75 (Sa bingit ng isang paalam)

Start from the beginning
                                    

Hindi ko na sana papatulan at hindi na sana ako magrereact pero nakapag panting lang sa tenga ko yung huli nyang sinabe. Pabulong na nyang sinabe yun pero dahil halos magkaharapan lang kame eh narinig ko yun.



"Wag mo nga akong itulad sa ex mo na niloko ka." pagrereact ko agad. "Magkaiba kame. Hindi kita niloloko." mariin kong sabe dun sa huli.


"Siguraduhin mo lang, beatriz....." na parang nanghahamon pa.



Para namang di katanggap tanggap na sya pa ngayon ang may ganang magsalita ng ganon.


"Teka nga lang." ako at napakamot ako sa kilay ko. "Parang ang unfair naman....." at tiningnan ko sya. "Siguraduhin ko?" saka sarcastic na natawa. "A-ako talaga ha?" at itinuro ko pa ang sarili ko at natawa na naman pero sarcastic pa rin.



"Anong nakakatawa?" si jho na naka kunot noo sa harapan ko.


"Ikaw." mabilis na sagot ko. At inihinto ko ang pagtawa ko. "Naririnig mo ba ang sarili mo?"


"Ano?" si jho na lalong napakunot noo.



Napapikit ako sandali at kasunod nun ang paghawi ko sa king buhok. Napabuntong hininga ako pagkatapos. "Sayo na rin nanggaling.....Minsan." saka ko sya tinitigan. "MINSAN......Minsan ko lang nagawa sayo yun at alam mo namang pinagsisihan ko yun di ba? Pinagdusahan ko nga eh. Kaya nga nangako ako sa sarili ko, lalong lalo na sayo na hinding hindi ko na uulitin yun.....at paninindigan ko yun. PINANININDIGAN ko yun. And FYI lang, kaibigan ko lang yung sinamahan ko nun----"


"EX.......mo." putol/correction sa kin ni jho. "Ex MU mo."


"Na kaibigan ko na ngayon." ako. "Were JUST friends. Malinaw sa min yun kahit noon pa." nag pause ako ng sandali  dahil yung emosyon ko unti unting tumataas na ngayon. "Ikaw nga dyan eh...." basag ko sa munting katahimikan sa pagitan namen. "May narinig ka ba sa kin? Ang hirap sayo, gawain mo, ibinabalik mo sa kin...."


Napatingin sa kin si jho. "Ano?"


"Totoo naman ah! Pinagbibintangan mo ko na nagsisinungaling ako sayo......Na may hinaharot akong iba......Na may bago akong babae.....Na niloloko kita...." pilit akong nagpapakahinahon. "Pero ang totoo IKAW yung may gawaing ganon. Binabaliktad mo ang sitwasyon naten.....para nga naman meron kang masisi pag dumating tayo sa puntong GUSTO mo."


Hindi naka imik si jho, nakatingin lang sya kin na para bang naguguluhan sa mga sinasabe ko. Ayoko sanang pag usapan namen yung issue'ng yun ng ganto kase alam kong mauuwi lang sa awayan, na mukhang mangyayare nga base na rin kung pano kame mag usap ngayon pero andito na rin lang naman, siguro nga ito na yung time para maliwanagan na ang issue'ng kay tagal kong itinago sa kalooban ko.


"Alam mo kung anong naiisip ko ngayon? ha?" tanong ko muli sa kanya at hindi ko na hinintay pa ang isasagot nya, nagpatuloy ako. "Iniisip ko na sinasadya mo na lang to....tong nangyayare sa tin ngayon. Hinahanapan mo ako ng butas para makawala ka ng tuluyan sa kin at para maging malaya ka na. Tama ako, di ba?"



"A-ano ba yang pinagsasabe mo?" si jho na para bang kinakabahan na ngayon.


Muli napakamot ako pero sa sentido ko naman ngayon. Ewan ko ba kung pati yung pagtanga tangahan nya sa mga binibitawan kong salita (sorry for the word, jho.) ay kasama sa mga plano nya.


"Ang gusto mo, maging malaya ka na sa kung anong meron tayo para nga naman magawa mo yung mga gusto mong gawin.......sa mga gusto NYONG mangyare." mariin kong sabe. "Ano kaya kung sayo ko itanong? Sige nga. Pano kung ibalik ko sayo yung mga tanong mo sa kin?" panghahamon ko sa kanya. Seryoso ko syang tinitigan ngayon sa mata. "Pinaghihinalaan mo kong may babae eh ikaw nga dyan ang may milagrong ginagawa."


Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now