Ang ngiti niya ang huli kong nakita bago ako tuluyang nakatulog.

Nang magising ako, hindi ko talaga inexpect na makikita ko pa roon si Quintus. Ang akala ko nga, nakaalis na siya para bumalik sa klase. Pero nagkamali ako.

Naroon pa rin siya. Nakaupo sa isang stool habang nakasandal ang katawan sa pader. Yung ulo niya nakasandal naman sa saradong bintana. Napatingin ako sa wall clock. Ilang oras na rin pala ang lumipas. Ibig sabihin ay hindi na pumasok sa klase si Quintus para lang bantayan ako dito sa infirmary.

Habang pinagmamasdan ko siya ay nakaramdam ako ng kung anong mainit na humaplos sa puso ko. Ngayon ko lang naranasan yung ganito. Maliban sa nanay at kapatid ko, ngayon lang may ibang tao na nagpahalaga sa akin nang ganito.

Ang ungas na 'to... Lalo tuloy kitang nagugustuhan kahit mukha kang gago. Lagi niya akong tinutulungan kahit hindi ako humihingi ng tulong. Lagi niya akong nililigtas, kahit pa umabot sa punto na ibubuwis niya na ang buhay niya para sa akin.

Kahit madalas mukha siyang may sira sa ulo, kahit pa lagi siyang nagsusungit, kahit pa parang lagi siyang galit, nagustuhan ko pa rin siya. I fell for his charms despite all the negative coating that turned him into the man a lot of people despise.

Biglang sumagi sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Sir Beans noong nakaraan.

"Quintus never treated anybody the way he treats you. He was always angry, always rude to other people... Until you came."

Pinagmasdan ko ang mukha ni Quintus habang mahimbing siyang natutulog. I studied every feature on his face, and made sure that I remember every inch of it even if I close my eyes.

If being treated like a special person feels this way, then I want to be special in his eyes... Always.





MATAPOS akong dalhin sa infirmary ay ilang araw rin muna akong hindi pumasok sa school pati na sa trabaho. Medyo nag-alinlangan akong gawin iyon dahil ayokong maka-miss ng lessons at exams, pero sinigurado naman sa akin ng isa kong professor na makakapag-special exam naman ako basta makapagbigay ako medical certificate.

Pero tatlong araw magmula noong nangyari ang insidente ay nagpumilit na akong pumasok sa trabaho. Napagalitan tuloy ako ni Rebecca kasi dapat daw nagpapahinga na lang ako.

Sayang kasi yung sahod eh. Tsaka ilang araw ko na ring hindi nakikita si Quintus. Ilang araw na akong hindi pumapasok kaya wala akong pagkakataon na makita siya.

Namimiss ko ba siya? Siguro. Actually oo.

"Teka..." pagpuputol ko sa panenermon ni Rebecca, "Paano mo nalaman na nahimatay ako nung nakaraan?"

"Narinig ko kasing pinag-uusapan nina Sir Beans eh. Inaasar kasi nila si Quintus kasi sobrang nag-alala sayo yung tao. Ikaw ha. Sabi mo classmates lang kayo ni Quintus. Eh bakit may mga ganyan kayong mga ganap?" kinikilig na sabi ni Rebecca.

"Ikaw kung anu-ano ang iniisip mo. Magtrabaho na nga lang tayo," sagot ko habang pinipigilan ang pagngiti.

Hindi naman ganoon karami ang dumating na mga customers noong gabing iyon kaya hindi rin ako masyadong napagod. Pagkatapos naming magsara ay dumiretso na ako parking area ng café para kunin ang bisikleta ko at makauwi na.

Habang papunta roon ay nakita kong nakaupo sa tabi ng bisikleta ko si Quintus. Nakayuko siya habang may hawak na bote ng beer.

Agad ko siyang nilapitan. "Hoy, anong ginagawa mo diyan? Tumayo ka nga. Madumi kaya diyan sa kinauupuan mo."

Tumingala siya sa akin, at doon ko lamang napansin na lasing pala ang loko. Kaya pala.

Napabuntong-hininga ako. Tinulungan ko siyang makatayo. Kahit pa medyo mahina na ang balanse niya, nagawa niya pa namang makatayo mula sa kinauupuan niya.

Something About Us [✔]Where stories live. Discover now