Chapter 5: The Plan [Flashback]

132 9 1
                                    

                Alas siyete ng umaga ng magising ako. Himbing na himbing pa si Kiel sa pagtulog gawa ng kailangan niya bumawi dahil sa gabi gabi na lamang syang puyat dahil sa trabaho. Agad kong tinawagan ang aking bestfriend na si Sabina.

            “Sab! Na-received mo text ko sa’yo kagabi?” Agad kong bungad sa kanya ng sagutin niya ang tawag ko.

            “Yup! Sorry wala akong load last night kaya hindi ako nakareply sa text mo. What’s with this Aira?” Aniya.

            “Let’s talk about it somewhere. Not here sa bahay.” Sabi ko.

            “Ah gets ko na kung bakit. Sige. Let’s meet around 10am sa dating tambayan.”  Sabi niya at agad na binaba ang phone.

            Lumipas ang dalawang oras at naghahanda na ako para sa lakad namin ni Sabina. Kakaalis lang ni Mama papuntang office kung kaya’t kami lang ni Kiel ang naiwan sa bahay.

            Habang nagaayos ako para makaalis na, biglang nagising si Kiel.

            “Anung oras na?” Tanung niya sa akin habang nagkukusot ng mga mata.

            “Past Nine. Bumangon ka na dyan at kumain. Nakaluto na ako ng breakfast. Kaw na bahala.” Kako sa kanya.

            “Aalis ka? Saan ka pupunta?” Tanung niya. Habang nakatingin sa akin.

            “Magkikita lang kami ni Sabina saglit. Ikaw muna maiwan dito sa bahay. Mag dota ka nalang dyan ng di ka mabored.” Tuwang tuwa ang loko. Syempre makakapag dota na naman sya.

            “Okay sige.” Nakangiti niyang sagot. Medyo kaduda duda ung ngiti niya. Hay nako! Eto n a naman ako’t naghihinala. Hayaan na nga. “Bakit nga pala di nalang sya pumunta dito ?” Tanung niya.

            “May pupuntahan pa kasi sya after namin magmeet. Doble gastos niya pag pumunta sya dito.” Dahilan ko nalang. Tumingin ako sa orasan at eksaktong Alas nuwebe y media na. “Aalis na ako. 10am kami magkikita eh.” Paalam ko sa kanya. Binigyan niya na rin ako ng pera pang grocery ng pagkain habang nasa bahay siya.

            Palakad na ako sa café kung saan kami madalas tumambay ni Sabina. Nakita ko syang naglalaptop.

            “Girl!” Bungad ko sa kanya. Nauna sya sa café kasi sa likod lang naman ng mall ung subdivision kung saan sila nakatira.

            “Oh anu na? Anu ganap? Anu ba yung paguusapan natin?” Excited niyang tanung.

            “It’s all about this girl named Aira.” Sabi ko. Habang kinukuha ko sa aking bag ang usb kung saan ko sinave ang mga pictures niya. “Naka-facebook ka?” Tango niya. “Search mo to, ‘Aira San Juan.’”

Is It Over?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon