ISLA's POV
Present Day.
Naglibot muna ako sa mall after ng meeting ko with a client. Wala naman akong bibilhin. Tumitingin lang ako sa bawat store na puntahan ko. Gusto ko lang aliwin ang sarili ko. Nakatayo ako sa isang boutique ng may bumangga sa akin na isang batang lalaki. Kamuntik na nga siyang matumba eh. Mabuti na lang at nahawakan ko siya sa braso.
"Ooops! Sorry." Sabi niya.
Iniayos ko siya ng tayo. "Are you ok?" Pat ko sa ulo niya.
Tumango lang siya. Napatitig ako sa kanya. Ang poging bata. Wait! Mas tinitigan ko pa siya lalo. Parang may kamukha siya. Ahhhh... Nevermind. Napansin ko naman ang pagiging aligaga niya. Palinga-linga kasi siya na para bang may hinahanap.
Yumuko ako para maabot ko siya. "Nawawala ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"No po." Iiling iling niyang sagot.
"Are you sure?" Ulit kong tanong.
Tumango lang siya.
"Kyle!"
Sabay kaming napalingon nung bata sa pinanggalingan ng boses. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Pumikit pikit pa ako baka kasi namamalikmata lang ako. Siya nga ba to? Tuluyan na siyang nakalapit sa amin. Shet! It's really her. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ni hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko.
Mabilis siyang lumapit dun bata. "Hay naku naman Kyle! Kung saan saan ka na naman nagpunta. Paano kung mawala ka?" Medyo galit niyang sabi dito.
Nakapako lang ang tingin ko sa kanya. Parang gusto ko siyang i-approach or yakapin man lang sa moment na to pero hindi ko talaga maigalaw ang buo kong katawan. Na-miss ko siya sobra. Ilang taon ko din siyang hindi nakita. Na-miss ko lahat sa kanya.
Bigla siyang nag-angat ng ulo at napatingin sa akin. "Isla?" Gulat niyang tanong ng makita ako.
Kitang kita ko sa mga mata niya ang halo halong emosyon. Tanging ngiti lang ang naging tugon ko sakanya.
Napayakap naman siya sa akin. "Isla, Ikaw nga."
Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya. Napatigil naman ako sandali sa paghinga. Jusko! Yung ganitong mga yakap mo Kyra. Ito yung sobrang na-miss ko.
"Ky---Kyra.." Medyo garalgal ang boses ko. "Wa---it lang. Di---Di ako maka---hinga."
Niluwagan niya ang pagkakayakap sa akin. "Ay sorry. Na-excite lang ako."
Bumuntong hininga naman ako at huminga ng normal.
"It's been a long time. Kamusta ka na?" Tanong niya.
Hindi ako nakasagot agad. Nauutal ako. Shet! Ganitong ganito ako nung high school kami everytime na kaharap ko siya.
I cleared my throat at pinilit kong magsalita ng maayos. "O---Okay naman. Ikaw? Ka---musta?"
"Ok din naman. Sino palang kasama mo?" Tanong niya.
"Ano... Ahhh... A---ko... Ako lang. Ikaw? Sino... Kasama mo?"
"Ayun. Yung asawa ko, si Alex." Turo niya sa isang lalaki sa di kalayuan. "Saka itong anak namin si Kyle."
Alam ko na may asawa at anak na siya. Pinadalhan niya kasi ako ng wedding invitation pero mas pinili kong hindi umattend. Baka kasi hindi ko kayanin ang makitang kinakasal na siya. Baka bigla kong ipatigil ang kasal. Hahaha.
Nagpaalam na ako sa kanila. Para kasi akong hinahatak ng mga paa ko na umalis na. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.
"Sige Ky alis na ko." Nakipagbeso pa siya sakin bago ako umalis.
