ng itim na perlas ang kapangyarihan ko, at mababasag din to,at pag ang itim na perlas ,na ang nabasag , malaking kawalan yun sa Demon na si Asmodeous ,, sabi ni Lux dun sa tyanak !!

THE ECLIPSE 2 ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon