CHAPTER NINE

1.1K 95 51
                                    


"BAKIT hindi mo sinabi agad sa akin yung nangyari? Mabuti na lang at hindi ka nasaktan. Sana nakapagpasalamat man lang ako doon sa kaklase mong nagligtas sayo. Ano na nga ang pangalan nun?"

"Quintus po, Mama," sagot ko habang nagtutupi ng mga damit. Nagwawalis noon sa sala ang nanay ko habang panay ang pang-uusisa sa akin. "At tsaka paano ko naman po makukwento sa inyo yung nangyari eh pagdating ko dito sa bahay tulog na kayo. Alangan namang gisingin ko pa kayo, 'di ba? Tsaka mamaya tumaas pa ang presyon ninyo kapag kinuwento ko sa inyo agad. Ang OA niyo pa naman mag-alala."

"Aba malamang! Anak kita eh. Syempre mag-aalala ako sayo," sagot ni Mama habang nakapamewang at nakatingin sa akin, "Kumusta na pala yung lagay nung nagligtas sayo?"

Napatigil ako sa ginagawa ko nang sumagi sa muli sa isip ko ang mga nangyayari kagabi. Naalala ko na naman ang mga narinig ko sa ospital noong pumunta doon yung kapatid ni Ten na doktor rin pala ni Quintus. Dahil sa sakit na iyon ni Quintus kaya mas prone siya sa mga injury. Alam naman iyon ni Quintus, pero ibinuwis pa rin niya ang buhay niya para mailigtas ako.

Ang sira ulong yun...

"Magiging maayos na rin naman ang lagay niya. Mga doktor na ang bahala sa kanya doon, 'Ma," tugon ko habang patuloy pa rin sa pagtutupi ng damit. I started to sound like I was trying to reassure myself that Quintus is going to be alright. Ang weird.

"Kapag nagkita kayo ng kaklase mong iyon, dapat magpasalamat ka. Dapat mas maging mabait ka sa kanya kasi iniligtas ka niya. Biruin mo yun, ibinuwis niya ang buhay niya para sayo. Bihira na ang mga ganyang tao ngayon... Yung mga mabubuti tsaka matulungin sa kapwa nila."

Hindi na lamang ako sumagot at sa halip ay itinuon na lamang ang atensyon ko sa ginagawa ko. Wala na rin kasi akong maisagot kay Mama.

Maya-maya ay nakarinig na lamang kami ng busina sa labas. Agad sumilip si Mama sa bintana, habang ako naman ay inaayos pa rin ang mga damit na tinupi ko.

"Ayos rin itong anak ng kapitbahay natin. Hatid-sundo ng mayaman niyang boyfriend," sabi ni Mama na pailing-iling pa bago naupo sa sofa at binuksan ang telebisyon, "Ikaw anak, kailan ka magboboyfriend?"

Nagsalubong ang mga kilay ko at napatingin ako kay Mama. "Anong klaseng tanong yan, 'Ma?"

"Wala naman. Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit hindi ka pa nagkakaboyfriend. Maganda ka naman, matalino, masipag..."

Napangiti ako. Iba rin mambola si Mama eh. "Mama naman –"

"Kaya lang kung minsan masungit ka. Tapos kung umasta ka para kang laging may kaaway. Hindi mo rin pinapansin kapag may mga lalaking nagpapa-cute sayo. Anak, magsabi ka lang kay mama kung hindi lalaki ang gusto mo ha? Matatanggap naman kita eh."

Sira ulo rin 'tong nanay ko eh. "Grabe ka naman sa akin, Mama. Lalaki pa rin ang gusto ko, 'no. Tsaka yung ibang nanay ayaw nilang nagboboyfriend ang mga anak nila, pero ikaw supportive ka pa."

"Eh anak, kilala naman kasi kita. Alam kong kahit magkaroon ka ng boyfriend, hindi mo papabayaan ang pag-aaral mo. May tiwala naman kasi ako sayo eh," tugon ni mama habang nakangiti, "Ano ba ang tipo mong lalaki?"

Napaisip ako bigla. Ano nga ba ang tipo kong lalaki?

Doon ko lamang napagtanto na wala akong qualifications para sa ideal guy ko. Sa sobrang focused ko sa ibang bagay, talagang hindi ko nabigyan ng atensyon ang lovelife ko kaya kahit ideal type ay wala ako.

Dahil hindi ko masagot ang tanong niya, bigla na namang nag-follow up question ang nanay ko.

"Baka naman may crush ka?"

Something About Us [✔]Место, где живут истории. Откройте их для себя