44- Say YES!!!

Magsimula sa umpisa
                                    

" Young Lady andito napo tayo. Mag text na lamang po kayo kung susunduin kona kayo " nandito na pala kami. Hindi ko na lamang sya sinagot at dali daling bumaba ng sasakyan papasok ng school. 10 minutes. Dadaan pako sa locker ano ba yan!

Nakapasok nako sa school pero lahat ng madaanan kong studyante ay mukhang busyng busy. Lahat sila nasa cellphone ang atensyon at mukhang may pinagtsitismisan. Tssss aga aga eh.

Bago makarating sa locker, napadaan naman ako sa kumpulan ng studyante sa harap ng computer bulletin. Yung iba nagbubulungan pa tapos magbabasa ulit. Aish. Wala akong oras makipag tsismisan dahil malelate nako!

Napataas naman ang kilay ko dahil pagbukas ko ng locker ko ay muntik ng mahulog tong boquet ng black roses. Buti nalang nasapo ko. Pero kanino kaya galing to? Tumingin tingin naman ako sa paligid pero ni isang studyante ay wala namang dumadaan. Wala ring ibang studyante dito sa locker room bukod sakin. Tsss. Baka naman nagkamali lang ng locker tong sender nito. Nagkibit balit naman ako bago ibalik sa loob ng locker yung bulaklak bago ito isara. Well, sakin nalang yun. Maganda yung kulay e.

Nasa labas nako ng room at rinig mula dito ang bulungan ng mga kaklase ko. Tingin ko, tungkol ito dun sa announcement sa computer bulletin. Para silang bubuyog. Lahat naman ng atensyon nila ay nakuha ko ng binuksan ko ang pinto. Natahimik din silang lahat at yung ibang lalake ay napayuko pa. Huh? Weird.

Naglakad ako papunta sa pwesto ko pero malayo pa lamang ako ay napansin ko na ang kulay itim na rosas sa table ko. So baka para sa akin rin yung kanina. O hindi? Ay ewan.

" What?" taas kilay kong tanong kay Sydney at beks dahil nakatingin sila ng nakakaloko sakin. They are both grinning at me. Para silang maniac!

" Ikaw ha! May secret admirer ka pala!" bulong sakin ni Sydney pagkaupo ko. Tssss. Anong secret admirer? Kakornihan.

" Haba ng hair ng friend natin! Nung fieldtrip pako nababadtrip sayo ha! Alagang alaga ka sa kamay ng hari hahahahha" tawa naman ni beks nahinahaplos pa ang bawat parte ng katawan nya. Gross. Sasagot pa sana ako pero biglang pumasok yung prof. Ngayon ko lang napansin, bakit wala yata ang Hari and the seven dwarfs? Dont tell me tinatamad rin?

Crystal's POV

Pagkaend ko ng call ni Q, tsaka ko binalingan ng masamang tingin itong lalake sa harap ko. Nakaupo sya sa isang silya habang nakagapos at may takip ang bibig para hindi sya maka sigaw. It's payback time!

" Tsk tsk tsk... Sinabi ko naman sayo, wag na wag mo akong gagalitin. Sorry boy but, you leave me no choice " sabi ko dito bago unti unting lumapit papunta sa kanya. Nakita ko naman ang panlalaki ng mata nya na syang ikinatawa ko. Sinusubukan nyanv kumawala sa pagkakatali ko pero hindi nya magawa.

Hawak ang isang feather duster sa kamay ko, pinadaan ko ito sa kanyang noo. Pababa sa tenga... Sa leeg... Sa dibdib... Doon sa ibabaw mismo ng kanyang alaga. Natawa naman ako sa panlalaki ng mata nya at ang mga pigil nyang hininga.

" Kaya mo pa ba?" tanong ko sa kanya pero tanging ungol lamang ang naging sagot nya ng diinan ko ang pagkakapatong doon. Tinuloy ko ang ginagawa ko hanggang sa makarating ako sa paa nya. Nginitian ko naman sya ng matamis bago ipagpatuloy ang pagpapahirap na ginagawa ko sa kanya. Katulad kanina, sinubukan nyang makawala sa pagkakatali ko. Sa pagkakataong ito, nagawa nyang matanggal ang tali sa kamay nya bago inalis ang nakatakip sa kanyang bibig.
" STOP! FUCK IT CRYSTAL! SINASABI KO SAYO PAG NAKAWALA AKO DITO, HAHALIKAN KITA! NO! MALI! PAG NAKAALIS AKO DITO GAGAWA NA TAYO NG BABY!!!" Saglit naman akong natulala at napanganga dahil sa sinabi ni Jonas.

That Cold Nerd is the Sexy Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon