Ilang sandali pa ay tumayo na rin kami dahil magsisimula na ang aming klase. Magkaklase kami sa subject na iyon kaya naman nagsabay na lang kami.

Huminto kami sa palikuran at naiihi daw ang mokong. Hinintay ko na lang ito sa may gilid hanggang sa may nagsalita sa aking likuran.

“Hi! Khyron, right?” nakangiting bungad nito. Agad namang umasim ang mukha ko ngunit di ko na lang ito pinahalata.

“Yeah.” Maikling sagot ko lang.

“Rayzahh nga pala. But you can call me Rz, for short. Ako yung niligtas dati ni Zarex. Nakikita ko kasi na palagi kayong magkasama so sabi ko baka magkakilala kayo.” Masayang bati nito sa akin sabay lahad sa kanyang kamay.

Kinamayan ko naman ito sabay sagot sa kanya. “Yeah, kilala kita. Anong sa atin ba?”

“Wala lang gusto lang kita makilala tsaka gusto kong makita si Zarex eh.” Agad na sabi nito. Bigla namang parang biglang sinilaban ako sa loob kaya naman mas lalong namuo ang inis ko sa kanya. Gagang to. Lalandi pa ata sa syota ko ah. Subukan nya lang talaga.

Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang kanyang ginawa kay Zarex noon. Pumatong lang naman ito sa kanya saka sya hinalikan. Eh ang gago naman, pumatol rin. Kaya naman sa sobrang galit ko noon ay hinatak ko ito palabras ng bar. Noong gabing iyon rin ay may nangyari sa amin, yung una kaming nagsex.

“Nagcr lang sya. Hinihintay ko nga eh. Tsaka ang kati kati dito oh! Parang may lumapit na higad. Kanina pa nga ako nagkakamot ng likod ehy.” Sabi ko naman sabay kamot ng kunware. Para sayo yan bitch.

Nasa ganoong posisyon ako ng biglang may lumabas na lalaki mula sa cr. Nagtaka naman ako ng kung bakit bigla itong umakbay ka Rz aka higad ng taon.

“O andito ka na pala. Zarex, si Mac, boyfriend ko nga pala. Last month ko lang sya sinagot.” Pagpapakilala naman nya.

“Hi tol. Diba ikaw yung Mr. Campus? Wow. Totoo nga na gwapo ka. Hahaha!” masayang bati rin nito.

“Ah eh oo.” Yun na lamang ang nasagot ko. Nabigla kasi ako dahil may boyfriend na pala ito. Buti naman. Ang akala ko ay magiging karibal ko pa ito eh. Subukan nya lang talagang landiin ulit itong si Zarex ay matatadyakan ko ito, kahit babae pa.

“Uy! Kamusta ka na Rayzahh?” bungad naman ni Zarex na kalalabas lang galing ng cr sabay akbay rin sa akin. Medyo pinasimplehan ko naman itong sikuin dahil masyado nga itong malapit. Baka mapaghalataan pa kami.

“Eto, ayos lang. Nga pala, si Mac, boyfriend ko. Gusto kitang makita, lalong lalo na nitong si Mac dahil linigtas mo ako dati. Eh kung wala ka siguro ay baka nagahasa na ako or worse, baka napatay pa. kaya sobrang thank you, Zarex.” Pasasalamat naman ni Rz kay Zarex.

“Salamat tol. Napakaswerte nga namin na dumating ka noong time na yun.” Si Mac naman ang nagpasalamat.

“Naku, walang anuman. Kahit sino siguro ay gagawin iyon. Basta sa susunod ay mag-ingat ka na lang.” tugon naman ni Zarex.

“Tsaka nga pala, pasensya ka na kung anong ginawa ko sayo noon sa bar. Nakokonsensya nga ako kasi baka may jowa ka na tapos nagawa ko yun. Lasing kasi ako nung time na yun kaya nagawa ko. Pasensya na talaga.” Dagdag naman ni Rz.

“Matagal naman na yun kaya wala na sa akin yun.” Depensa naman ni Zarex.

“Eh may jowa ka nga ba?” panghuhuli naman ni Rz. Gaga talaga to, chismosa ang hayop.

“Oo eh. Masaya nga ako dahil kami na. Matagal ko ring niligawan yun. Worth it naman at ngayon nga ay inaakbayan ko pa.” pagpapaliwanag naman nito. Nagulat naman ako dahil nasabi nya na kami kahit na indirect ito. Tangina talaga. Ang hirap kong itinatago eh, gago.

“Omg, wow. Sobrang saya ko. Mahilig ako sa mga LGBT stories kaya walang issue sa akin. Congrats Khy! Hindi mo naman nasabi na kayo na pala ni Zarex. God! Yung Mr. WilU natin at ang 1st runner up ay magjowa. Sobrang happy ko.” Hindi naman ako makapaniwala na tanggap nya ang relasyong ganito at pati na rin si Mac. Sinabihan ko na lang sya na wag masyadong maingay dahil hindi pa namin ito naamin sa iba. Hindi talaga sya makapniwala. Dalawang gwapo daw ay magjowa. First time nya daw makakita noon na dati ay sa mga kwento lang nya nababasa.

Ilang bagay pa ang napagkwentuhan namin bago kami nagpaalam sa isa’t isa dahil nga may klase na kami. Nasabi naman ni Rayzahh na magkita kami sometimes para sa isang double date. Pumayag naman si Zarex bagamat ako ay mainit pa rin ang dugo sa kanya.

“Bakit ba kanina ka pa masungit? Simula nung lumabas sa cr ay masungit ka na.” nagtatakang tanong nito habang naglalakad kami sa hallway.

“Wala tol. Nagseselos lang ako kapag naiisip ko yung halikan niyo ni Rayzahh dati. Putangina mo kase. Ang landi mo rin.” Pagrereklamo ko.

“Aysus. Para iyon lang naman pala. Wag ka nang magselos, tol. Lasing naman daw sya nun kaya nya nagawa tsaka nagpaumanhin na rin naman. Ayaw mo nun? Dahil sa kanya ay may nangyari sa atin. Siguro kapag hinalikan ko ulit sya ay baka may mangyari ulit sa atin. Matry nga minsan.” Pang-aasar pa nito kaya naman binatukan ko pa sya.

“Subukan mo talaga yang bagay na yan ay ipapakain ko sayo tong kamao ko.” Sabi ko sabay suntok sa sikmura nito. Natawa na lang ako dahil ang cute nya habang humahawak sa kanyang tyan.

Masaya ako na kami ni Zarex. Ngunit hindi pa rin nawawala ang pangamba ko na baka masira ito agad. Lalo na at gwapo nga kaming dalawa. Kaya sa ngayon ay sinusulit ko lang ito at kung may mangyari ngang ganun ay baka hindi ko kayanin. Mahal ko lang talaga si Zarex.

Itutuloy...

It Started In The Bus [BoyXBoy] (Updating)Where stories live. Discover now